SANRIO 18
"Naririto na ako Keeji, kong ano man ang kailangan mo ay handa akong makipag-negosasyon sa iyo. "
"Mr.Sanjo Juvani. Welcome, welcome..Pasensya na at sa ganitong paraan tayo nagkitang muli. Ang hirap mo kasing imbitahin ng maayos. May lahi ka yatang sadista. Kaya heto sana magustuhan mo."
"f**k you! Asshole!...Anong kailangan mo?"
"Ikaw naman Mr. Sanjo Juvani, masyado kang nagmamadali. Alalahanin mo minsan lamang tayo magkita."
"Alam kong gusto mong makuha ang rights sa pier, para malaya kang makagalaw. Ang negosyo mong droga, at illegal na pagpupuslit ng magagandang babae at lalaki para sa prostitusyon.Tama hindi ba Keeji?"
"Tama. Sagabal ka kasi sa mga negosyo ko at madamot. Masyado kang nag-mamalinis kasi. Eh, parehas lang naman tayong Mafia. Pumapatay at gustong nasa itaas. Parehas lang tayong demonyo Mr.Sanjo Juvani." Ang pa-sigaw na sagot ni Keeji.
"Kong yan ang paniniwala mo, opinyon mo yan. Naparito ako upang kunin ang lover ko at handa kong ibigay ang hinihiling mong kapalit para sa kanya."
"Mr. Sanjo Juvani , sabi ko nga huwag kang magmadali. Special guest kita.Ang guest dapat ene-entertain mona, hindi ba mga kasama?"
"Yes Master! Ha!ha!ha!" Ang sabay sabay na tawanan ng lahat ng mga tauhan ni Master Keeji.
"Pero wala akong alak dito. Ang meron lang ako dito ay kamao. Kong gusto mong maka-alis dito ng buhay ay depende yan sayo. "
"Ano pang kailangan mo. Ibinibigay ko na sayo ang pier ano pa?"
Nakikipag-usap si Sanjo kay Master Keeji sa mahinahong tono. Nakapalibot sa kanya ang mga tauhan ni Keeji, at mga nakatutok ang mga baril nila sa kanya. Alam niyang isang pagkakamali lamang ay mamamaalam sya sa mundong ibabaw.
"Samiro ibigay mo sa special guest natin ang kontrata. " Ang utos ni Master keeji. Pinirmihan naman ni Sanjo ang mga dokomento na gustong pirmahan nya ni Master keeji, na kasalukuyang may ngiting demonyo sa mukha.
"Parang kasing gusto kong mag-practice ngayon ng boxing. Baka kinakalawang na ako. At ikaw lamang ang makakatulong sa akin. Ano tutulungan mo ba ako.
"Gawin mo na ang gusto mong gawin. Ang dami mo pang satsat para kang babae."
"Ah ganon." Pagkasabi ni Mastee Keeji nito ay biglang inundayan si Sanjo ng dalawang magkasunod na suntok sa kanyang sikmura.
"BAGH!" BAGH!"
"Aghhhh!"
"SANJOOO. MGA HAYOP KAYO!" Ang malakas na sigaw ni Rio. Dahil hindi lang dalawang suntok ang natamo nito. Sunod-sunod na mga suntok at sampal mula kay Master Keeji, ang sinasalo ng katawan ni Sanjo ngayon.
"PAK!" Isang malakas na sampal naman ang ibinigay ng tauhan ni Master Keeji kay Rio. Pumutok at dumaloy ang dugo sa labi nito. Dahil sa lakas ng pagkakasampal at may suot pa etong malaking singsing sa daliri na tumama sa labi ni Rio.
Nakita din eto ni Sanjo , gustuhin man niya etong saklolohan at patayin ang gumawa sa kay Rio nito ay wala siyang magawa. Hindi naman siya pwedeng lumaban, dahil batid nitong may masamang mangyayari kay Rio sa oras na lumaban siya. Wala siyang nagawa kong hindi ang tanggapin ang lahat ng mga suntok na iginagawad sa kanya. Sa katawan sa mukha at isang malakas na tadyak ang natamo nya bago bumagsak sa sahig na duguan ang mukha.
"Palag naman ng palag sina Saturn at si Rio, mula sa kanilang pagkakatali. Gusto nilang tumakbo kay Sanjo upang tulungan eto.
"Sanjo,..tama na hu!hu!hu!..Tama na..Maawa na kayo sa kanya pakawalan nyo na kami." Ang umiiyak na sabi ni Rio. Hindi niya makayanan ang sinasapit ngayon ni Sanjo ng dahil sa kanya.
Malalakas ang tawanan nila Master Keeji at mga kasamahan nito ng isa-isang tumumba ang mga tauhan nito. Hindi nila alam kong saan galing pero patuloy ang pagtumba ng mga tauhan nya mula sa putok ng mga baril. Pati na din ang dalawang bantay nila Saturn at Rio ay duguang bumulagta sa sahig.
Dali-daling lumapit si Master Keeji kay Sanjo upang gawing hostages sana eto, at ganon din si Samiro kay Rio. Ngunit hindi na sila nakahakbang pa dahil..
"Tsug! Tsug!"
Bagsak ang dalawa ng tamaan ng silent lazer gun. Sabog ang mga ulo nila Master Keeji at Samiro. Halos patay na ang lahat sa grupo ni Master Keeji.
Nagsipaglabasan ang mga snippers na tauhan ni Sanjo, mula sa kong saan -saan. Ka-agad nilang nilang tinulungan si Sanjo , at sina Rio at Saturn.
Nang makawala mula sa pagkakagapos si Rio, ay agad na niyang tinakbo si Sanjo na duguan at hinang-hina. Inaalalayan siya ng kanyang dalawang tauhan upang makatayo ng maayos.
Umiiyak na niyakap ni Rio ang bogbog siradong katawan ni Sanjo . Parang dinudurog ang kanyang puso sa nakikitang sinapit ng kanyang boyfriend. Ang matikas, mataas, malinis, at palaban na Sanjo ay ngayon ay parang isang talunang sundalo.
Nagkaganito si Sanjo dahil sa kanya. Kaya ganon na lamang ang higpit ng yakap at iyak ni Rio kay Sanjo.
"Kasalan ko 'to. Sorry Sanjo! Sorry!" Hu!hu!hu!"
"O-okay ka l-lang ba Rio?"Ang nahihirapang tanong ni Sanjo, habang pinapahid ng kanyang daliri ang dugo sa labi ni Rio.
"Oo. Okay lang ako. Ikaw nga dyan ang hindi okay hu!hu!hu!. Huwag ako ang isipin mo ang sarili mo."
"Wala eto. Huwag ka ng umiyak. Masama akong damo kaya alam kong matagal pa ang buhay ko. "
"Magtigil ka. Masamang damo, eh mas masamang damo pa sila sayo pero ayan mga patay na sila." Ang turo ni Rio sa grupo ni Master Keeji.
"Boss kailangan na nating umalis bago pa tayo maabutan ng mga pulis dito."
"Okay. Naayos na ba ang lahat?"
"Oo, Boss. Mula sa cctv sa mga dinaanan namin hanggang dito na hack na ng mga hackers natin. Wala silang anomang makikita, malinis na ang lahat. Hanggang sa maka-alis tayo.
"Okay, Let's go."...
Habang nasa byahe pauwi ng bahay ni Sanjo ay panay ang kirot ng puso ni Rio. Awang-awa kasi siya kay Sanjo.
"Bakit ka pumunta? Alam mo naman na gaganituhin ka nila hindi ba?."
"Bakit hindi ako pupunta hawak ka ng mga demonyong 'yon..
"Hinayaan mo na lang sana ako. Hindi mo naman kailangang gawin eto para sa akin. Marami kang pera, marami kang maipapalit sa akin ng mas higit pa."
"Tumigil ka Rio. Kong hindi paparusahan kita ngayon din. Seneseguro ko sayo hindi mo magugustuhan." Ang ma-awtorisadong wika ni Sanjo. Na sinunod naman ni Rio. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang binabagtas ang daan pauwi.
Pagdating sa mansion ni Sanjo ay may naghahantay ng dalawang doktor duon. Ginamot sila ng mga eto at nang matapos ay umalis na din agad sila. Nasa kwarto ni Sanjo silang dalawa ni Rio. Nagpapahinga at maingat na nakayakap si Rio sa katawan ni Sanjo.
"Salamat! Dumating ka."
"Maaari ba naman kitang pabayaan. Sinabi ko naman sayo na mahal kita ,mahal na mahal!..Handa akong mamatay para sayo mailigtas ka lang."
"Sorry! sorry! Sanjo, sory! Hu!hu!hu! " Ang umiiyak na wika ni Rio. Kahit anong pigil ang gawin niya at kahit isinasaksak niya sa kanuang isipan na isa siyang lalaki para umiyak ng ganito. Pero hindi niya mapigilan. Masakit at masaya ang kasalukuyan niyang nararamdaman.
"Bakit ka ba nag sosory sinabi ng wala kang kasalanan."
" Nagso-sorry ako dahil, nagdududa ako sa pagmamahal ko sayo. Nagsosory ako kasi nag-iisip akong makipag-break sayo. Kasi ikinahihiya kita. Ayaw kong malaman ng pamilya ko na nakipag-relasyon ako sa kapwa ko lalaki. P-pero hindi ngayon, nakita ko kong gaano mo ako kamahal. At hindi ko rin kayang mawala ka sa akin. Hindi ko kayang nasasaktan ka. Parang sinasaksak ang puso ko. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan. Hindi ko na kakayanin pang wala ka sa buhay ko. Wala akong ibang hihilingin kong hindi ikaw lang Sanjo. Dahil mahal na mahal na kita!..Mula ngayon hindi na kita ikahihiya ,ipagmamalaki na kita kahit kanino dahil ikaw ang kaligayahan ko at ikaw ang pag-ibig ko. Pangako yan Sanjo. "
Sa unang pagtatapat ni Rio ay nakadama ng kirot at lungkot si Sanjo. Pero napalitan naman eto ng labis na kasiyahan sa mga narinig mula kay Rio. Naintindihan din naman niya kong bakit nakapag-isip ng hindi maganda si Rio. Siya ang una nitong ka-relasyon, una sa lahat at sa isang katulad niyang lalaki din. Hinimas himas niya ang pisngi ni Rio at hinalikan niya eto sa noo.
"Salamat Rio! Salamat!..pangako Din hindi kita bibiguin. Hindi ako magbabago ngayon o sa hanggang huling hininga ko. Ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko at ng lahat-lahat sa akin. Pangako!"
"Kahit ano kapa man kahit Mafia ang tawag nila sayo. Kahit pumapatay ka ,kahit demonyo ka wala akong paki-alam. Dahil para sa akin sa mga mata ko, ikaw ang pinaka da-best na lalaking nakilala ko. Sa aking puso ay wala kang katulad mahal ko!"
"Tssupph!"
Dinampian ng halik sa labi ni Rio si Sanjo. Nagkatitigan silang dalawa. Punong puno ng pagmamahal ang kanilang mga mata at kagalakan ng puso.
Nakatulog silang dalawa ng punong puno ng pagmamahal sa bawat isa. Masakit man ang katawan ni Sanjo pero hindi niya eto alintana. Mas higit ang kasiyahan ng kanyang puso at isipan ngayon. Ngayon na alam na niyang buong-buo na tanggap at mahal din siya ng lalaking pinili niyang makasama sa buhay.
******"
Makalipas ang isang buwan maaayos ang lahat sa buhay ni Rio.Sa trabaho at sa relasyon nila ni Sanjo. Mula ng ma-kidnap siya ay may limang mga bodyguards nang nagbabantay sa kanya ng palihim.
Batid naman niya ang tungkol dito dahil sinabi naman eto sa kanya ni Sanjo. Para daw eto sa kanyang kaligtasan dahil ayaw na ni Sanjo maulit ang nangyari sa kanya nuon. Nasa tabi-tabi lamang sila at lalabas kong kaniyang tatawagin at kinakailangan.
Sa nangyari sa kanya nuon sa kanila ni Sanjo, ay ayaw na rin naman niyang maulit iyon. Kapag nga naaalala niya ay natatakot siya at ilang beses na din niya iyon napapanaginipan. Kaya naman hindi talaga siya tumutol ng sabihin ni Sanjo ang bagay na eto.
Sa ikapapanatag din ng isip ni Sanjo, lalo't kinailangan nitong pumunta ng Japan. Dalawang linggo na ang nakakaraan ng umalis eto. May mga importanteng bagay daw syang aasikasuhin sa White Yakuza Mafia Organisation.
Habang wala si Sanjo ay abala din ang isip ni Rio kong paano ba niya sasabihin sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Sanjo. Gusto na niya kasi etong ipakilala sa kanila. Pero nag-aalala siya sa maaring mangyari.
Lalo na't panay ang tanong ng kanyang mga magulang at kamag-anakan kong kaylan daw nya ipakikilala ang kanyang lover.
Nasabi kasi niya noong nakaraang linggo sa birthday ng kanilang Lola, na may lover na siya. At Hindi na siya single. Paano ba naman kasi, may bagong enerereto na naman sa kanya. Ngayon naman ang kanyang Auntie Gina, kapatid ng kanyang ama at Ina ni Clark, na kanyang pinsan na kanyang tinulungan sa kaso nito ang gustong maging match maker.
Ang pamangkin sa pinsan ng kanyang asawa, ama ni Clark, ang enerereto ngayon kay Rio. Kaya naman napilitan na si Rio na umamin na hindi na siya pwede. Sinabi niyang IM ALREADY TAKEN. Na ikinagulat ng kanyang pamilya.