CHAPTER 19

1878 Words
Sanrio C20 "Maganda etong napili mong place tinalo mo pa ako. Ikaw na kababalik lang dito sa pinas pero mas alam mo ang lugar na 'to kesa sa akin. Hindi ko nga alam na may ganito kagandang lugar pala dito. Habang kumakain nakikita ang buwan at nga bituin. Bukod duon ang simoy ng dagat. At bakit naman ang dami mong inorder, baka kulangin ang pambayad ko he!he!he!" "Sa palagay mo ba ay hahayaan kitang magbayad syempre hindi. Magmula ngayon na nandito na ako kakain tayo saan man may masarap na kainan." "H-ha ah eh, nakakagulat ka naman. Tagal mong nawala ni walang paramdam tapos babalik ka na halos hindi talaga kita makilala. Na supresa mo talaga ako sa pagsulpot mo Henry." "Sabi ko nga sosopresahin kita. Pinaghirapan ko ang lahat ng eto. Kong alam mo lang kong gaano ang hirap ko sa pag-diet at sa kong ano ano pa ma achieved lang ang katawang eto." "Oo nga kitang-kita naman. Hindi nga kita talaga nakilala. Ipinaayos mo rin kasi ang ilong mo." "Oo Rio. Eto lang naman ang ipinaayos ko wala ng iba. Ako pa rin eto si Henry. Pasensya ka na at matagal akong nawala at Hindi nagparamdam. Marami lang naging problema sa pamilya ko, at ang lahat ay naging malaking shock sa akin. Pero ng dahil sayo kinaya ko ang lahat." "H-ha? Anong ibig mong sabihin Henry?" "Ikaw... ikaw ang naging motivation ko upang makaya ang lahat-lahat." "H-ha? T-teka kumain na tayo m-mukhang masarap etong mga pagkain nila dito oh. Hindi masarap eto kapag malamig. " Ang pag-iiba ng usapan ni Rio. Habang sumusubo at kumakain si Rio ay hindi siya mapakali. Bukod sa kinakabahan siya sa mga pinagsasabi ni Henry, ay kinakabahan din siya na baka nakarating na din kay Sanjo ang tungkol sa pagsama niya ngayon kay Henry. Lalo't nagugulat siya sa mga kilos nito. Sinasalinan siya nito ng tubig sa kanyang baso at inaabutan ng mga pagkain sa kanyang plato. Nahuli din ng mga mata ni Rio, Ang tila pagpicture at pagvivideo yata sa kanya nila Saturn sa kabilang mesa. Hindi naman niya masisisi sina Saturn dahil ang katapatan nito ay na kay Sanjo, sa kanilang tunay na Boss. Sa subrang tense ni Rio, ay subo na lamang siya ng subo. At kong saan-saan tumintingin. At nalintikan na ng biglang hawakan ni Henry ang kayang kamay. Sa gulat niya ay nagkandasamid-samid siya sa pagkain. Mabilis naman siyang inabutan ni Henry ng tubig at pinainom. Umiinom ng tubig si Rio, pero ang kanyang mga mata ay nasa kabilang mesa sa mesa nila Saturn. Na nakatingin sa kanya at senenyasan pa siya ng mga eto n parang sinasabing LAGOT KA. "Dahan-dahan naman kasi sa pagkain, hanggang ngayon ba ay hindi ka nagbabago palagi ka paring nasasamid." "Ah, eh, H-henry s-salamat! Sige na maupo ka na at kumain. M-masarap kasi ang pagkain eh, pasensya na." "Oo nga,talagang masarap ang pagkain dito. Sulit ang presyo...Ahm, Rio." "H-huh! B-bakit?" "May gusto sana akong itanong sayo. Usap-usapan kasi sa Office na In-relation ka na. Totoo ba?" "H-ha ah eh, ano ah... Oo totoo." Biglang nagbago ang masayang awra ni Henry. Natahimik eto ng ilang minuto bago muling nagsalita. "Andito na ako Rio, nagbalik na ako." Ang seryosong sabi nito sa kanya. "Ahm, H-henry...Mayruon din sana akong gustong itanong sayo." "Ano yon?" "M-may gusto ka ba sa akin? P-pasensya na sa tanong ko naneneguro lang, baka kasi naprapraning na ako. Eto kasi ang naiisip ko. Gusto ko lang malinawan." "Hindi ka na-prapraning Rio. Nakalimutan mo na ba gusto at mahal natin ang isat-isa nuon." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rio. Bigla siyang gininaw. "Sinasabi ko na nga ba eh. Binigyan niya ng ibang kahulugan ang mga sinabi ko sa kanya nuon. Gusto ko siya at mahal ko siya bilang kaibigan hindi sa kong ano pa man...patay tayo dyan." Tahimik na nag-iisip si Rio. Panibagong gusot na naman etong napasukan niya. Alam niyang hindi maaring ipilit ni Henry ang pagkakagusto sa kanya dahil baka mapatay lang siya ni Sanjo. Na ayaw naman niyang mangyari. Si Sanjo, ma masyadong seloso pagdating sa kanya. Kong bumakod ay daig pa ang security ng central bank. 24hours ang kanyang bantay umaga at gabi. Lahat ng mga nakakasalamuha ay seguradong ma e-escan. "H-henry, makinig ka para sa kabutihan mo etong sasabihin ko." "Ha?" "Henry, pasensya na pero nagkakamali ka ng iniisip nuon. Gusto kita at mahal kita bilang kaibigan. Hindi sa kong ano pa man." "Wait , alam kong mahihirapan ka na tanggapin ako dahil parehas tayong lalaki. Hindi ba Rio? Mahal mo ako at gusto mo ako nuon at ramdam ko iyon nuon Rio. Ikaw lamang ang umuunawa at palaging nasa tabi ko. Ikaw ang palaging nagpapasaya at nagpapalakas sa akin. Katulad ko hindi ko iyon basta-bastang makakalimutan. Ang pakiramadam na iyon ay dala-dala ko hanggang amerika Rio. Kaya huwag mong sabihin iyan. Andito na ako mahal ko at tanggap ka ni Papa Harold. Wala tayong magiging problema sa kanya." "HA?...Naloko nang talaga lalo tuloy naging komplekado " "Rio, Bumabawi sa akin si Papa Harold, sa lahat ng pagkukulang niya sa akin at sa yumao kong mama. Noong ipinagtapat ko sa kanya ang tungkol sayo ang lahat-lahat. Kinuwento ko sa kanya na ikaw ang tanging tumanggap sa akin noong mga panahong kinakawawa ako ng iba. Walang magiging problema sa side ko. Alam ko nuon parehas tayong natatakot dahil kapwa tayo lalaki, pero iba na ngayon Rio. Andito na ako at maipaglalaban na kita sa kahit ano pa man." "P-pero Henry, makinig ka nagkakamali ka. Kasi pagmamahal bilang isang kaibigan lang ang turing ko sayo nuon. At mas lalong hindi pwede ngayon, dahil may boyfriend na ako at siya ang mahal ko." "What? b-boyfriend?" "Oo, tama ka ng narinig boyfriend. Henry, nagkakamali ka sa iniisip mo nuon." "Ano?" "Pasensya na, pero nagkakamaki ka ng pagkakaintindi sa akin nuon. Kong nasabi ko man sayo nuon na gusto kita at mahal kita ,iyon ay dahil bilang kaibigan lang. Totoong gusto kita kasi wala kasi akong kapatid. Magaan ang loob ko sayo nuon , pakiramdam ko nuon safe at kontento ako na ikaw ang palaging kasama at nakakausap ko. Alam mo naman hindi ba na hindi ako mahilig sa spotlight. Parehas tayo gusto ng tahimik lang sa tabi. Iyon lang 'yon." "Pero gusto kita hindi bilang kaibigan Rio. Mula nuon ikaw lang ang nandito sa isipan at puso ko, walang laman kong hindi ikaw. Andito na ako Rio , ako na lang ang gawin mong boyfriend. " "Ha?" "Seryoso ako Rio. Ano pang kulang sa akin babaguhin ko." "Wait Henry, walang kulang sayo. Kaibigan pa rin ang turing ko sayo at talagang masaya ako at nakita kitang muli. Nagbalik sa ala-ala ko ang mga memories natin nuon. Pero hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sayo. Mahal ko ang boyfriend ko at sya lang ang mamahalin ko wala ng iba." "Sinasabi mo lang yan dahil ngayin lang ako nagpakita. Alam ko galit ka sa akin sa biglaan kong pagkawala. Sa mga panahong hindi kita kinontak man lang, at darating ako bigla-bigla ng ganito. " "Hindi Henry, talagang eto ang nasa puso ko. At hindi ako galit sayo.... Isa pa, kahit wala pa akong boyfriend hindi kita kayang mahalin bilang kasintahan. Dahil para sa akin kaibigan at kapatid lang talaga ang pagmamahal ko sayo. " Hindi nakapagsalita ka-agad si Henry. Pinaglaruan ang hawak-hawak n tinidor sa kamay. Habang deretsong nakatingin kay Rio. Malabong malaman kong ano ang nasa kanyang isipan, pero halatang nasaktan siya. "Ma's mabuting deretsahan Henry, dahil hindi ko talaga alam na iba pala ang gusto mo. At para tigilan mo na ako, baka mapahamak ka lang." "Rio, nakapaghantay ako ng ilang taon bago muli kitang nakita. Kaya Handa pa rin akong maghantay sayo. Gusto ko lang malaman mo, na ang pagmamahal ko sayo ay hindi basta-basta at 'yan ang papatunayan ko sayo." Si Rio, naman ang hindi nakapagsalita. Alam niyang mabait si Henry at may mabuti etong puso. Na kahit nasasaktan na ay mahinahon pa rin eto sa lahat ng bagay. Si Henry, din kasi ang klase ng taong positibo kong mag-isip. At hindi eto nagtatanim ng galit sa kanyang puso. "Ahm, bahala ka. Pero sinasabi ko sayo wala kang maasahan sa akin at masasaktan ka lang. " "Okay lang. Masaya na ako na naSa tabi lang kita at nakikita. Sige na ubusin na natin etong mga pagkain sayang naman." "Okay, salamat Henry!" Pilit na ngiti lamang ang isinukli ni Henry kay Rio. Masasalamin sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan.. Natapos ang isang maituturing na dinner date nina Rio at Henry. Hindi niya inaasahan ang magiging muli nilang pagkikita ng kanyang kaibigan noon na si Henry, ay magkakaganon. Ngayon lang luminaw ang lahat kay Rio, at talagang nagulat siya. Nasa kwarto na si Rio sa mansion ni Sanjo. Dito na kasi siya tumitira ayon sa kagustuhan ni Sanjo. Isa pa, talagang natakot na siyang baka makidnap muli siya. Para sa ikabubuti ng lahat pumayag na si Rio na lumipat dito. Atleast, dito maraming magbabantay sa kanya. Tanggap na nya ang bigat ng pagiging konektado sa isang leader ng Mafia. Lalo na ang pagiging mismong lover nito. Delekado na ang kanyang buhay kaya talagang kinakailangan na niyang mag doble ingat. Dala ni Rio, hanggang sa pagtulog ang isipin tungkol kay Henry. Iniisip din niya na ipagtatapat niya kay Sanjo ang tungkol dito. Batid na kasi ni Rio, ang ugali ni Sanjo at eto ang pinaka-ayaw nya dito. Hanggang sa nakatulugan na nya ang mga iniisip.. Lumipas pa ang ilang araw wala namang naging problema masyado kay Rio. Mga kasong hawak lang niya ang pinagkakaabalahan niya. Palagi din siyang niyayang kumain sa labas ni Henry, pero tinatanggihan niya eto. Wala namang nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Henry sa loob ng Imakulada. Samahang boss at empleyado lang. Ni wala ngang nakaka-alam na matagal na silang magkakilalang dalawa. Ang tanging may alam lang ay ang mga bodyguards ni Rio. Pero kapag nagkakasalubong sila ni Henry, o di kaya ay may kailangan siyang isangguni dito bilang head ng Imakulada, ay alam niya ang kakaibang titig nito sa para kanya. Kahit nakatalikod si Rio ay nararamdaman niya. Kaya naman kong pwede lang na hindi sila magkita ni Henry, ay ginagawa niya. Umiiwas talaga siya dito ng todo. Pero hindi maari iyon. Iisang kompanya lamang ang kanilang pinapasukan. Magkikita at magkikita talaga silang dalawa kahit anong iwas ang gawin. Tulad na lamang ngayon. Anniversary ng Imakulada Law Firm. At naka-ugalian na, magcelebrate ang buong empleyado sa itaas ng rooftop ng kanilang gusali sa gabi. Pagkatapos ng oras nila sa trabaho. Deretso na silang lahat sa itaas. May libreng inumin, pagkain at may pa live band pa. Masaya ang lahat, nagsasayawan at ang iba ay sinasabayan ang pag-awit ng singer ng banda. Dahil na tetense si Rio, sa mga pasulyap-sulyap ni Henry, sa kanya ay hindi na niya mabilang ang mga naiinom niyang beers at wine. Tumayo siya upang pumunta ng Cr dahil puno na ang kanyang pantog. Medyo lasing na siya dahil naramdaman na niyang magaan ang kanyang pakiramdam. Parang hindi na sumasayad sa sahig ang kanyang mga paa. Pagkarating ni Rio, sa loob ng Cr ay agad siyang umihi sa loob ng cubicle. Nakaramdam siya ng konting ginhawa at sa kanyang paglabas ay nakasalubong niya si Henry sa may pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD