CHAPTER 7

1897 Words
Iniabot ni Neptune ang baril ni Sanjo at agad naman etong kinuha niya at pagkatapos ay inipit sa kaniyang pantalon. Paglingon niya kay Rio ay naka baba na eto mula sa sasakyan at namumutla. Sumunod na dumating ang isang Van na sasakyan at nang bumukas eto laking gulat ni Rio ng makita niya ang sakay nito. Si Fernan nakapiring ang Mata, may busal ang bibig at naka posas ang mga kamay nito sa kaniyang likuran. Nasa tabi din nito si Lanz ang kanang kamay ni Sanjo at iginigiya etong bumaba sa sasakyan. Nakita pa ni Rio ang nakasukbit na baril sa bewang ni Lanz ng mahawi ang suot nitong Black jacket. "May mga baril ba silang lahat? Ano ba sila Mafia?" Ang naguguluhan at nenerbyos na tanong sa sarili ni Rio. "Bring him in the secret room, now?" Ang maawtorisadong utos ni Sanjo kay Lanz na agad naman nitong sinunod. "You follow me?" Ang maawtorisado ding utos nito kay Rio na natatakot na sa sitwasyon. Sino ba naman ang hindi matatakot kong makakita ka ng baril at nasa anyo nito ang tila papatay ng tao. Mabait naman na sumunod si Rio sa likod ni Sanjo Ngunit nakakailang hakbang palamang sila ay biglang huminto eto at kinabig ang kaniyang bewang. Nagulat man si Rio ay wala siyang magagawa kong hindi ang manahimik at sumunod dito. Blanko ang kaniyang isipan at umid ang dila para sumalungat kay Sanjo baka bigla etong magalit bunutin nito ang baril na nasa bewang nito at iputok sa kan'ya. Hindi sila sa main house tumuloy lumiko sila patungo sa kong saan. Napaka laki ng nasasakupan ng mahaba at mataas na pader sa palibot ng bahay ni Sanjo at kong hindi ka talaga taga dito Seguradong maliligaw ka. May na Daanan si Rio na mahabang bahay na may apat na palapag tila apartment o Motel eto may kadiliman kasi kaya hindi masyadong makita ni Rio. Tumuloy sila sa harapang bahay ng inaakala ni Rio na Motel at lahat sila ay pumasok sa loob. Pagka pasok ay may pinindot na botton si Lanz sa hawak nitong maliit na remote at bumukas ang underground na pintuan papunta sa ibaba. Laking gulat ni Rio nang matuklasan niyang may underground pala dito. May hagdanang marmol at bumaba na silang lahat. Bitbit si Fernan na may takip parin ang mga mata, may busal ang bibig, at naka posas ang mga kamay sa likod nito. Si Rio naman ay nanlalamig na sa nerbyos konti na lang baka hindi na kayanin ng tuhod niya ang nararamdamang takot sa kong ano ang mangyayari. Sa Underground na iyon ay maraming mga kakaibang kagamitan katulad ng Ibat Ibang klaseng kutsilyo, lagare, hook, May mga bote na hindi mawari kong anong laman. May martilyo, May Ibat ibang laki ng mga maso at Kong ano ano pa na nakasabit sa ding ding at naruruon sa silid na iyon. Tinanggal ni Lanz ang busal ni Fernan sa bibig at ng matanggalan ng busal ay ka-agad naman etong nagsisigaw. " Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa akin? Pakawalan ninyo ako? Kilala n'yo ba ako ha? " Ang malakas at matapang na sabi ni Fernan. "Tumahimik ka?" Binigyan ng malakas na suntok ni Lanz sa sikmura si Fernan at namamalipit etong tumahimik. Nagulat naman si Rio sa nasaksihan Kaya napaurong siyang lalo sa katawan ni Sanjo na hindi niya alam. "Wala kaming pakialam kong sinong demonyo ka. Ang alalahanin mo ay kong sino kami naiintindihan mo?" Ang sigaw ni Lanz sa tenga ni Fernan habang sabunot ang buhok nito sa bunbunan. "Rio, Anong kailangan mo sa kan'ya?" Ang biglang tanong ni Sanjo kay Rio na nagulat din. "Huh?" "Anong kailangan mo sa lalaking eto at hinahunting mo s'ya?" Ang muling tanong ni Sanjo sa malumanay na boses. Kaya naman medyo nakahinga ng maluwag si Rio. "Ah ano kasi gusto kong malaman kong anong maari kong makuha na ebedensya laban sa amo niyang si Inspector Duran. A-ano kasi iyong Pinsan ko na si Clark Soler nakakulong siya ngayon. Isa siyang Police na na frame up nila kaya kailangan ko siyang mailabas dahil wala siyang kasalanan hindi magagawa ng pinsan ko ang ibinibintang sa kan'ya. Isa siyang mabuting police Sanjo at wala sa pamilya namin ang gagawa ng labag sa batas. Si Fernan lang ang pag-asa ko dahil siya ang kanang kamay ni Inspector Duran alam niya ang lahat tungkol sa mga gawain niya at Kong paano nila pinagplanuhan ang pinsan ko. " Okay si Lanz na ang bahala diyan lahat ng gusto mong malaman ay aalamin niya huwag ka nang mag-alala makakalaya ang Pinsan mo. Nakalimutan mo na bang nandito ako ang problema mo ay problema ko din ." Ang wika ni Sanjo kay Rio na hawak hawak ang mukha nito at nakatitig sa kaniyang mga mata. Si Rio naman ay biglang napalunok ng laway sa tinuran nito sa kan'ya at ibinaba ang tingin na parang napaso. " By the way before I leave, Nakita kong inilagay mo ang kamay mo sa hindi dapat mong hawakan at pinisil mo pa. Alam mo bang that's my teretory." Lumapit si Sanjo kay Fernan at kinalas ang pagkakatali ng mga kamay nito sa likuran. Kinuha ang kanang kamay nito na kong saan ginamit niya sa pag hawak at pagpisil sa puwet ni Rio. " Etong kamay na eto ay makasalanan na dapat parusahan. " Ang nakakakilabot na wika ni Sanjo. Sinenyasan niya si Neptune at kumuha eto ng malaking maso mula sa nakasabit na maso sa ding-ding. Ibinigay niya eto kay Sanjo. Biglang sinipa ni Lanz ang likod ng tuhod ni Fernan kaya napaluhod eto at naipang tukod ang kaniyang mga kamay sa sahig. At sa isang iglap malakas na pinokpok ng maso ni Sanjo ang kanang kamay nito. "Braaag!" Durog ang kanang kamay ni Fernan at duguan eto malakas ang pagdurugo sa tinamo nito. Namimilipit at pumapalahaw siya sa sakit ng kamay na halos umihi na siya sa kaniyang suot na pantalon. Pisak na pisak ang mga daliri niya nakakakilabot na pagmasdan. Si Rio naman ay talagang na shock sa nasaksihan niya. Nang lapitan siya ni Sanjo ay nagulat pa eto at napaatras. "Huwag mo akong hawakan lumayo ka?" Ang sabi ni Rio kay Sanjo Ngunit hindi naman eto nakinig sa kan'ya. Sa halip ay kinuha ang kaniyang kamay at mahigpit siya nitong hinawakan. "Kayo na ang bahala diyan." Ang utos ni Sanjo sa mga tauhan niya. Hawak hawak si Rio ay umalis silang dalawa sa secret room. Tumungo sila sa main house at dinala ni Sanjo si Rio sa kwarto nito. Kahit anong pagpalag na kumawala sa pagkakahawak ni Sanjo sa mga kamay nito ay hindi niya matang-gal. Batid ni Rio na sadyang malakas eto kaya nagpaubaya na lamang siya at hindi na pumalag hanggang sa kusang bitawan siya nito. Binitawan siya ni Sanjo sa kama kaya napaupo naman eto. Ang kaso inilalapit nito ang kaniyang mukha sa mukha niya kaya napaatras siya patalikod, hang-gang sa tuluyang bumagsak ang kaniyang likod sa malapad na kama. Nasa ibabaw na niya ngayon si Sanjo at deretsong nakatingin sa kaniyang mukha. "Anong gagawin ko? Bakit umibabaw siya sakin?" Ang nenerbyos na wika sa sarili ni Rio na hindi niya alam kong saan niya ililiko ang kaniyang ulo pakanan o pakaliwa makaiwas lamang sa malagkit na titig ni Sanjo sa kan'ya. Kong kanina sa baril siya natatakot pero ngayon sa ibang bagay na siya natatakot. Halos magkayakap na silang dalawa kasi ni Sanjo magkadikit na ang kanilang mga katawan at hinihimas nito ang kaniyang pisngi, leeg at tenga. Kinikilabutan na siya lalot may nadarama na siyang matigas na bagay sa harapan niya. " Naku! po parang awa n'yo na lahat ng mga Santo tinatawag ko kayo tulungan ninyo ako. Hindi nga ako mababaril ng tunay na baril pero mukhang ibang baril ang babaril sa akin. Birhen pa ang puwet ko at wala akong ka alam alam sa ganitong bagay parang awa n'yo na iligtas nyo ang pwet ko ay! Este ako pala. " Ang impit na dasal ni Rio sa mga sandaling iyon nakapikit ang mga mata. Naramdaman ni Rio ang paglapat ng labi ni Sanjo sa kaniyang labi. Nagsipagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan at ang kaninang nakapikit niyang mga mata ay biglang dumilat. Kitang kita niyang nakapikit si Sanjo habang tinitikman ang kaniyang labi. Nagulat pa siya ng biglang dumilat eto at nag tama ang kanilang mga mata. Huminto eto sa pag halik at umalis sa pagkakadagan sa kan'ya nahiga eto sa tabi niya. "Rio, Alam kong pinipilit ko ang sarili ko sa'yo at Alam ko din na hindi mo ako mahal at nauunawaan ko naman iyon. Hindi naman kita pipilitin sa bagay na ayaw mo. Pero hindi ibig sabihin nun ay bibitawan na kita. Ang ibig kong sabihin ay Hihintayin kita na mahalin mo ako, at wala kang ibang choice kong hindi ang mahalin ako kaya turuan mo ang puso mo na gustuhin at mahalin ako. Tandaan mo you belong to me, you'r not allowed to like someone else your heart, your mind and your body is only mine get it? " " I'm not your's hindi tayo mag katulad babae ang gusto ko at hindi ang isang kagaya mo. " " I don't care, All I care is your mine your my wife and That is final." Ang matigas parin na sabi ni Sanjo. " Let's sleep now I'm so tired. " " E di matulog ka wala namang pumipigil sa'yo at ako ay uuwi na. " Babangon na sana si Rio nang bigla siyang pigilan ni Sanjo at niyakap siya nito ng mahigpit na hindi siya makakawala. Maliit lamang ang katawan ni Rio kumpara sa malaki at matigas na katawan ni Sanjo na halatang batak sa ehersisyo. Sa pagkakayakap nito sa kan'ya ay langhap niya ang mabangong amo'y nito at ang malaking Adams apple nito ay kitang kita niya. Lalaking lalaki eto sayang nga lamang at sa kapwa lalaki eto nagkakagusto. "Pag nagkaanak eto Seguradong maganda ang lahi sayang talaga! Alam ko naman na gwapo ako at cute. Pero hindi ko naman gustong may mabitag akong lalaki pero wait, nong colleges day ko pala may mga lalaki din na nagkakagusto sa akin... What the? Barako eto at hindi barbie. " " Matulog ka na at huwag mo nang isiping kumawala pa sa akin dahil hindi mangyayari iyon mapapagod at magsasayang ka lang ng oras. Huwag kang magalala hindi kita gagalawin matutulog lang tayo pero kong gagapangin mo ako ay okay lang. " " Sira ulo! ako gagapangin kita? manigas ka ha. Bitawan mo nga ako bakit kasi matutulog ka lang gusto mo pang nakapalupot sa akin bakit ano ka ba may lahing ahas at mahilig kang mamulupot. " " Hahahaha!!! "Ang malakas na tawa ni Sanjo at Lalo lang tuloy siyang niyakap nito ng mahigpit. " Matutunan mo din akong mahalin Rio tuturuan kita. " " Ano ako bata para turuan mo, bakit sa palagay mo ba hindi ko alam ang magmahal? " " OO hindi ba't never ka pang nagka relasyon?" "Hindi ibig sabihin na wala pa akong naging ka relasyon ay hindi ako Marunong magmahal." " Okay kong ganun ay subukan mo sa akin at maniniwala ako sa'yo." "OO ba!" Ang nabigkas ni Rio huli na para bawiin pa dahil narinig na ni Sanjo at ngumiti eto sa kan'ya lumaki ang mga mata ni Rio dahil naisahan siya ni Sanjo. "BINGO" This round the winner is Sanjo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD