CHAPTER 16

1872 Words
SANRIO C17 "At nakuha nyo pang talagang maglandian sa harapan ko." Ang himutok sa sarili ni Rio habang pasulyap-sulyap sa dalawa na masayang nag-uusap habang titig na titig sa isat-isa. May paghawak hawak pa sa braso ni Sanjo si Clara na parang very close na ang dalawa. Masama na ang loob ni Rio. Pakiramdam niya ay parang gusto na niyang manghila nang buhok ng may buhok. Batid niyang isa siyang lalaki at Hindi gawain ng isang lalaki ang ganito. Pero sa nakikita niyang tagpo ay nawawala ang katinuan ng kaniyang pagiisip. Lalong tumaas ang level nang pagkulo ng dugo ni Rio, ng makitang inakbayan ni Sanjo si Clara at dahan dahang lumalapit ang mukha nito kay Clara at binulungan eto sa kaniyang tenga. Kitang kita ni Rio ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa labi ng dalaga na para pang bulateng inasinan dahil kinilig kilig pa eto sabay hampas sa dibdib ni Sanjo. "Ha!ha!ha!. Ikaw ha ang bilis mo." " Natural. Dapat alam natin ang gusto natin. Be mature enough to face everything. Cherish the good moment for what you haved now. Dahil masasaktan lang tayo kapag pinakawalan pa. Hindi ba Clara?" "Oo naman. Matatanda na tayo para maglaro pa. Sa panahon ngayon deretsahan na. Hindi na uso ang paligoy-ligoy walang thrill ha!ha!ha,!" "That's the point ha!ha!ha!" Hindi na nakayanan ni Rio ang nakikitang tagpo. Nagsalin mona siya ng alak sa kaniyang baso at ininom ng straight. Nang masaid ang laman nang baso ay tumayo na siya. "Saan ka pupunta Rio? Maaga pa ah. Uuwi ka na ba?" Ang tanong nang isang kaibigan ni Clara na babae na kanina pa siyang pinagmamasdan din. "Ha? Uuwi, hindi mag C-Cr lang." "Ah, gusto mo samahan na kita mukhang madami ka nang nainom eh. Balak ko din namang pumunta duon sabay na lang tayo." Saglit na napahinto at nag-isip si Rio, napatingin pa mona eto sa dalawa. Bago pinaunlakan ang sinabi nang kaibigan ni Clara. "Sige, R-roan right?" "Yes, I'm Roan akala ko di mo natandaan ang name ko." "Bakit naman? sa ganda mo na yan mukhang anghel... bulag at tanga lang ang hindi makakapansin sa'yo." Ang totoong sabi ni Rio. Walang halong biro naman talaga ang sinabi niya. Sa dinami dami nang mga bisita ni Clara mapalalaki man o babae si Roan ang nag stand out sa paningin niya. Maganda si Roan. Gandang habang tinititigan mo ng matagal ay lalong gumaganda, at Hindi nakakasawa. Sa lahat ng mga babaeng naruruon si Roan din ang walang masyadong kolorete sa mukha. Hindi katulad ng karamihang babae duon na ang kakapal ng mga make up. Idagdag pa na pino din etong gumalaw, at tahimik lang din etong umiinom. Nakikingiti sa mga usapan ng mga kaibigan at bihirang magsalita o nakikisawsaw sa mga usapan nila. Hindi kagaya ng iba ang gagaslaw ng mga kilos. Ang tipo ni Roan ang gusto niya sa babae ramdam niyang isang mabait eto at kagalang-galang. "Thanks!" Ang mahinhing tugon naman nito na simpleng ngumiti pero yumuko naman. "Halika na, hindi ba't sasamahan mo ako?" Sabay tingin kay Sanjo na nilakasan pa ang boses. Tila ipinapahiwatig ni Rio kay Sanjo na, Anong inaakala mo ikaw lang. At iyon nga ang nangyari inalalayan ni Roan si Rio papunta ng Cr. Inakbayan din ni Rio ang dalaga na parang ipinapakita niyang talaga kay Sanjo. "Maiwan mona kita Clara need ko din kasing mag Cr." Ang biglaang sabi ni Sanjo habang sinusundan ng tingin sina Rio at Roan na medyo malayo na sa kanilang pwesto. "Okay, gusto mo ba samahan din kita?" "No. Hindi naman ako lasing, kaya hindi ko kailangan ang alalay pero kong gusto mo ding mag Cr sumabay ka na lang din." "Hmm, Later na lang ako 'di pa naman ako na C-cr. Wait na lang kita here." ***** Sa loob ng Cr ng mga lalaki ay katatapos lamang ni Rio na umihi. Kasalukuyan siyang naghuhugas nang kamay ng pumasok si Sanjo. Nakita niya eto mula sa salamin na nasa harapan ni Rio. Awtomatikong napalingon siya kay Sanjo. Samantalang si Sanjo naman ay derederetso sa kinatatayuan ni Rio, at tumabi. Hindi nito alintana ang ibang mga taong naruruon din. Hindi lamang silang dalawa ang tao sa loob ng Cr na iyon dahil para sa lahat ng customers ng Resto Bar ang Cr na iyon. May mga naghuhugas din ng kamay katulad ni Rio at may mga nasa loob ng mga cubicles . "Gusto mo bang mamatay ang babaeng iyon ngayong gabi?" Ang parang bulong na sabi nito na ikinasindak ni Rio. Napatingin si Rio sa mukha ni Sanjo na lumaban din nang tingin sa kanya. Nagpalingon-lingon din siya sa pag-aalalang baka may nakarinig sa sinabi nito. "Are you mad?" Ang naibulalas ni Rio kay Sanjo nanaiinis. "Sumunod ka sa akin ngayon din." Saad ni Sanjo At unang lumabas eto duon. Walang nagawa si Rio kong hindi ang sundan si Sanjo palabas ng Cr. Paglabas nila ng Cr ay nakita nilang dalawa si Roan na tila hinahantay ang paglabas ni Rio sa Cr na iyon. "Roan, sory, mauna na mona ako sayo. K-kasi ano may emergency calls akong natanggap sorry." Pagkatapos sabihin ni Rio eto ay nagmamadali na niyang iniwanan si Roan kasunod niya si Sanjo. Pero huminto mona eto sa tapat ni Roan. Tinapunan nya mona eto ng nakakatakot na tingin na animo'y gusto nyang pilipitin ang keeg nito. "Kong hindi ka pa sawang mabuhay lumayo ka kay Rio." Naguguluhang napaisip si Roan kong tama ba ang pagkarinig niya sa sinabi ni Sanjo. Aminadao naman siyang nakainom siya at nakakaramdam nang pagkalasing kaya nga nagpasya siyang pumunta na din ng Cr upang makapaghilamos ng maibsan ang nararamdamang hindi maganda. "Tama ba ang narinig ko?...pero imposible. Tama, may tama na yata ako mabuti pa umuwi na 'ko." ***** "Nasaan na siya? " "Sino Boss Sanjo?" "Si Rio, asan siya?" "Akala namin boss kasama mo. Hindi ba't pinuntahan mo sa loob?" "Nauna siyang lumabas sa akin huwag nyong sabihing....Madali kayo hanapin nyo sya?" Kinakabahang sambit ni Sanjo. Kaagad niyang tinawagan si Rio ngunit walang sumasagot, the number you are dial cannot be reach lamang ang naririnig niya ng paulit-ulit. Ganun din si Saturn ang itinalaga niyang bumuntot kay Rio. "f**k!" Tumindi ang kaniyang kaba sa mga oras na iyon lalo na ng makita niyang nagsipagbalikan na ang kaniyang mga tauhan mula sa loob ng Bar at hindi kasama si Rio maski si Saturn. Hindi nga siya nagkakamali dahil si Rio ay kasalukuyang walang malay katabi din niya si Saturn na katulad niya nakatali din ang mga kamay nito sa likuran at may plaster ang bibig. Nasa loob sila ng isang sasakyan. Hindi naman mapakali si Sanjo. Nagpakalat siya ng kaniyang mga tauhan upang hanapin si Rio at si Saturn. "f**k! f**k! Bakit ko ba nakalimutang marami akong kalaban na naghahantay na malingat lamang ako bakit?" Inis na inis si Sanjo sa kaniyang sarili. Palakad lakad siya at panay ang hithit sa kaniyang sigarilyo. Nasa bahay na sila ngayon at naghahantay ng balita sa ibang mga tauhan niyang ipinakalat upang maghanap sa dalawa. "B-boss Sanjo, " "Ano?" Ang singhal niya kay Lanz ang kaniyang kanang kamay. Atubiling iniabot nito ang cellphone sa kanya. At nang makita niya ay sa kauna unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng panlalamig ng katawan at pangamba. Nakita niya ang maiksing video clip ni Rio at Saturn. Hawak sila ng isa sa kaniyang mga kalaban at siya ang hinihingi nitong kapalit ng dalawang bihag. May itinakdang oras ang kalaban para sa kanya. At sa bawat oras daw na mahuhuli siya ay isang lalaki ang magpapakasasa sa katawan ni Rio. Ang bagay na eto ang nagpapabaliw sa kanya ngayon. Batid niyang isang pagkakamali lamang ay ikamamatay niya. Pero ikamamatay din niya sa oras na may masamang mangyari kay Rio. "Boss anong gagawin natin?" Angel tanong ni Lanz. "Susundin ko sila kong ano ang gusto nila." "Pero Boss Sanjo, delekado at seguradong may masamang mangyayari sa'yo alam mo 'yan." "Wala akong pakialam." Tumahimik na lamang si Lanz dahil kilala niya ang kaniyang Boss. Kapag nagdessesyon eto ay ginagawa niya. "Mahal kita Rio, mahal na mahal!. Huwag kang mag-alala ililigtas kita darating ako hintayin mo ako mahal ko." Ang nasa isip ni Sanjo habang inihahanda ang sarili sa pagpunta sa kinaroroonan ni Rio. Samantala sa kinaroroonan ni Rio at Saturn. Binuhusan ang dalawa ng isang timbang malamig na tubig dahilan kaya nagising ang mga eto. Nakatali silang dalawa sa tig-isang poste. Tila nasa loob sila ng isang gusaling hindi pa natatapos. Marami kasing nagkalat na mga materyales sa ibat-ibang bahagi ng lugar na iyon. Nahihilong inaanig nina Rio at Saturn ang mga taong nasa harapan nila. Nakaramdam sila ng subrang lamig din sa kanilang katawan dahil ang isinaboy sa kanilang tubig ay nagyeyelo pa. May lumapit na lalaki kay Rio at hinawakan ang kaniyang mukha. Tinanggal din nito ang takip na plaster sa kaniyang bibig. "Sino kayo? Bakit nyo ako kinidnap? " Ang agad na sabi ni Rio. "Hmm. Ma's maganda ka pala sa personal. Magaling talaga ang taste ni Sanjo sa lahat ng bagay walang duda." "Hindi kita kilala kaya pakawalan mo ako wala akong atraso sa'yo." "Wala nga pero ang boyfriend mo meron. At sa oras na hindi siya sumipot ikaw ang magbabayad. Nakikita mo ba silang lahat ha!ha!ha...Kailangan mo silang kayanin. Napakarami nila hindi ba? Sa itsura mong 'yan sa akin palang matutuyuan ka na ha!ha!ha!" Nakaramdam ng matinding takot si Rio. Napatingin siya sa kinaroroonan ni Saturn na nuon ay pilit na pumapalag sa pagkakatali sa poste. Ang mga mata nito ay naghahatid ng matinding galit at pagaalala. Ngunit hindi mababakasan ng takot. May gusto etong sabihin pero hindi niya magawa dahil may takip parin ang kaniyang bibig. "Master Keeji, nandito na ang bisita mo" Napalingon si Master Keeji sa taong nagsalita. Si Samiro ang kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan na kaniyang kanang kamay din. Napangiti siya nang makita ang kasama nito, ang taong kaniyang pinakahihintay. Ang kaniyang espesyal na bisita, si Sanjo ang matagal na tinik sa kaniyang lalamunan. "Well well well. Mabuti naman at pinaunlakan mo ang aking paanyaya Mr.Sanjo Juvani." Ang masayang bungad niya dito pero ngiting demonyo. Hindi maitago ang subrang galak sa nakikita at mga binabalak na masama para dito. "Anong kailangan mo ?" Ang matigas at deretsong tanong ni Sanjo kay Master Keeji ngunit kay Rio eto nakatingin. Parang ipinahihiwatig ng kaniyang mga mata na Andito na ako ligtas ka na mahal ko. "Sanjo." Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Rio. Sa sandaling iyon natuwa siya ng makita si Sanjo pero sandali din etong naglaho. Ma's naintindihan na niya ang sitwasyon ngayon at natatakot siya sa mangyayari kay Sanjo hindi na para sa kaniyang sarili. Lalo na nang makita niyang pinalibutan na si Sanjo ng maraming kalalakihan na sa mga itsura pa lamang ng mga eto ay hindi na makapaghantay pang galawin si Sanjo at gawan ng masama. Ma's lalong natakot si Rio nang makitang may hawak hawak na malaking tubo ang tinatawag na Master Keeji at lumalapit na eto kay Sanjo. Mayruon ding lumapit sa kanya na isang lalaki at tinutukan siya sa leeg ng isang mahabang patalim sa kaniyang leeg. Naramdaman niya ang malamig na metal na dumikit sa kaniyang balat. Alam na alam niya isang maling galaw lamang ay malalaslas ang kaniyang leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD