" Segurado ka ba d'yan Patrick? Pupunta sila mamaya?"
"OO nga paulit ulit ka naman." Si Patrick ang kaibigan niyang NBI agent at naging kaklase ni Clark noong college.
"Aba'y halos mag-mukha na akong parokyano ng Club na 'yon sa madalas kong pag-punta duon iyong ka table ko malapit ko na din maging jowa Atat na ngang lumabas kami. Sabi mo kasi pupunta sila, hang-gang closing time nag-iintay ako' Yun naman pala walang dumadating."
"E di, congrats ayaw mo nun for the first time mag Kaka jowa ka na."
"Sira ulo! Alam mo kong bakit ako pumupunta dun, at ikaw anong klase kang kaibigan sumeryoso ka naman.".
"Seryoso naman ako Rio alam ko naman ang sitwasyon Ang kaso mahirap lang kasing kumuha ng tamang impormasyon dahil kapag seguro nakakatunog sila iniiba nila ang schedule. Alalahanin mo Pulis din sila kaya mahirap mahuli ang mga 'yon."
"Sory! Masyado kasi akong nag-aalala kay Clark Pati kina Auntie, mula ng makulong si Clark hindi na natutulog si Auntie Gina at si Papa naman pana'y ang kulit sa akin na tulungan ko daw ang pamangkin niya. Hindi nga din nila alam na halos hindi na din ako nakakatulog ng maayos. "
" Sandali Rio may tumatawag yong informant ko balikan kita. " End call mona ang ginawa ni Rio at binalikan ang ginagawa niyang pag-aaral sa kaso na hawak niya.
" Pangako Carl lilinisin ko ang pangalan mo, makakabalik ka muli sa trabaho mo bilang isang alagad ng batas. " Makalipas ang labin limang minuto tumatawag na muli si Patrick.
"Hello Rio, Kakatawag lang sa'kin ng inpormante ko may nalaman daw s'ya. Yong kanang kamay daw ni Inspector Duran at isang bakla ang tipo niya ay lalaki."
" Patrick, Wala akong paki kong ano man siya, at ano ang koneksiyon niya sa kaso?"
"Easy lang, High blood ka naman agad agad. Anong koneksiyon? Malaki, Dahil baka eto ang maging susi mo sa ikatatagumpay ng misyon mo mamayang gabi. Si Fernan ang pangalan ng kanang kamay ni Inspector Duran, eto din ang runner man niya. Panigurado maraming alam eto kaya mas mabuti pang si Fernan na lang ang targetin mo mamaya sa lakad mo. "
" Ganun ba, Pero paano ko naman eto hahanapin hindi ko siya kilala may picture ka ba niya?"
"Hayaan mo itatanong ko sa informant ko, sige na Good luck sa'yo mamaya back to work na din ako."
Mabilis na lumipas ang mga oras sumapit ang Gabi..
Pagkapasok ni Rio sa isang maingay, Amoy alak, amoy sigarilyo sa madaling salita halo halong amoy sa lugar na iyon, at bukod sa may kadiliman maririnig mo na ang malalakas na hiyawan ng mga kalalakihan . Tuwang tuwa sila sa pinapanuod nilang agogo dancers na sumasayaw sa harapan ng entablado. Palinga - linga si Rio sa bawat sulok ng Club hang-gang mag desesyon siyang maupo sa Bar counter at omorder ng isang boteng beer. Sabi ni Patrick lalapitan na lamang siya ng informant nito upang ipakita ang larawan ni Fernan. Kaya naman pinili ni Rio ang lugar kong saan siya mabilis makita ng Informant na sinasabi ng kaibigan niya. Hindi naman nag-tagal ang pag-aantay niya nang may maupo sa tabi niyang lalaki.
"Isang beer nga?" Ang utos nito agad sa Bar tender pag-ka upo nito.
"Pasensya ka na late ako at aalis din agad ako kailangan ako ng amo ko."
"Teka ano bang pinagsasabi nito?" Ang nagtatakang tanong ni Rio sa sarili niya.
"Eto tingnan mo pa Para maniwala ka eto ang cellphone ko ang daming messages ni Boss kailangan daw niya ako ngayon."
Inabot nito kay Rio ang cellphone na may larawan ni ng isang lalaki at na gets na niya na si Fernan ang nasa larawan. At ang lalaking katabi at kausap niya ay ang sinasabi ni Patrick na informant nito.
Bukod sa larawan may naka mark pa na... Bilisan mo at tandaang mabuti ang mukha niya at naruruon na sila sa VIP room. Mag-ingat ka delekadong mga tao sila.
"Salamat!" Pagkasauli ni Rio ng cellphone nito ay mabilis na Inubos ng lalaki ang Beer na inorder nito.
"Alis na 'ko at ikaw na magbayad nito ha? At baka naman pwedeng makahingi kahit pang-Burger lang." Ang nakangiting wika ng lalaki kay Rio.
Saglit na nag-isip si Rio kong bibigyan ba niya o hindi dahil malapit na din naman siyang mawalan ng pera sa halos araw araw na pagpunta niya dito sa Club na eto. Pero naisip din niyang kawawa naman baka eto lang ang trabahong pinagkukunan nito ng Pera. Mahirap na trabaho at delekado pero kinakaya para kumita. Kaya dumukot siya sa kaniyang bulsa at kinuha ang kaniyang wallet at inilabas ang limang daang piso. Iniabot niya eto sa lalaki at ka-agad naman etong tumayo sa pagkakaupo pagka kuha sa Pera at iniwan siya. Hindi niya alam kong saan eto nagtungo.
Pagka alis ng informant ay nagiisip si Rio kong paano siya makakalapit kay Fernan. Gayong nasa loob Pala eto ng VIP room.
Nanatiling nakaupo at umiinom si Rio sa kaniyang pwesto nakaka-tatlong bote na siya ng beer at may lumalapit na mga babae sa kan'ya pero todo ang tanggi ni Rio sa kanila. Tyempong pinapa-alis niya ang babaeng pumapalupot sa kanya ng may biglang magsalita.
"Jana, bitawan mo s'ya ayaw niya sayo wag ng makulit." Si Fernan iyon at nakatitig sa kan'ya.
"HI! Mag-isa ka lang bang umiinom?"
"Huh? A e OO, Nagiisa lang akong umiinom." Ang sabi ni Rio na biglang nabuhayan ng loob dahil ang hinahunting niya sa gabing iyon ay nasa kanya ng harapan. At hindi niya eto pakakawalan ng wala siyang nakukuhang impormasyon na makakatulong sa kaso ng pinsan niya.
"Malungkot ang nag-iisa baka gusto mong sumama sa akin duon sa mga kasama ko sa VIP room nagkakasayahan kami dun." Kakaibang tingin ang Ibinibigay ni Fernan kay Rio. Naka beige polo shirts eto at fitted black jeans. Parang tagos tagusan ang tingin nito sa kan'ya.
" Mukhang naaakit yata ang loko sa akin. Well hindi naman ako nagtataka dahil madami talaga ang nagkakagusto sa akin mapa babae man o lalaki Isa nang patunay duon si sira ulong Sanjo."
" Ano sasama ka ba sa akin? baka kasi hinahanap na ako ng mga kasamahan ko. Masaya duon maraming alak at pagkain Tara? "
" Nakakahiya naman hindi ko sila kilala at siya nga pala hindi rin kita kilala bat naman ako sasama sa'yo. "
" Hahahaha!!! Oo nga naman pala.
Ako si Fernan just call me Fernand ikaw anong pangalan mo? "
" Rio. "
" Okay Rio let's go?" Ang wika nito na hindi maalis alis ang tingin sa kan'ya.
"Sandali babayaran ko lang ang bills ko."
"Hindi na kelangan ako nang bahala diyan. Junior Isama mo na eto sa bills namin okay?" Ang sabi niya sa lalaking nasa counter area. Mukhang kilala niya lahat ng mga tauhan dito sa Club na eto.
"Baka gusto mong pumunta sa lugar na tayo lang Yong tahimik at malamig Ako ang bahala sa'yo. Tutulungan kitang maging masaya."
"Masyado pang maaga para d'yan uminom mona tayo pwede ba. Hindi ba't mas masarap kong may espirito na ng alak." Ang nakangising sabi ni Rio.
"Okay! Walang problema Baby, kong anong gusto mo masusunod." Todo ang ngiti sa labi ni Fernan sa pag-aakalang gusto din siya ni Rio at parehas sila ng gustong mangyari ang magkatikiman.
"Tarantadong eto manyak! Akala mo maiisahan mo ako, Matalino yata eto." Ang nasa isip ni Rio na natatawa pero pinapangatawanan na ang pag sakay sa trip ni Fernan.
Iginiya ni Fernan si Rio patungo sa VIP room habang nag-lalakad ay hinapit siya sa bewang nito na ikinagulat niya.
Pero hinayaan na lamang niya dahil ayaw niyang magpahalata na may iba siyang motibo at hindi si fernan iyon. Gagamitin lamang niya eto Para Makalapit kay Inspector Duran. Sa paglalakad ay may biglang humablot sa kan'ya ng malakas na halos masubsob siya sa matigas nitong dibdib. Laking gulat ni Rio ng itiningala niya ang kaniyang mukha nakita niya si Sanjo. Si Sanjo na tila nag-aapoy ang mga mata at tila may matinding bagyong darating.
"S-Sanjo!"
Hawak ang kaniyang braso, hatak hatak siya paalis ng Night Club na iyon. Pagdating sa labas ay agad siyang pinasok sa back seat ng dala nitong sasakyan. Pagpasok sa loob naruruon sina Mars at Neptune. Pagka pasok din ni Sanjo sa loob ng sasakyan ay agad namang pinaandar ni Mars ang sasakyan.
"Hello, Ikaw na ang bahala sa kanila at yang lalaki na Humawak sa Wife ko dalhin mo siya sa bahay at ako mismo ang puputol sa mga kamay niyan naiintindihan mo ba Lanz?" Ang galit na utos ni Sanjo sa kaniyang tauhan sa kabilang linya.
Nang marinig ni Rio ang sinabi ni Sanjo ay bigla siyang napalunok ng laway ayaw niyang gumalaw sa tindi ng takot na nadarama niya sa mga oras na iyon. Salubong ang makakapal na kilay nito at masama ang titig sa kan'ya. Kong ihahalintulad lamang siya sa isang yelo malamang tunaw na tunaw na si Rio sa nagbabagang tingin ni Sajo sa kan'ya.
" Ma.. Pa..Baka hindi na ako makauwi kong sakaling mamatay ako sa gabing eto patawad at hindi ko na kayo mabibigyan ng apo. Clark patawad din wala na akong magagawa baka mauna na ako sa'yo sa kabilang buhay hindi na kita matutulungan mahal kong pinsan." Ang nasa loob ng isipan ni Rio na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
" WHY YOU LET HIM TO TOUCH YOU HUH? " Ang galit na galit nitong tanong. Bukod kasi sa nakita ni Sanjo na hinapit si Rio sa bewang ay nakita din nito ang pagpisil ni Fernan sa puwet ni Rio.
" Bakit ka ba nagagalit hindi mo naman puwet ang pinisl at hindi mo bewang ang hinawakan. Ano bang problema mo? At alam mo bang malapit na ako sa misyon ko andun na ako sumulpot ka pa."
"DAMN IT!" Ang malakas na sigaw ni Sanjo at napokpok ng kaniyang kamao ang gilid ng upuan.
Ang kaninang lumabas na Katapangan ni Rio ay muling naglaho. Natahimik eto at lalong nag susumik-sik ng upo sa gilid ng sasakyan. Kong biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan Seguradong hulog at subsob si Rio sa kalsada.
"Let me punish you, Just wait to get home and you will see how capable I am Rio."
Nagkatinginan ang dalawang lalaking nakaupo sa unahan ng sasakyan na sina Mars at Neptune. Parang sila tuloy ang kinabahan sa sinabing iyon ng boss nila.
Si Rio naman sa subrang takot ay tila nag blanko ang isip Pati dila niya ay nanigas at panay ang lunok ng sariling laway. Ayaw niyang isipin kong anong gagawin sa kanya ni Sanjo lalot nagbanta na eto na paparusahan siya nito.
Nagulat na lamang siya ng huminto ang sasakyan at pagtingin ni Rio ay Nasa loob na pala sila ng malaking bahay ni Sanjo. Halos ang tatlo ay naka-baba na ng sasakyan ngunit siya ay nanatiling nakaupo parin sa loob wala siyang balak bumaba.
"Bababa ka ba d'yan o kailangan pa kitang buhatin sabihin mo lang." Ang seryosong wika ni Sanjo kay Rio.
"Neptune akin na ang baril ko?" Sa narinig ni Rio na sinabi ni Sanjo ay nanlaki ang mga mata niya at pinagpawisan siya ng malamig bigla.