CHAPTER 5

1841 Words
SANRIO CHAPTER 5 "Teka nga bakit alam mo ang tungkol sa back ground ng buhay ko? Paano mo nalaman ang lahat ng iyan pinaimbistigahan mo ba ako?" Sa halip na sagutin ang mga katanungan ni Rio ay kinuha nito ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang tauhan. Lumapit siya dito seryosong tumingin sa Mata niya at hinawakan ang kaniyang mukha at sinabing pwede na daw siyang makauwi naghahantay na si Neptune sa labas. Habang inaalala ang pangyayari ay hindi maiwasan ni Rio ang mapailing-iling. "Tssk! Tsssk! Yong taong iyon ay dapat ko talagang iwasan basta sinabi ko nang hindi ako interesado sa kanya gagawin pa akong Wife daw, kong hindi ba naman sira ulo talaga.Sa tuwing magkakalapit kami nawawala ako sa katinuan nag-iiba ang t***k ng puso ko baka siya pa ang dahilan kong bakit ako magkakasakit sa puso nito. Hay naku makauwi na nga bat ba iniisip ko ang taong iyon. " Papalabas na sana si Rio sa gusali ng opisina nila ng mag ring ang kaniyang cellphone na agad naman niyang kinuha sa bulsa ng black pants nito saglit niya mona etong tiningnan inalam kong sino ang tumatawag at sinagot. " Hello. " " Rio tulungan mo ako nasa presento ako ngayon. " " Clark, pinagloloko mo ba ako ha? Natural nasa presento ka dahil d'yan ka nagtratrabaho tigilan mo nga ako Pagod ako masakit ang ulo ko." "Seryoso ako Rio tulungan mo ako kailangan ko ng Abugado." "Clark ha, akala mo ba makakaisa ka nanaman sa akin ngayon No way, Hindi mo na ako maloloko kabisado na kita pwede ba iba naman ang pagtripan mo." Eto si Clark ang masayahin at malapit na pinsan ni Rio, isang Pulis isang taon pa lamang eto sa serbisyo. Madalas siyang pinaprank nito dahil malokong tao etong Pinsan niya at siya ang paborito nitong pag-laruan. " Rio, Hindi ako nagbibiro ngayon napagbintangan akong protector ng droga at kasama sa sindikato nahulihan din ako ng mark money at 100kilos cocaine, hindi ko alam kong paanong nangyari pumunta ka ngayon dito ikaw lang ang pag-asa ko. Pulis ako kaya alam ko na mabigat etong kasong kakaharapin ko. " " Seryoso?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Rio. "Ano ba Rio! Seryoso! tutulungan mo ba ako o hindi? alam kong nagdadalawang isip ka pero eto ang totoo kailangan ko ang tulong mo at huwag mo mona Sasabihin kela mama at papa naiintindihan mo?" Nakumbinsi na din si Rio sa tono kasi ng pananalita ng pinsan niya ay kabado eto. "Okay, sige pupunta na ako diyan. Relax ka lang hintayin mo ako." Nagmamadaling umalis si Rio at pinuntahan ang kaniyang pinsan. Kahit nagdadalawang isip ay pinili parin nitong paniwalaan si Clark dahil higit kaninoman mas kilala niya eto dahil sa lahat ng mga Pinsan niya si Clark lamang ang malapit sa kan'ya at madalas silang nagbobonding. ( Minsan kasi sa madalas nating panloloko at pagsisinungaling minsan wala nang maniwala sa atin. Eto ang nangyayari ngayon sa magpinsan na nangyayari din sa totoong buhay.) Mabilis na nakarating sa presento si Rio at duon lamang siya talagang naniwala ng makita niya si Clark na nasa loob ng rehas na bakal. "Rio, " "Anong nangyari sa'yo bat napasok ka dito?" "May nag set up sa akin hindi ko alam kong sino, pero may kutob ako Isa sa mga kasamahan ko sa departamento ako ang ginawang scapegoat nila. Kilala mo ako Rio wala sa lahi natin ang nasisilaw sa pera hindi ba?" "OO alam ko iyon, at naniniwala ako sa'yo maloko ka sa ibang bagay pero alam ko tapat ka sa bayan at malinis ang pagkatao mo. Now tell me ano ba ang buong nangyari?" "Ganito kasi iyon may natanggap akong ananimous caller may magaganap daw na bentahan ng droga sa pier ng alas dos ng madaling araw, kaya ako naman ay ka-agad na pumunta kasama ko ang kapartner ko dahil sa mga oras na iyon ay nagroronda kami malapit sa pier. At ayon nga nag paikot-ikot kami sa pier kaming dalawa ng kasama ko at nakita namin may kahina hinalang grupo na nagpapalitan ng bag at nang sinita namin sila ay agad naman silang nagsipagtakbuhan iniwanan ang dalawang bag. Syempre dinampot namin ng partner ko pero sa pag-tataka namin biglang nagsipagsulputan sa kong saan ang mga Pulis nakatutok sa amin ang mga baril nila at kinukuhaan kami ng video, at nang buksan ang mga bag naglalaman ng pera at droga. Pinagpipilitan ni Inspector Duran na nahuli daw kami sa aktong nagbebenta ng droga at kabilang kaming dalawa ng kasama ko sa sindikato. " Ang sabi ni Clark na halatang masyadong nag-aalala nawala na ang bakas sa mukha nito na masayahin. Sinabi niya ang lahat ng detalye dahil kakailanganin eto ni Rio upang mapatunayan niyang wala etong kasalanan. " Sige, Clark alis na ako magiingat ka. Pasensya na hindi kita mailalabas sa kulungan walang piyensa ang kaso mo mabigat kaya wala tayo magagawa mananatili ka mona dito . Papag-aralan ko ang kaso mo lakasan mo ang loob mo gagawin ko ang lahat mailabas ka lang sa kinasasangkutan mong problema." " Salamat Rio, Ikaw na ang bahala sa akin tandaan mo naniniwala ako sa'yo alam ko magaling ka at matalino. " " Ah, sige na alis na ko magdasal ka din ha? " Malungkot at nag-aalala na lumisan si Rio sa piitan bilang Abugado alam niyang mabigat na kaso ang hinaharap ng kaniyang Pinsan at malakas din ang kutob niyang may kinalaman ang mga kasamahan nitong Pulis baka nga Isa pa sa may matataas na Rango. Kong mapapatunayan na guilty si Clark makukulong siya mula ten to twenty years o higit pa, sa kaso pa lamang eto ng droga na nakuha sa kanya malaki pa naman ang nahuli sa kanya on the spot 100kls.of cocaine. Additional pa ang ibang kasong ebinibintang sa kanya. Kaya naman hindi talaga siya makaka avail ng piyensa para makalabas sa piitan pansamantala, Masyadong mabigat at delekado na kadalasan ang mga walang kapangyarihan at simpleng mga tao ang nalalagay sa ganitong sitwasyon kagaya ng pinsan ni Rio. Pagkarating sa condominium ni Rio ay nagsimulang na etong pag-aralan ang kaso ni Clark lahat ng detalye ay kaniyang sinaliksik lahat ng isinalaysay sa kanya nito ay kinokonekta niya sa bawat pangyayari at tao na maaring may kinalaman. Bawat pangalan ng mga taong lumabas sa pagsusuri niya ay ka-agad din niya etong neresearch Isa Isang Inalam ang buhay at back ground nila. At lumabas sa kaniyang pag-reresearch mukhang ginawa ngang escapegoat ang Pinsan niya. At dahil sa baguhan palang ang pinsan niya akala nila ay kayang kaya nila eto, pero nagkakamali sila dahil may Pinsan si Clark na magaling at matalinong Abugado. Dahil sa subrang pag-alala para sa kaso ng pinsan niya ay nakalimutan na ni Rio ang kumain ng Dinner. Hindi rin niya napansin ang oras alas 4:00 am ng madaling araw na.May apat na oras pa siya para matulog 9:00am naman ang pasok niya sa law firm at malapit lamang eto sa condo niya isang sakay lang. Senet niya mona ang alarm bago tuluyang matulog... "Boss Sanjo ngayon dadating ang shipments galing Thailand sasama ba kayo mamaya o kami na ang bahala duon?" Ang tanong ni Lanz kay Sanjo na nuon ay nasa opisina nito. Pag-aari ng Jovani Family ang isa sa pinakamalaking shipping company sa pilipinas at si Sanjo Jovani ang CEO nito. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid at nag-iisang lalaki sa pamilya sa kan'ya naka-atang ang mabigat na responsibilidad. Twenty one years old pa lamang siya nuon nang mapasakamay niya ang lahat ng tungkulin ng kaniyang mga magulang nang mag-kasabay silang pinatay habang nagbabakasyon sa Palawan. Mga bata pa nuon ang dalawa niyang mga kapatid na babae si Aira Jovani 15 at ang bunso nila na si Andrea Jovani 12 years old. Siya na ang Tumayong Ama at Ina sa mga eto. Sa murang edad niya ay kinakailangan niyang maging matatag at matapang. Bukod sa kinakailangan niyang tapusin ang kaniyang pag-aaral ay kinakailangan din niyang pamahalaan ang negosyo ng kanilang pamilya at ang tungkulin sa mga kapatid. Kaya hindi na nakakapag-tataka kong masyado etong Istrikto, bossy, at bihirang ngumiti. "Lanz, titingnan ko kong available ako mamayang gabi, seguro mauna mona kayo duon. May appointment pa ako mamayang hapon kay Mr. Ong, kaya I'm not sure kilala naman natin ang taong iyon For Sure sa Bar nanaman ako dadalhin 'nun. " " Okay lang Boss ako na ang bahala sa shipments, tama lang din ' yan Boss Sanjo paminsan minsan mag happy happy naman kayo hindi puro trabaho." " Nakakapag happy happy naman ako noong nakaraang araw lang nakapag enjoy ako dahil sa dinala mo." " Nagustuhan nyo ba ang lalaking iyon Boss? Kong gusto mo e booking ko muli siya Para sa'yo. " " Hindi na, Sasabihin ko na lamang sa'yo kapag kelangan ko. Pero sa ngayon tila nagsasawa na ako sa paiba-iba napapagod na din ako. Gusto kong mag try muli na sumubok sa isang seryosong relasyon yong pang matagalan. Gusto kong subukan kay Rio, iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Makita at makasama ko lamang siya ay kakaiba na ang sayang nararamdaman ko. Kaya buo na ang desesyon ko sa kan'ya He will be mine. He will gonna be my wife my other half. " " Pero Boss Sanjo mukhang mahihirapan kayo sa kan'ya dahil hindi mo siya katulad. Oo nga at hindi pa siya nagkakarelasyon kaninoman pero ayon sa mga nakalap kong impormasyon ang gusto niya ay babae. Ang matindi pa nito halos lahat ng history ng pamilya niya ay mga army at police. Sorry Boss nag-aalala lamang ako para sa inyo baka masaktan lang kayong muli. " " Ang mga mata ko ay nasa kanya na Kaya mula ng magpakita siya sa akin ng araw na iyon siya ay akin na, at kilala mo ako Lanz matagal ka nang nagtratrabaho sa akin kaya higit kaninoman alam mo kong ano ako. Kapag ginusto ko ang isang bagay hindi ko eto titigilan o bibitawan hang-gat hindi ko eto nakukuha at napag-tatagumpayan. " " Yes Boss alam na alam ko naman 'yon, sya nga pala boss napag-uusapan natin si Rio, nag report si Saturn kahapon dumadalas daw ang punta ni Rio sa isang Night Club. " Si Saturn ay ang itinalagang secret agent ni Lanz para magsubaybay kay Rio sa utos ni Sanjo. " What? Night Club? Saan? " " Sa Paradise Night Club sa Cubao." Biglang nanahimik si Sanjo at sumeryoso mukhang uminit ang ulo. " Sabihin mo kay Saturn bawat galaw ni Rio ay e report sa akin at kapag muling pumunta si Rio duon sa pesteng Night Club na 'yon sabihin agad sa akin naiintindihan mo ba Lanz? " Ang maawtorisadong bilin ni Sanjo na halatadong naiinis. "Okay boss, Sasabihin ko kay Saturn." "Sige Iwanan mo na ako bumalik ka na sa pwesto mo." Nang marinig iyon ni Lanz ay ka-agad na siyang nag Bow at tumalikod Para umalis sa opisina ni Sanjo hindi niya mapigilan ang mapangiti sa naiisip. "s**t! Rio lagot ka ngayon humanda ka na baka mabiyak ka ng wala sa oras. Hindi mo kilala si Boss tssskk! Tsskk!!"...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD