CHAPTER 18

1951 Words
SANRIO 19 "I miss you!" "I miss you too! Kaylan ka ba uuwi " "Why? Don't tell me you have a surprise for me?" "I'ts not like that." "So what it is? tell me, what's bothering you." "Sanjo, gusto kasi kitang dalhin sa amin at ipakilala sa mga magulang ko." "What? really?" "Oo nga. Para mahinto na rin sila sa kakareto sa akin sa kong sino-sino. " "WHAT?" Napataas and boses ni Sanjo sa kabilang linya sa sinabi ni Rio. "Huwag kang mag-alala sinabi ko na sa kanila na ayaw ko, dahil hindi na ako available Im already taken. Kaya eto kinukulit na nila ako na makilala ka." "Rio ,my love. Masaya ako dahil gusto mo na akong ipakilala sa mga magulang mo. Pero hindi ka ba natatakot alam mo na." "Sanjo, buo na ang pasya ko. Ano man ang mangyari, tanggapin ka man nila o hindi ay walang magbabago sa atin. Ang tanging hiling ko lang sayo ay sana kahit ano ang mangyari at sabihin nila huwag mo akong isusuko." "Baby stop. Alisin mo 'yan sa isipan mo. Dahil never yan mangyayari. Ako nga etong natatakot baka ako ang isuko mo. Mga magulang mo sila pamilya alam kong sino ba ako kong ikokompara sa kanila hindi ba?" "Sanjo, kaya nga tumawag ako sayo kasi ilang araw na akong natatakot. Pero ngayon nakausap na kita at naipaalam ang tungkol dito gusto ko lang sabihin sayo na Mahal na mahal kita at ipaglalaban kita..at sana kong ano man ang sabihin nila huwag kang magagalit sa kanila pwede ba?" "Hey baby. Alam ko ang tumatakbo dyan sa utak mo ngayon. Anong akala mo sa akin. Iniisip mo bang magagalit ako sa kanila at sasaktan ko sila. Babe , Magulang mo ay magulang ko na rin. Kong sino ang mga mahal mo at mga importante sa buhay mo ay importante na din sa akin. Ikalma mo yang isipan mo I can handle everything ,we can handle it because we have each other right Rio?" "Ohm!.Thank you!" "Okay baby I have to go now. This Friday uuwi na ako. Mag-iingat ka dyan at ano man ang problema iutos mo lang sa mga tauhan natin." "Oo na sige na ikaw din mag-iingat ka din dyan..and Miss na miss na kita!" "Miss you much my baby! Humanda ka pag-uwi ko." "Sure, paghahandaan kita." "Loko ka.Dahil sa sinabi mong yan parang gusto ko nang umuwi ngayon din." "He, sige na ba-bye na I love you!" Hindi na hinantay pa ni Rio ang reply ng sinabi nya. Sapat nang alam na nya kong ano ang sasabihin nito sa kanya. Hahaba lang kasi ang usapan. "Atty. Rio. Pwede ba kitang maimbitahan kumain ng dinner mamaya." "Ah, Sir Henry." Nagulat pa si Rio ng may magsalita sa kanyang likuran. Si Henry Imakulada. Ang anak ni Sir Harold. Hindi si Rio, naka punta sa welcoming party nito nuon. "Hindi ko tatanggapin ang No mo. Alalahanin mo may utang ka sa akin." "Ha? Ano yon Sir Henry? Wala kasi akong natatandaang nangutang ako sayo." "Ha!ha!ha!..it's not money Rio. I mean, Hindi ba wala ka sa welcome party ko nuon. Halos lahat naruruon aside from you remember?" Medyo na guilty si Rio ng maalala iyon. "Ahm, Sir Henry sige mag dinner tayo mamaya at ako ang taya. Para naman makabawi ako sa iyo." "Good. Okay see you later Atty. Rio." Masaya etong umalis at naiwan naman si Rio na may kakaibang pakiramdam. "Weird. Bakit ba kasi ganon makatingin iyon. " Pabalik na sana si Rio sa kanyang opisina. Lumabas lamang kasi siya upang may kuning dokomento sa kasamahang atorney din. Nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Napahinto siya sa paglalakad at tama ang hinala niya, boses ni Carol. May kausap eto sa cellphone nito na tila bumubulong. Babalewalain na sana ni Rio si Carol at liliko na sa pasilyong papunta sa kanyang opisina ng marinig niya mula dito ang pangalan nya. "Huwag kang mag-alala okay naman si Atty. Soler. " "Sino kaya ang kausap ni Carol? At bakit napasama ako sa kanilang usapan? " Ang nagtatakang tanong ni Rio sa kanyang sarili. Balak sana niya etong tanungin ang kaso, nakita na niyang lumakad na si Carol papasok sa opisina ni Atty. Pheton... "Saturn, Kakain kami ng New boss ko ng dinner, please lang huwag kayong magpapahalata na bumubuntot kayo sa akin." "Yes, Boss Wife masusunod." Nasa labas na ng Imakulada Building si Rio at hinahantay ang kotse ni Sir Henry. Napagkasunduan kasi nilang ang kotse nito ang gagamitin. Batid din sa Imakulada na may sasakyang sumusundo at naghahatid kay Rio araw-araw. Ilang araw ding naging topic iyon sa kaniyang mga ka-work mates. Pero natahimik lang sila ng sinabi niyang sa kanyang lover, na over protected lamang sa kanya ang sasakyan at ang driver. Agad naman silang naniwala dahil alam naman na nila na nuon pa man ay may tsismis nang may kasintahan etong mayaman. Ngunit hindi nila alam kong sino ang kanyang kasintahan. Hindi pa niya eto sinasabi sa kanila. Kaya nananatiling pala-isipan sa kanila kong sino ang mayamang lover ni Rio. "Rio, let's go." Ang utos sa kanya ni Henry na nasa loob ng kanyang sasakyan. Napaka-tamis ng pagkakangiti nito sa kanya. Agad namang pumasok sa kotse ni Henry si Rio. Sa front seat siya naupo at ngumiti din kay Henry ng siya ay makaupo na ng maayos. Habang papunta sila sa restaurant kong saan sila kakain ay may pakiramdam si Rio talaga na hindi niya matukoy kong ano iyon. Mula kasi ng makita niya si Henry, ang anak ng me ari ng Imakulada Law Firm sa Imakulada, ay parang may pakiramdam siyang nakita na niya eto. Pero segurado rin siya sa kanyang sarili na hindi pa niya eto nakikita. Kaya naguguluhan siya.Hindi niya maiwasang paminsan-minsan ay sulyapan eto habang nagmamaneho. "Sir Henry, Pasensya na pero nagkita na ba tayo? At bakit parang ang bait mo sa akin. Oo wala ako sa welcome party mo, pero hindi dahilan iyon para yayain mo akong mag dinner. Sa dinami-dami naman ng mga empleyado sa Imakulada bakit ako lang?" "Nakalimutan mo na nga ako Rio. Sabagay hindi kita masisisi dahil matagal ng panahon ang nakalipas at malaki na ang nagbago sa akin." Nagulat si Rio sa rebelasyong eto ni Henry sa kanya. Pilit niyang kinapa sa kanyang isipan kong sino eto. Ang Henry na nakikita niya ngayon ay mukhang hindi nalalayo sa kanyang edad. Mukhang alaga nito ang kanyang katawan sa gym. At isa ding matatawag na Hunk, tall dark and handsome. Para siyang model at artistahin. Hindi mo masasabing isa etong abogado. "Talaga magkakakilala tayo? Kaylan at saan? Pasensya na at Hindi ko talaga matandaan." "Okay, ipapaalala ko sayo. Noong first year Colleges ka, hindi ba may naging kaibigan ka na mataba at palaging natutuksong may ilong ng parang sa isang gorilya." "T-teka ikaw si Henry Lopes? Iyong palaging nag-iisa at palaging na bu-bully?" "Oo ako nga. " "P-pero Lopes ang apelyedo mo hindi ba? bakit naging Imakulada na ngayon?" "Mahabang kuwento. Lopes ang apelyedo ng nanay ko. Lumaki akong walang ama, Pero bago mamatay si Mama ay ipinakilala niya ako kay Papa Harold. Inihabilin niya ako dito ng mamatay siya. Itinago kasi ako ni Mama sa takot na baka kunin ako ni Papa sa kanya. Dahil isang katulong lang si Mama dati sa bahay ng mga magulang ni Papa. Isa pa nalaman ni Mama na ikakasal si Papa sa girlfriend nito na gusto din ng mga magulang ni Papa. Kaya iyon umalis si mama na buntis sa akin. Pero dahil nga sa alam niyang mamatay na siya kaya kinontak niya si papa at noong namatay si mama ay kinuha na ako ni Papa Harold. Nagkataong wala din siyang anak na lalaki sa babaeng kanyang pinakasalan. Dalawang babae ang mga kapatid ko sa kanya. Ipinadala ako sa Amerika at duon pinag-tapos ni papa. "Kaya pala bigla kang nawala nuon." "Oo, Rio. Sorry hindi ako nakapag-paalam sayo noon biglaan kasi ang lahat pero, bumalik na ako at iyon ang mahalaga. Tutuparin ko ang pangako ko sayo." Ang sabi ni Henry na ipinagtaka naman ni Rio. Pilit hinahalukay sa kanyang isipan ang tungkol sa pangakong tutuparin na sinabi ni Henry... FIRST YEAR COLLEGE DAY "Henry bakit ba nag-iisa ka na naman dito?" "Mabuti na 'yon Rio, ang umiwas sa kanila para naman hindi nila ako napagdidiskitahan." "Sus! Hayaan mo sila. Mga makikitid lang ang mga ulo nang mga 'iyon." "Bakit kasi ikaw Rio, hindi ka nila katulad nakikipagkaibigan ka sa isang kagaya kong mataba at pangit?" "Henry naman. Ikaw talaga, walang pangit sa mundo. Ang mga tao lang ang mapanghusga. Basta ako para sa akin gwapo ka, walang mali sayo at gusto kita." Natahimik ang kapaligiran. Nakatitig silang dalawa sa isat-isa. Si Rio ay matamis na nakangiti kay Henry at maya-maya lamang ay sumilay ang isang matamis din na ngiti sa labi ni Henry. "Gusto mo ako talaga?" "Oo nga. " "B-bakit gusto mo ako?" "Naku naman Henry, kailangan ba may tamang explanation sa lahat ng bagay?. Gusto kita bilang ikaw, mabait ka, aye!. basta, gusto kita, at mahalaga ka sa akin. Kahit anong itsura mo o kahit ano ka pa tanggap kita. Iyon na 'yon, ikaw talaga Henry. O sige ikaw matanong ko. Ano ba ako sayo? Hindi ba mahalaga din ako sayo tama ba?" "Mahalaga ka sa akin Rio... Mahal kita!" "Eh, yon naman pala eh. Mahal din naman kita bi...." Hindi na natapos ni Rio, Ang kanyang balak sabihin. Pinutol kasi eto ni Henry. "Kong ganon babaguhin ko ang sarili ko para sayo. Para maging karapat-dapat ako sayo. At hindi mo ako ikahiya kapag kasama mo ako. Pangako ko iingatan ko ang pagmamahal mo sa akin. Magmula ngayon wala na akong paki sa iba. Ang mahalaga ay ikaw." "Ha?" " Henry... Anak ng tokwa naman oh, kanina pa ako naghahanap sayo. M-may naghahanap kasi sayo sa labas at ang sabi kailangan ka daw ng mama mo..Kapitbahay nyo daw sya eh. Nag-aagaw buhay na daw ang mama mo sa hospital. Kaya kahit pauwi na sana ako ay hinanap mona kita . Hindi ka naman daw kasi sumasagot sa cellphone mo." Si Edmond, Isang kaklase nina Henry at Rio hinihingal siya habang nagsasalita. Mabilis na tumakbo si Henry ng marinig ang tungkol sa mama nito. At mula nuon ay hindi na eto nagpakita pa sa university. Eto ang tagpong bumalik sa ala-ala ni Rio. Bigla tuloy siyang kinutuban ng hindi maganda. "Andito na tayo. Halika na Rio." Sa isang seaside reataurant sila humantong. Bumaba silang dalawa ng sasakyan at magkasabay na pumasok sa loob ng kainan. Naalala ni Rio nuon na parehas nilang dalawa na gusto ang dagat. Noong nag-outing ang kanilang batch at sa isang beach sila pumunta at nag-overnight. Natatandaan niyang magkasama silang dalawa ni Henry sa isang cottage. Kinilabutan na naman siya sa naisip. Ngayon niya naiintindihan ang lahat-lahat. Hindi na siya bago sa ganito. May ka-relasyon na siyang kapwa niya lalaki. Kong si Sanjo ay nagkagusto sa kanya noong unang kita pa lamang nila nuon. Malamang hindi kaya may gusto din si Henry sa kanya nuon pa man. Naalala din niya ang mga kakaibang tingin sa kanya ni Henry nuon. Hindi man eto pala-imik pero madalas niya etong nakikitang nakatitig sa kanya. Madalas pa ngang nahuhuli niyang iginuguhit siya nito. Magaling mag-drawing si Henry, kahit lapis lang ang gamit nito. Nuon ay balewala lang sa kanya ang mga bagay na eto, dahil hindi pa bukas sa kanyang isipan ang tungkol sa pagmamahal sa kapwa lalaki. Pero ngayon unti-unti nang lumilinaw ang lahat sa kanya. "Omorder ka na Rio...Oh, bakit naman ganyan ang pagkakatitig mo sa mukha ko? Don't tell me na nagwa-gwapuhan ka na sa akin." "Huh!.ah eh, malaki kasi talaga ang ipinagbago mo kaya hindi talaga kita nakilala sorry!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD