CHAPTER 13

1902 Words
SANRIO C13 Sandaling natigilan si Sanjo sa narinig niya kay Rio. Halos hindi siya makapaniwalang tama ba ang kaniyang narinig. Napaka sarap sa tenga. "W-what?" Kinuha ni Rio ang braso ni Sanjo at inayos upang maging unan niya. Yumakap siya sa kanya habang ang kaliwang kamay naman niya ay naka hawak sa mukha ni Sanjo. "Nang malapit nang maglapit ang aming mga labi ang labi mo at ang halik mo ang naalala ko bigla. Nong yakapin ako ni Dona wala akong naramdaman kagaya ng nararamdaman ko sayo kapag malapit ka sa akin. Hindi ko alam kong mahal na nga ba kita o dahil lang sa pleasure sa s*x hindi ko segurado . Pero handa na akong sumugal sayo Sanjo dahil nong nawala ka lagi kitang naaalala. Hindi ko alam kong ano ang ginawa mo sa akin ang mga halik at haplos mo ang palaging nag flaflashback sa isipan ko. Masaya ako kapag kapiling kita." "Ohhh! Baby Im so happy to hear that." Binigyan ng masuyong halik sa labi ni Sanjo si Rio naguumapaw ang saya niya mula sa mga sinabi ng kaniyang sinisinta. "Rio, Alam mo bang pinasaya mo ako ng subra akala ko hindi mo ako kayang tanggapin akala ko kinakailangan kong patayin ang babaeng iyon ." "WHAT? ..May balak ka talagang patayin si Dona? " "Oo bakit hindi ? Kong kinakailangan dahil ang akin ay akin lamang . "Sanjo hindi ba't kong talagang tunay mo akong mahal ay hindi ka gagawa ng dahilan para kamuhian kita hindi ba ? " "Oo naiintindihan ko ,hayaan mo hindi ako gagawa ng dahilan na ikagagalit mo sa akin ngayon pa ba." Sinuklian lamang ng yakap ni Rio si Sanjo isiniksik nito ang kaniyang mukha sa pagitan ng pisngi at balikat nito. Binigyan din siya ni Sanjo ng halik sa noo bago ipinikit ang mga mata. Ang gabing iyon ay kapwa silang pagod kaya naman nakatulog silang dalawa ng mahimbing . Kinabukasan maagang nagising si Rio sanay kasi ang kaniyang katawan na nagigising kapag sumikat na ang araw . "Sanjo gising." "Rio.. why?" "Kailangan ko nang umuwi sa condo ko maaga ang pasok ko at wala akong pamalit dito. Sino ba ang pwedeng maghatid sa akin ngayon ?" " Okay baby , tatawagan ko si Saturn para ihatid ka at mamaya susunduin ka din niya after your work para tulungan kang hakutin ang mga gamit mo dito ." "What?" "Dahil dito ka na titira ." " Ha?" "No more ha? From now on dito ka na titira gusto kong makita kita bago ako matulog at sa paggising ko ." Ang mga mata ni Sanjo ay tila nagsusumamong sumang ayon siya sa nais nito. Makikita sa mga mata nito ang kaseryosohan. "N-no! Hindi pa ako handa Sanjo, para naman kasing binabahay mo na ako niyan hindi ba ? Pwede bang bigyan mo mona ako ng konting panahon to ready my self please ...Daddy!" "Hmm!...Sige pero kailangan ko ang magandang sagot mo as soon as possible okay babe?.. Wait tatawagan ko lang si Saturn at Mars para maihatid ka." Dismayado man sa naging pasya ni Rio ay wala siyang magagawa sa ngayon .Inisip na lang mona ni Sanjo na kailangang idahan dahan mona niya ang sinisinta dahil batid naman niyang siya, ang ka unaunahan nito at ang pakikipag relasyon sa kapwa lalaki ay hindi lahat ay nakakaunawa at tumatanggap sa kanila. Pero handa siyang gawin ang lahat para mahalin siya ng tunay at mapa sa kanya lamang si Rio. Dahil ang nararamdaman niya para dito ay hindi isang panandaliang pagkakagusto lamang. Segurado siya sa kaniyang sarili na eto ang kabiyak ng kaniyang puso na gusto niyang sasamahan siya habang buhay... "Rio insan, ang matalino naming pinsan balita ko sikat ka na ngayon ke bago bago mo lang matunog na agad ang pangalan mo..Iba talaga kapag sadyang matalino no? masyado ka namang pinagpala bukod sa matalino na ang pogi mo pa at ang cute pakurot nga." Si Lorenzo ang kaniyang playboy na pinsan isa etong sundalo at isang lieutenant hindi pa eto ikinakasal pero may tatlong panganay nang anak sa magkakaibang Ina. Nasa birthday party kasi sila ng kanilang uncle na kapatid ng ama ni Rio isa naman etong Police. Kaugalian na sa kanilang angkan na magsama sama kapag may mga importanteng okasyon na kagaya ng ganito. "Ipinagmamalaki ko talaga etong pinsan nating si Rio, ang laki kaya ng utang ko dito. Dahil kong hindi sa kaniya naku baka mabubulok ako sa kulungan at wala na nadungisan na ang pangalan ng Angkan ng mga Soler." Ang saad naman ni Clark sabay akbay sa paboritong pinsan. "Sinabi mo pa Clark ,akala talaga namin ay katapusan mo na . Subrang bigat ng naging kaso mo pero napakagaling talaga ni Rio napawalang sala ka . Saludong saludo talaga kami sayo Rio your the best." Ang wika naman ng kaniyang pinsan ding si Warren na isang police. "Oo nga Rio subrang proud na proud talaga kami sayo ang angkan nating bukod sa taglay nating magandang lahi ay Angkan ng matatapang, ng mga Barako, makikisig, at matalinong kagaya mo." Ang sabat din ni Leon na pinsan din niya. Hindi nila alam ang kanilang pinupuring pinsan ay animo'y sinisilihan sa pagkakaupo kasama sila. " Kong alam nyo lang na kong hindi dahil kay Sanjo malamang mabubulok sa bilangguan si Clark .Siya ang dapat ninyong pasalamatan at purihin at hindi ako. Pero hindi ko naman maaring sabihin sa inyong siya at kapag nalaman pa ninyong boyfriend ko siya ewan na lang kong ipagmamalaki nyo pa ako ng ganiyan." Tahimik lamang si Rio na nakikinig at kumakain sa kompon nilang magpipinsan . Kong ibang Rio lamang sana siya papalakpak ang kaniyang tenga. Pero iba ang dating ng mga paghangang ibinibigay sa kanya ng kaniyang Angkan nakakapagbigay kasi eto ng subrang stress sa kanya. Ganito pa rin ba kaya sila sa kanya kapag nalamang nakikipgrelasyon sya sa kapwa niya lalaki. "Hello mga bro's ,sorry late ako kagagaling ko lang sa misyon ko eh." Si Owen ang pinsan nilang mayabang at isa ding matinik pagdating sa babae . Isa etong NBI agent na magaling at talagang isa sa mga ipinagmamalaki ng Angkan ng mga Soler. Marami na kasi etong kasong nahawakan at napagtagumpayan na ma solve. Nakangiti etong lumalapit sa kanila habang nakahapit ang kamay nito sa bewang ng bago nitong kasamang babae maganda eto at sexy. Nagkatinginan lamang ang magpinpinsan dahil alam na nila ang ibig sabihin nitong galing daw sa misyon. Kilala nila ang pinsan nilang eto ipinagyayabang na naman sa kanila ang bago nitong chika babes na isa ding playboy sa kanilang magpipinsan. "Mga insan ipinakikilala ko sa inyo ang aking girlfriend si Sonya isa siyang doctor ." Ang pagyayabang ni Owen mangha naman ang magpipinsan dahil bukod sa talagang magandang babae eto na aakalain mong isang artista o model ng alak ay isa pala etong doktor. "Walastik Owen jackpot ka na diyan huwag mo nang pakawalan pakasalan mo na agad ah." Ang sabi ni Clark na nagniningning ang mga mata sa paghanga kay Sonya. "He!he!he! Salamat ! iyon na nga ang sabi ko sa kanya kapag pinakawalan pa niya ako at niloko hindi ako ang iiyak sa aming dalawa sa ganda kong eto isa ako sa inilalaban ng patayan." " Narinig mo iyon Owen mukhang nakahanap ka na ng katapat mo ah ha!ha!ha!" Ang masayang wika ng pinsan nilang si Rolando na isang Marines may sarili na din etong pamilya dalawang anak at may anak din eto sa labas. "Ha!ha!ha!" Ang tawanan ng magpipinsan maliban kay Rio na parang hindi siya kabilang duon. Pero hindi nakaligtas sa matanglawin ni Owen ang katahimikan ni Rio. "Rio ikaw ba kelan mo ipapakilala sa amin ang girlfriend mo ha ?" Ang tanong ni Lorenzo. "Oo nga pala Rio bakit hindi mo sinama dito ang girlfriend mo eh halos lahat kami dito naipakilala na ang mga asawat girlfriends namin sa pamilya natin. Huwag mong sabihing hanggang ngayon bokya ka pa din aba'y mahina ka. Wala sa pamilya nating mga Soler ang torpe at mas lalo na ang bakla . Aba'y imposible naman yata iyon dahil mga lahi yata tayo ng mga totoong barako ." Ang seryoso at natatawang tanong din ni Owen. Lahat sila ay nakatutok ng tingin kay Rio hinahantay nila ang magiging kasagutan nito. Nanlamig ang buong katawan ni Rio ,dahil alam niyang guilty siya sa salitang bakla. Kasalukuyan siyang may relasyon sa isang kapwa lalaki kaya matatawag na din siyang isang bakla . "Im still single masyado akong bussy wala akong time para diyan. " Ang naisip na palusot ni Rio sa mga pinsan na hindi tumitingin sa kanila . Uminom na lamang siya ng beer at tumusok ng lechon na pulutan para makaiwas sa kanilang mga tingin. Nakakaramdam siya ng pagkainis sa mga eto at nasasaktan siya. "Oo nga naman masyadong bussy si Rio , Ibahin natin siya kesa sa atin dahil si Rio utak ang pinapagana niyan. Baka kahit natutulog ay nagmememorya pa yan ng mga batas. " Ang sabat naman ni Warren habang tumutungga ng beer. "Ha!ha!ha!" Ang halos sabay sabay nilang tawanan. "Buti napaalala ninyo sa akin iyan muntik ko nang makalimutan. Dahil kailangan ko na palang umuwi may paglilitis akong aatenan bukas ng maaga kaya hindi ako pwedeng magtagal mga pinsan pasensya na." "Sige Rio, naiintindihan ka naman namin magpahinga ka na ." "Thanks Clark!" Senenyasan siya sa mata ni Clark na umalis na parang sinasabing ako na ang bahala dito.. Bago tuluyang bumalik sa kaniyang tinutuluyang condo si Rio ay nagpaalam mona eto sa kaniyang mga magulang . Pinuntahan niya ang mga eto sa loob ng bahay ng kaniyang uncle na may birthday . "Ma, Pa aalis na ako babalik na ako sa condo maaga pa ang pasok ko bukas." "Ganun ba nak ?" "Opo Ma pasensya na po." "Oh Rio , Ikaw lang ba magisa bakit hindi mo dinala dito ang girlfriend ko ng makilala naman namin." "Tito ernest naman wala po akong girlfriend ." "Ha? At bakit naman sa gandang lalaki mong yan aba'y bulag na ba ang mga babae ngayon.?" "Ha!ha!ha!" Nagsipagtawanan ang mga tiyuhin at tiyahin ni Rio lahat sila ay nakatingin kay Rio. "Iyon na nga Manuel , Napaka gwapo naman ng anak ko artistahin pero ni minsan eh wala pang ipinakikilala sa aming girlfriend niya." Ang sabat naman ng Ama ni Rio. "Naku Rio huwag mong sabihing ....." "Ano po tita Daisy ...bakla ba ang sasabihin ninyo tama ba?" "Ha? ah eh oo iyon na nga he!he!he!" "Tita Daisy walang masama sa pagiging bakla tao parin naman iyon may sariling buhay at puso. As long as na Hindi kayo ang pineperwisyo nila walang may karapatan na husgahan sila. Ang lahat ay may karapatan magmahal at lahat tayo ay pantay pantay anumang klaseng kasarian iyan. Meron nga diyan straight nga pero daig pa ang mga hayop pamilyadong tao na pero nagagawa pang manloko at anak ng anak pasarap ng pasarap . Kaya nga sa pamilya natin eh maraming mga anak sa labas . Naturingang mga Barako pero kong saan madestino nagiiwan ng dumi parang aso lang sa kalye ." Sukdulan na talaga ang inis ni Rio kaya naman nagawa na nitong magsalita . Nagulat man ang mga kapamilyang kaharap niya ay hindi na napahaba pa ang usapan . Nakaramdam na kasi ng tensiyon ang Ina ni Rio kaya kinuha na niya si Rio at iginiya ng palabas. Hindi na rin kasi mapigilan ni Rio at dala na din sa mga nainom niyang alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD