Napahilot sa sentido si Desiree habang nakatitig sa kanyang monitor. What a stressful day. Wala sa mood si Lance. Wala siyang ideya kung anong dahilan. Hindi na niya kailangang mag-usisa. Ang alam lang niya ay bad news kapag hindi maganda ang timpla nito. Unang nasampulan si Kristine nang mahuli itong nakikipagchismisan sa pantry. Pangalawa ay ang driver nito. Siya naman ang sumunod pagkatapos niya itong ipagtimpla ng kape at hindi niya namalayan na asin ang kanyang naihalo. 'E di ayun award! Dahil doon mas lalong nabadtrip si Lance. Tinambakan tuloy siya ng trabaho. Utos dito, utos doon. Gusto talaga siyang parusahan. Napasimangot na lang si Desiree kapag hindi siya nito nakikita. Hindi pa siya nakakain ng lunch dahil sa mga pinapaasikaso nito sa kanya. Eh kumakalam na ang sikmura niya

