CHAPTER 14

1803 Words
SANRIO C14 Nanghihinang humiga sa kama si Rio pagkarating nang kaniyang condo unit. Naparami ang inom niya kanina dahil sa subrang tension na naramdaman sa okasyon ng kaniyang Angkan. Sa pananalita pa lamang nilang lahat ay alam na niyang magiging malaking problema niya ang pakikipagrelasyon sa isang kapwa lalaki. Magiging tampulan, katatawanan at kahihiyan siya sa kanilang pamilya at angkan. Nong nakaraang araw lamang ay masayang masaya siya, ngayon naman ay subrang lungkot niya. Nagulat pa siya nang may mag doorbell sa kaniyang pintuan sa labas. Mabigat ang mga paang tinungo ang pintuan at binuksan eto. "Boss Wife para sa'yo pinapabigay ni Boss Sanjo." Ang wika ni Saturn na iniaabot ang isang supot ng pagkain mukhang sushi ang pagkaing iyon. "Salamat!" "Boss Wife pinapasabi nga pala ni Boss Sanjo buksan mo daw ang cellphone mo dahil gusto ka daw niyang makausap." "O-Okay! ako na ang tatawag sa kanya, Kumain na din kayo alam kong panay ang buntot nyo sa akin. Dito lang naman ako at hindi tatakas. Magsipag ligo na din kayo huwag kayong mag-alala sa akin dahil walang kikidnap sa akin at lalong lalo nang wala akong ibang lover sa buhay. Hindi nyo ako kailangang bantayan nang bente kuwatrong oras." Bago mag Bow kay Rio si Saturn ay gumuhit sa labi nito ang hindi mapigilang hagikhik na hindi naman nakalagpas sa mga mata ni Rio. "Oh anong itinatawa-tawa mo diyan bakit sa palagay nyo ba tanga ako at hindi ko alam na panay ang buntot niyo sa akin. Eh ano naman ang magagawa ninyo kong bigla akong madapa puro kayo nasa malayo. Magbabantay lang din naman pala kayo sa akin aba'y pagbutihin nyo . Iyong tipong kahit langaw o lamok ay hindi dadapo sa akin. Hay naku sige na papasok na ako lalo lang sumasama pakiramdam ko sa inyo ." Isinara na ni Rio ang pinto at dinala ang supot ng pagkain sa kaniyang munting lamesa. Binuksan niya eto at tama nga sushi ang laman ang isa sa mga paborito niyang pagkain. Kumuha si Rio nang isang piraso gamit ang chopstick at kinain eto. Nilalasahan niya ang kaniyang kinain nang sumagi sa kaniyang isip si Sanjo . "Mas lalong hindi pa akong handang tumira kasama sa lugar niya. Hindi pa talaga ako segurado kong ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya at Kong handa na ba ako sa lahat lahat...pero ..paano ko ba sasabihin sa kanya na parang gusto ko nang putulin habang maaga pa." Nasa gayon siyang pagmumuni nang maalala din ang bilin ni Saturn sa kaniya. Kaya naman binuksan ni Rio ang kaniyang cellphone. Sadya talaga niyang pinatay kanina eto dahil ayaw niyang makatanggap nang tawag mula kay Sanjo. Mahirap na napapalibutan siya ng kaniyang mga pinsan . Pagkabukas ni Rio nang kaniyang cellphone ay nakita niya ang maraming miscall sa kaniya ni Sanjo at marami ding mensahe sa kaniyang inbox. "Bakit ini off mo ang phone mo?" "Anong oras ka uuwi?" "Ipapasundo ba kita?" "Pagtapos ko sa meeting ko pupunta ako diyan ." "Kapag hindi mo ako talaga tinawagan pupunta talaga ako diyan. " Mga sunod sunod na text ni Sanjo sa kaniya na binalewala lang niya. Nag pokus na lamang siya sa pagkain at nang mabusog ay nagligpit. Sumunod niyang ginawa ay naligo nagtagal siya duon sa loob dahil nakatulong ang agos nang tubig sa kaniyang katawan narerelax siya. "Bakit nagkaganito ang buhay ko? Bakit ako nagkakaganito? Bakit isipin ko lang na kalimutan na lang siya ay nasasaktan ako? Pero ayaw kong pagtawanan nila. Ayaw kong dumating ang panahon na matuklasan nang pamilya ko ang tungkol sa amin ni Sanjo. Alam kong hindi sila papayag at ikahihiya nila ako. Naguguluhan ako anong gagawin ko?" Nang sa wakas ay gumanda na ang kaniyang pakiramdam ay tinapos na niya ang pagbabad sa tubig at tapos na din siyang magsipilyo. Nagtapi siya nang tuwalya sa kaniyang bewang , pinunasan ang kaniyang basang buhok at pinatuyo ng hair dryer. Nang masegurong tuyo na eto ay saka lamang siya lumabas. "What happen?" Para tuloy biglang nakakita nang maligno si Rio dahil sa biglang pagkabog ng kaniyang dibdib ng dahil sa gulat, pagkakita kay Sanjo sa loob nang kaniyang kwarto. Naka tayo kasi eto sa gilid nang pintuan na parang nag-aabang. "Pambihira ka bakit ka ba nang-gugulat? at paano ka nakapasok dito? Pagkakatanda ko wala akong ibinibigay sayong anumang susi." "Wala nga, pero sa katulad ko maraming paraan kapag ginusto ko." "Oh 'di ikaw na." "Ha!ha!ha! May regla ka ba ngayon at mukhang wala ka sa mood?" Pinandilatan lamang ng mata ni Rio si Sanjo at itinulak. Derederetso siyang pumasok sa kaniyang silid at kumuha nang damit na maisusuot sa cabinet. Nakatalikod siya habang pumipili nang damit ng may pumulupot na mga braso sa kaniyang katawan. "I miss you Rio! Gusto ko ang ganito ." "Ang alin?" "Ang ganito na magkasama tayo nakikita kita at nayayakap. Nawawala ang pagod ko at mga problemang kinakaharap ko. Kong sakali bang bigla akong mamatay ma mimiss mo ba ako?" "Anong klaseng tanong ba yan?" "Rio alam mo ang mundo ko , marami ang naghahangad sa aking buhay . Pero kong sakaling dumating ang oras na matsugi ako nang mga kalaban ko masaya na rin ako kahit na papano." "At bakit naman masaya ka pa e patay ka na nga?" "Masaya ako dahil bago ako mamatay nakilala kita." Nakadama nang tila kuryente sa katawan si Rio dahil nagsasalita si Sanjo sa kanyang batok. Malakas ang kiliti niya sa kaniyang batok at likod ng tenga. Ramdam niya ang hininga ni Sanjo at naguumpisa na etong halikan siya sa kaniyang leeg. Hindi na nakapamili si Rio nang kaniyang maisusuot dahil nahahatak na ang kaniyang atensiyon sa mga hagod ng labi at palad ni Sanjo. Na naglalakbay sa kaniyang katawan dinadama ang bawat madaanan at mapisil nito. Hanggang sa tuluyang malaglag sa sahig ang suot na tuwalyang nagtatakip sa pang ibabang parte ng katawan ni Rio. Saglit na natigil sa ginagawa si Sanjo at ngayon ay buong paghangang hinahagod nang kaniyang mga mata and kabuuang likuran ni Rio. Dinama nang kaniyang kamay ang makinis at maputing likuran ni Rio at nang dumako sa ibabang bahagi nang katawan nito ay sinalo niya ang bilugan at malaman na pangupo ni Rio at mariing pinanggigilang pisilin. Pinihit niyang paharap sa kanya si Rio at hinawakan ni Sanjo ang baba nito. Malagkit ang tinging ibinibigay niya kay Rio at gayun din naman eto sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kusang lumapit ang labi ni Rio sa labi ni Sanjo at siya ang unang humalik dito. Ipinalupot niya ang kaniyang mga braso sa batok ni Sanjo habang buong pagsuyo silang naghahalikan . Tila sabik na sabik sa isat isa at gaya nang inaasahan naging mainit na naman ang kanilang pagtatalik. Kapwa nakarating sa dapat paruonan na hingal na hingal. Aakalain mong naggaling sila sa isang digmaan pagod na pagod , pawisan at nanghihina. Kapwa nakahiga sa kama ang dalawa magkayakap at nakaunan sa braso ni Sanjo si Rio . "Now sabihin mo anong problema? Bakit hindi mo ako tinawagan? At bakit ka balisa? may nangyari ba sa inyo?" "W-wala walang problema , at H-hindi na kita tinawagan dahil sabi mo naman sa text pupunta ka dito." Ang pagkakaila ni Rio, segurado siya sa kaniyang sarili na ayaw niyang masaktan si Sanjo at sapat na mona sa ngayon ang masaya silang dalawa. "Ganun ba? Akala ko may problema. Kanina pa dapat ako nandito pero kailangan ko monang tapusin ang meeting ko. Masyadong importante din iyon na hindi pwedeng basta bastang iwanan. Nagsasalita si Sanjo subalit hindi tiyak kong naririnig ba niya ang sinasabi nito dahil abala din ang kaniyang isipan "Bakit ganun masaya ako kapag nakikita kong masaya siya! Parang wala na akong pakialam sa mga pinoproblema ko kapag kasama siya. Bakit ako ganito? Bakit ako naiiba sa Angkan ko? Bakit kapwa ko pa lalaki ang nagustuhan ko?. Ako pa naman ang inaasahan ni Papa na magpapatuloy ng kaniyang lahi pero ano eto?" "Rio,Rio tulog ka na ba?"...Hmm! Nakatulog na nga yata siya mabuti pang maidlip mona din ako mamaya na ako aalis." Gising pa si Rio hindi niya masyadong nadinig ang sinabi nito pero naramdaman naman niya ang pag-ayos ni Sanjo sa kaniyang katawan upang makahiga siya ng maayos. Naramdaman din niya ang paglagay sa kanya ng kumot nito bago halikan siya sa noo. Gusto niya ang ganito napakasarap sa pakiramdam ang pag-aalaga at pag-papahalaga sa kaniya ni Sanjo. Ganito pala kasarap at kasaya ang may kasintahan. Sumiksik si Rio sa katawan ni Sanjo at duon ay tuluyan na siyang nakatulog. Nagising si Rio ng umagang iyon na wala na sa kaniyang tabi si Sanjo. Nakaramdam siya ng pagka-lungkot dahil umalis na eto. Kahit nakalimutan niyang e set ang kaniyang alarm c'lock ay kusa pa din naman siyang nagising. Ganun talaga seguro kapag araw-araw mo na etong ginagawa nakakasanayan na nang iyong katawan. Dinampot ni Rio ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama. Naka ugalian na din niya eto tuwing umaga ang echeck ang mga mensahe na natanggap niya habang siya ay tulog. May apat na mensahe galing sa kaniyang Ina, sa pinsan niyang si Owen pero voice messages ang sa kanya, Sa Imakulada chat group at kay Sanjo. Awtomatikong una niyang binuksan o binasa ang chat ni Sanjo. "Sorry! babe, I got to go without telling you. Because I dont want to disturb your sleeping. Ipasusundo kita later I love you!" Eto ang kaniyang nabasa at syempre namutawi sa kaniyang labi ang isang matamis na ngiti ngiting in love ano pa nga ba. Sinunod naman niyang basahin ay ang text nang kaniyang Ina. "Anak , bakit hindi ka manlang nagtext sa amin ni Papa mo? Ano bang nangyari sayo kahapon nalasing ka ba? Akala ko ba dito ka sa bahay matutulog bakit nagmamadali kang umalis akala ko pa naman makakasama ka namin ni papa mo bago siya madestino sa misyon." "Naku! Oo nga pala nakalimutan ko tatawagan ko na lang silang dalawa mamaya." Sunod naman niyang binuksan ay ang mensahe sa group chat nilang mga empleyado sa Imakulada Law Firm. May pa party daw ang me ari ng kompanya dahil darating ang anak nito galing London. Ang sabi baka eto na daw ang hahawak o mamamahala sa Imakulada. At ang sunod naman niyang binuksan ay ang voice messages sa kanya ng kaniyang pinsan na ikina gusot ng kaniyang mukha. "Insan Rio susunduin kita diyan mamaya dahil isasama kita sa birthday party ng pinsan ng girlfriend ko. Maganda, artistahin, maputi 'yon at dentista. Pero sumasideline sa pagmomodel minsan ko na ding nakita si Clara ipapakilala ka daw niya sa pinsan niya. Nabanggit ko kasi sa girlfriend kong si Sonya na problemado kaming magpipinsan sa'yo dahil wala ka pang girlfriend. Kaya napagpasyahan naming tulungan kang makahanap. Opps! Huwag kang tatanggi basta magready ka sunduin kita mga nine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD