CHAPTER 15

1870 Words
SANRIO C16 "Anong pinagsasabi ng lokong 'to pati ako idadamay sa kalokohan niya makapag-gayak na nga lang ng maagang makapasok sa trabaho kong iisipin ko ang kalokohan ng pinsan kong si Owen hay naku mababadtrip lang ako. Basta ang importante may date kami mamaya ni Sanjo kaya dapat tapusin ko ng maaga ang mga trabaho ko dito sa Imakulada.".. "Hello! And good morning Atty. Rio the cutie." "Oh Carol, goodmorning din sayo mukhang maganda yata ang gising mo ngayon at ang ganda ng pagkakangiti natin ah." "Hmm! Nang dahil yan sayo he!he!he!" "Sa akin?" "Yes!" "Bakit ?" "Secret mona ngayon tell ko din sayo later he!he!he!..bye." At tumalikod na si Carol na pakendeng kendeng pa. "No nangyari sa babaeng iyon nakainom yata ng maling gamot dahil daw sa akin.. why?." "Good morning Attorney Soler!" "Good morning din sayo Attorney Pheton." "May ipapasa nga pala ako sayong kaso ikaw na ang humawak. Masyadong marami na akong hawak ngayon at hindi ko na lahat kayang maasikaso. Hindi ba't magaling ka naman I'm sure hindi mo ako ipapahiya sa kliyente ko tama ba Atty. Soler?" "Ha? Ah yes! I will try my best Atty.Pheton. " "Good! Ipapadala ko na lang sa office mo ang mga Files." "Okay Atty.Pheton ako na ang bahala." Nagkanya kanya ng pasok silang dalawa sa kani kanilang opisina si Rio naman ay agad na nagsmimulang magtrabaho at ang buong maghapong iyon ay parang ordinaryong gawi lamang sa kaniya. Pero halo's ang lahat sa Imakulada ay bukang bibig ang pagdating ng anak ng kanilang Boss at ang nalalapit na party sa pag wewelcome dito. Kibit balikat lamang si Rio dahil napagpadyahan niyang huwag pumunta. Wala naman kasi siyang hilig sa mga party ma's masaya pa siyang magpahinga at matulog na lang sa kaniyang condo unit. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ayumaayon sa'yo ang tadhana dahil mismong ang CEO o may-ari ng Imakulada Law firm na mismo ang nasa harapan niya ngayon sa loob ng kaniyang opisina. "Atty. Soler huwag mong kalimutan ang Welcoming party ng anak ko sa Saturday. Gusto kong ako mismo ang mag papakilala sayo sa anak ko ng personal sa party. Alam mo bang madalas ka naming napagkukuwentuhan." "Ano Sir Harold? Ako napagkakwekwentuhan ninyo ng anak nyo? Bakit naman po?" "He!he!he! Secret! " "What's happening today? Bakit uso yata ang salitang SECRET anong meron?" Ang nagtatakang tanong ni Rio sa sarili habang nakatingin kay Sir Harold na lumalabas ng kaniyang opisina. "At bakit? naman nila ako napagkwekwentuhan eh hindi nga kami magkakilala ng anak niya. Masyadong weird naman talaga 'yong matandang 'yon." Dahil sa hindi naman interesado sa sinabi sa kanya ng pinsan niyang si Owen ay nawala sa isip ni Rio ang bilin sa kanya ng pinsan kagabi . Nang bigla na lamang siyang sumulpot sa loob ng opisina ni Rio na nuon ay kasalukuyan nang nagreready upang umalis ay nagulat at nagtaka pa siya. "Oh Rio buti naman at tapos ka na halika na. Nak's naman talaga pinsan iba talaga ang awrahan dito pangmatalino talaga parang magkakasakit ako kapag matagal akong manatili dito hindi bagay sa akin." Napatingin si Rio sa pinsan niyang si Owen nakakalokong pinandilatan siya nito at walang sabi sabing umupo sa upuang kaharap ng office table ni Rio. "Ay oo nga pala sinabi niya sa akin kagabI niyaya nga niya pala ako sa birthday ng pinsan ng girlfriend niya. Seryoso palang talaga akala ko jinojoketime lang ako nito." "Swerte talaga nang babaeng mapapangasawa mo insan bukod sa gwapo ka cute ,matalino,mabait ay tiyak kayang kaya mo silang bigyan ng magandang buhay at segurado akong magiging very proud sayo ang magiging mga anak mo." "Dapat maging masaya ako sa sinabi niya pero kabaliktaran ang nararamdaman ko para akong inaapuyan ng hindi ko maintindihan . Seguro guilty lang dahil buong akala nila single ako hindi nila alam taken na. Iyon nga lamang lalaki ang lover ko at Kong siya ang makakatuluyan ko malabo akong magka-anak . " "O ano tapos ka na ba diyan halika na ah baka magkasakit ako dito ikaw sisihin ko." "Oo na tapos na halika na sa labas, next time magsabi ka kong pupunta ka dito malay mo wala ako dito e di nasayang pagod mo." "Talagang sinadyang puntahan kita dito para hindi ka makawala sa akin ikaw pa kilala kita insan Rio isa akong Agent kaya basang basa kita . Alam kong wala kang balak pumunta sa birthdy party nang pinsan ng gf ko. " "Okay aaminin ko talagang wala. At ano naman ang gagawin ko duon hindi ako interesado sa pinsan ng Gf mo." "Wag kang mag-alala pinsan pag-nakita mo si Clara katawan palang nun panalo na bibigyan ba naman kita ng pipitsugin lang syempre hindi eh favorate kitang pinsan kaya." "Huh! Talaga lang ha? Favorate daw? Kaya pala favorate mo akong patamaan ng watergun na laruan mo sa tuwing magkikita tayo dati ano?" "Ha!ha!ha! Naalala mo pa pala iyon tagal na nuon mga bata pa tayo." "Hindi ko talaga makakalimutan 'yon dahil sa lahat ng mga Soler ikaw ang pinaka maloko. Lagyan ba naman ng sabon ang water gun sinong hindi makakalimot duon ." "Ha!ha!ha! Lipas na 'yon good boy na ako ngayon sige na halika na alis na tayo." Lumabas ng Imakulada Law Firm ang dalawa at nahagip ng mga mata ni Rio ang nakaparadang sasakyan ng tauhan ni Sanjo na palaging nakabuntot sa kan'ya, sa di kalayuan ng tapat ng entrance ng Imakulada building. "For sure mayamaya lang magtetext na sa akin si Sanjo, seguradong naka report na ako nito sa kanya." Hindi nga nagkamali si Rio dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay ayan na ang text ni Sanjo. "Sino yang kasama mo? San ka pupunta?" "Pinsan kong si Owen niyaya kasi niya ako sa birthday party ng pinsan ng nobya niya, at hindi ako makatanggi." "Pero alam mong may dinner date tayo mamaya hindi ba?" "Alam ko eh hindi ko nga matanggihan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may date kami ng boyfriend ko ano ako baliw?" " Seguro it's time na para marealize mo sino ba talaga ako sa buhay mo." Eto ang huling text ni Sanjo kay Rio parang nagtatampo na may pagbabanta. "What the? Anong sinabi nun hindi ko naget's." "Ano yon Rio may sinasabi ka ba?" Ang bigla namang tanong ni Owen na abala din sa kakadotdot sa kaniyang cellphone. Katabi niya eto sa upuan ng kotse sa bandang likuran dahil may kasama pala etong kaibigan din niya na maghahatid sa kanilang dalawa sa party. Si Jojo isa ding NBI Agent na katulad ni Owen siya ang nagmamaneho ng kotse. Gwapo din si Jojo maskulado ang pangangatawan lalaking lalaki ang datingan. Mukhang maalaga sa katawan mukhang mabango, at malinis. Bigla tuloy pinag-aralan ni Rio ang kaniyang sarili kong talagang bakla siya dapat ma atract siya dito. Ngunit kinakapa niya ang kaniyang sarili as in wala siyang atraksiyon na nararamdaman para dito. Hindi katulad kay Sanjo na isipin pa lamang niya eto ay nagiinit na siya. Kakaibang pakiramdam ang dulot ni Sanjo sa kaniya. Bumibilis din ang t***k ng kaniyang puso, at napapangiti siya kapag naaalala niya ang mga matatamis na halik at yakap nito sa kanya. "Huh! W-wala may pinagaaralan lang ako dito sa cellphone ko." Pagkasabi nito ay nagkanya-kanya na ulit sila ng dotdot sa kanikanilang cellphone. **** "Saturn, Sundan nyo sila at alamin saan sila pupunta ereport nyo sa akin agad naiintindihan nyo ba?" "Yes, Master masusunod." Nilamukos ni Sanjo ang hawak-hawak na papel, at itinapon sa sahig. Isa pa naman iyong mahalagang dokumento sa negosyo. Huli na nang maisip pa niya eto. "Damn it!. Pinindot ni Sanjo ang numerong komokonekta sa pwesto ng kaniyang secretary sa intercom phone. Pagalit siyang nagpahatid muli dito nang panibagong kopya nang dokumento. "Maybe it's time to show you who I am to you Rio.". Sa isang Resto Bar dinala ni Owen si Rio. Sinalubong naman agad sila ng nobya nito na si Sanya. "Rio, Mabuti naman at pumayag ka sa imbitasyon namin sa'yo. Alam mo, excited na nga ang pinsan ko na makilala ka." Ang masayang wika ni Sanya na kaagad na pumulupot sa braso ni Owen. Napipilitang tumango, at ngumiti naman si Rio tanda na sumasang-ayon siya sa sinabi nito. "Atty. Soler meet my beautiful cousin Clara." "H-hi, Nice to meet you Clara." Ang alanganing pakikipagkamay ni Rio dito. "Hi, Atty. Rio Soler, buti naman nakapunta ka. Na ekuwento ka sa akin ni Ate Sanya at nakakabilib kang talaga. Dahil napakabata mo pang abugado. " "Oo,tama ka Sanya, Ilang beses kasi yan tumalon sa elementarya at sa High School. Ganyan katalino ang pinsan kong si Rio." "Owen, huwag ka nang sumabat pa diyan. Iwanan na natin silang dalawa diyan, nakikigulo ka lang. Ako ang asikasuhin mo, kong hindi iba ang sasamahan at kakausapin ko." Ang paninita ni Sanya, sabay hila kay Owen palayo sa dalawa. Na hindi na nakapag-paalam pa kay Rio. "Halika Atty. Soler, duon tayo maupo." "Rio, na lang C-Clara." "Oh, okay Rio, let's go there, and meet some of my friends." At sumunod naman si Rio. Ipinakilala siya ni Clara sa ibang mga kaibigan nito. Sa taglay na ka-gwapuhan ni Rio, ay madaming babae ang panay ang tingin sa kanya. Sa mga mata pa lamang nila ay mahahalata mo nang interesado sila kay Rio. Para namang sinisilaban si Rio, sa kaniyang kinauupuan. Habang isa-isang nagpapakilala ang mga kaibigan ni Clara sa kanya. Kaya napapadalas ang kaniyang pag-inom nang alak. "Rio, andito karin pala. Baka pwede mo akong ipakilala sa mga nag-gagandahan mong kaibigan." Halos sabay-sabay silang napalingon sa pinang-galingan nang boses. Laking gulat ni Rio ng makita si Sanjo. Derederetso etong umupo sa tabi ni Clara at tipong inaakit si Clara nang kaniyang karisma. "Sino siya Atty.Rio, kaibigan mo?" Ang tanong ni Clara. "H-ha? Ah eh," Tumitig mona si Rio kay Sanjo, parang humihingi nang permiso sa kaniyang isasagot. Naka-ngiti lang si Sanjo habang nakatitig din sa mata ni Rio. Pero parang sinasabi ng mga mata nito ay magiingat ka sa isasagot mo. "Friend ko. Yes kaibigan ko siya. Siya si Sanjo." Hindi makatingin ng deretso si Rio kay Sanjo ng lingunin niya eto. "Hi, Ladies. I'm, Sanjo Jovani, and the owner of Jovani Shipping Company." "Oh, really?."Ang halos sabay-sabay na mga tanong ng mga kaibigan ni Clara . Mapababae man o lalaki. Kinuha ni Sanjo ang kaniyang wallet sa kaniyang suot na pants. Kumuha ng ilang calling cards duon, na ipinamigay niya sa mga eto. Napatunayan ni Clara at mga kaibigan niya na nagsasabi eto ng totoo. At ganun na lang ang paglaki ng kanilang mga mata. "Oh, Mr. Sanjo Juvani , please let's join us. Actually it's my birthday today. Magkaibigan naman kayo ni Atty.Soler. So your openly welcome here if your alone ?" Ang masayang pag-iimbita ni Clara kay Sanjo. "Ohh, Yeah, Im alone. Thank you Miss?" "Clara De Jesus. But you can call me Clara for short." "Oh, Nice meeting you Clara. Ang ganda ng iyong pangalan bagay na bagay sa maamo at maganda mong mukha." Anito na pinamulahaan naman ng mukha ang babaeng kasalukuyan na nitong hawak ang kamay. Si Rio naman ay hindi nagugustuhan ang eksenang nasasaksihan sa kaniyang harapan. Kong pwede lang segurong makasunog ng balat ang kaniyang mga titig sa dalawa, ay malamang nasusunog na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD