"May gagawin ka ba sa Thursday?" 'Meron." Kahit ang totoo, wala siyang ibang gagawin kinagabihan kundi ma-abang sa socials niya sa mga kaganapan. Kung hindi siya nito iimbitahan ay baka magmukmok pa siya hanggang kinabukasan, bagay na hindi niya aaminin kahit sa sarili. "What is it?" "Sabihin mo muna kung bakit mo tinatanong." "I'm asking because I want you to come with me." Umatake ang kiliti sa bawat pandama niya dahil sa sinabi nito. Umaasa na siya pero hindi pa rin siya handa para marinig iyon mula sa lalaki. "Ano? Bawal kang tumanggi. Kahit meron kang importanteng gagawin, mas importante pa rin ako para unahin mo." As if naman meron pang ibang mas importante dito sa sandaling iyon. "Bawal naman akong tumanggi. Ano pang laban ko doon?" Umangat ang sulok ng labi nito. "Pwede ka

