TAHIMIK na naghain si Desiree ng pagkain. At napalis ang pag-aalala niya nang magsimulang kumain si Lance.
"Hmmm, Ang sarap naman nito, Desiree. Ngaypn lang ako nakatikim nito," papuri ni Lance habang kumakain. "At kung ganito kasarap ito na sabi mo ay kinulang pa sa oras, lalo na siguro ang talagang sinaing ninyo. You will make a man a good wife, darling."
"Sus, bolero ka talaga." Bumakas ang kasiyahan sa mukha niya.
"Bolero what? I'm not, huh. This is good or that you will make a man a good wife."
"Pero pareho."
He smiled at her gently. "Yes to both. And you have so many plus factors, sweetheart." Agad nitong inalis ang tingin sa mukha ng dalaga or he would kiss her again right there.
Nakita ni Lance ang kasiyahan sa mukha ni Desiree sa papuri nito. She was so unaffected, he decided. Napakadaling pasayahin. He pleased his ex-girlfriends with diamond rings and signature women's clothing. Subalit ang dalaga ay kaunting compliment ay natutuwa na.
At para kay Lance, Desiree was a novelty. Ang sumunod na mga sandali ay naukol sa pagkukuwento nila ng sari-sariling buhay.
"Siyam na taon ako nang itayo ng Dad ang Hayes Engineering Company. Apat na taon nang patay ang Daddy, Desiree. Ang Mommy na lang ang kasama ko sa bahay. Isa sa mga araw na ito ay ipakikilala kita sa kanya."
Hindi makapaniwala si Lance na nagkukuwento ito ng buhay niya sa isang babae sa halip na makipagtalik. At si Desiree ay naroon at tahimik na nakikinig. Genuine interest on her lovely face.
"What about you? Nasa Isabela ba ang mga parents mo?" he asked.
Umiling siya. "Second year college ako nang mamatay silang pareho Aksidente sa bus."
"I'm sorry..."
"That is okay." She shrugged. "Dalawang taong mahigit na iyon nakalipas. At nakaligtas naman ang Nanay ko pero siguro ay hindi na rin nito ninais pang mabuhay nang malamang namatay ang Tatay ko on the spot. Ang Tita Becca ko ang nangasiwa sa kapirasong ari-arian namin at ito rin ang umasikaso sa pag aaral ko."
"You never went home after that?"
"Umuuwi ako sa Isabela tuwing semestral break at sa lahat ng libreng pagkakataon. Pero hindi ako umuwi matapos ang graduation ko almost two months ago na nga. I went looking for a job almost immediately."
Tinitigan ni Lance si Desiree. Mag-isa na lang siya sa buhay at mahigpit nitong nararamdaman that she was so helpless and needed his protection. At tama ang ginawa nitong pagpapalipat sa dalaga sa townhouse sa ilalim ng pangangalaga nito.
MALALIM na ang gabi'y nanatiling gising si Desiree. Nakatitig sa kisame. Iniisip ang mga nangyayari sa buhay niya. She was all set and ready para pakisamahan si Harley at pakisamahan ito. Then out of the blue, Lance stepped into her life. Si Lance ang instrumento kung bakit bigla'y natanto niyang hindi pala niya kayang makasama ang katulad ni Harley. Na ang dahilan kaya hindi niya maipadama ang init na hinahanap nito sa kanya'y dahil nakahanap siya ng kaibigan dito lamang ang nararamdaman niya para rito. She had no way of knowing her true feelings until Lance.
And Lance became her knight in shining armour, bantayan at pangalagaan siya mula kay Harley. A virtual stranger who appointed himself as her temporary guardian against the man she had known for some time. Life was so ironic.
Napairap na lamang siya nang pumasok sa isip niya si Harley. All along she thought him to be faithful. Again she bitterly took a deep breath at bumangon. Tahimik siyang lumabas ng silid. Nagbukas siya ng ilaw sa kusina at kumuha ng carton ng gatas sa ref at nagsalin sa baso at naupo sa mesa. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mula sa entrada sa kusina ay lumabas si Lance na ikinapitlag niya.
"Ano ang problema?" banayad nitong tanong. Ang mga mata ay alerto.
Napatayo siyang bigla, dragging her chair na siyang gumawa ng ingay sa katahimikan ng gabi. 'N-nothing. Hindi lang ako makatulog. Hindi ko rin gustong magising kita. I tried to creep about."
"Maybe it's the creeping about that did it," wika nito at nagkibit ng mga balikat. "Anyway, hindi pa rin naman ako talaga tulog."
Sinikap ni Desiree na huwag tumingin sa binata. Maliban sa jeans ay wala na itong suot. Nakapaa nga rin lang. His masculinity was taking her breath away. At isiping kahit minsan ay hindi niya ma-appreciate ang mga macho na ikinakikilig ng mga katrabaho. At
kuntento na siya noon na walang ganoong damdamin hanggang sa sandaling iyon.
Ngayon ay gusto niyang lapitan ito at damhin ng mga kamay ang kahubadang iyon. Let her fingers run along the firm chest. He was tall and dark. Pantay-pantay ang balat mula sa mga braso hanggang sa dibdib. Napahugot siya ng paghinga. Kinabahan sa sariling daloy ng isipan. At nang tumaas ang paningin niya ay nakatitig sa kanya ang binata.
"Pag nagtatrabaho ako ay hindi talaga ako nagsusuot nang pangitaas," wika nito na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. Pinamulahan ang dalaga roon at iniwas ang mga mata at baka kung ano pa ang mabasa ng binata roon.
Ni hindi na siya halos humihinga, tila nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya. "I-I'll go back to bed," she stammered, humakbang palabas at alam niyang mararaanan niya ito. And she almost panicked nang hindi tumitinag sa kinatatayuan si Lance upang paraanin siya.
"L-let me pass..."
Subalit hindi pa rin tumitinag si Desiree at sa halip ay niyuko siya. "Alam mo bang wala naman akong naiintindihan sa pinapanood ko kanina?" Itinaas nito ang kamay and brushed her cheek softly with his knuckles. "Ikaw ang laman ng isip ko sa lahat ng oras..."
Hindi matiyak ni Desiree kung humihinga pa siya.
Itinaas ang kamay upang palisin ang kamay ng binata sa pisngi niya pero ikinulong ni Lance sa mga daliri nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito at pinanatili roon.
"Perhaps I'm the villain after all, Desiree," he whispered softly. He planted a soft kiss on her temple. Bumaba iyon sa punong-tenga ng dalaga.
Sunud-sunod ang paghingang ginawa ng dalaga, painful breathings na lalo lamang nagpawala sa lakas ng mga binti niya. Ang mga labi ni Lance ay naglakbay sa kabuuan ng mukha niya and then his hand curved around her nape drawing her closer to him.
Nagpaubaya ang dalaga. Ang naroon lang ay ang tahimik at madilim na bahay, the warm kitchen and Lance's roving fingers. Warm and hard beneath her hair.
Inikot nito sa mga daliri ang buhok niya at banayad na hinatak upang mapatingala siya nang husto. And she closed her eyes in submission, parted her lips obligingly as he claimed her mouth. His hand moved down to her breast na natatakpan lamang ng manipis na pantulog. She was gasping aloud when he played with her aching and swollen n****e.
"Ganda mo talaga, Desiree," he whispered against her lips.
"I-Inaantok na ako, Lance," she whispered in between his heated kisses.
Isang marahang tawa ang ibinigay ni Lance roon as he looked down into her dazed eyes. "Okay, My Desiree. Matulog na tayo."