"Salamat Rio! talagang sa ating magpipinsan ikaw talaga ang matalino walang duda."..
Nasa Emakulada si Rio sa mga oras na 'yon malayo ang iniisip. Naipanalo n'ya ang kaso ng kaniyang pinsan napa walang sala eto sa kaso na ibinibintang sa kanya, at naipakulong din nito si Inspector Duran at iba pang mga galamay nito kasama si Fernan. Ganun na lamang ang pasasalamat ng pamilya ni Clark sa kan'ya at ang kaniyang magulang ay proud na proud naman kay Rio.
"Nagkakamali ka Clark hindi dahil sa katalinuhan ko kaya ka nakalaya ang dapat mong pasalamatan ang itsura ko dahil kong hindi dahil sa gwapo at cute kong mukha hindi ko makikilala si Sanjo. Si Sanjo na hindi ko alam kong anong klaseng tao at nagagawa ang mga imposible.
"Panibagong utang ko na naman sa kanya ang pag tulong niyang eto sa akin. Sa halip na maging masaya ako pakiramdam ko lalo akong nababaon sa hukay. Oo nga pala dapat mula ngayon ay dapat akong magingat hindi pwedeng may humawak sa akin ng basta basta. Baka mangyari sa kanila ang nangyari kay Fernan. T-teka nga papaanong nangyari na alam ni Sanjo ang tungkol sa paghuhunting ko kay Fernan at bakit alam niyang nanduon ako ng gabing iyon. Wait.. MAY NAKABANTAY SA'KIN? "
Knock! Knock!
" Come in. "
" HI Good morning! "
" Oh! Carol ikaw pala good morning din. "
" Atty. Soler Congratulations! Ang galing galing mo talaga. Hindi ka lang gwapo matalino pa. "Ang biglang bungad ni Carol na masaya. May dala na naman etong mga dokomento para sa kan'ya.
" A e salamat! " Ang nahihiyang sagot ni Rio dahil lahat yata ng tao sa kompanya nila buong akala nila siya lang ang naka gawa ng paraan para malutas ang kaso ng kaniyang pinsan. Hindi kasi nila alam na inilatag na lang ni Sanjo ang lahat ng kakailanganin niya para maipanalo ang kaso. Pag-gising niya ng umagang iyon sa bahay nito ay naka ready na ang lahat.
"Siya nga pala pinapasabi ni Sir Harold pumunta ka daw sa opisina niya mamaya."
"Okay, sige thanks!" Naka alis na si Carol ng mag ring ang kaniyang cellphone. Kaagad naman niya etong kinuha ng makita kong sino ang tumatawag si Siraulo.
"Bakit?"
" Bakit agad? Hindi ka naman seguro niyan galit huh my baby."
"Baby? Hay naku! Anong kailangan mo at napatawag ka?"
"Kailangan ba may kailangan kapag tumatawag sa mahal ko."
"Tigil tigilan mo ako ha? Bussy ako kong wala kang importanteng sasabihin bye na."
"Baby, naman meron ka ba today?"
"Anong merong pinagsasabi mo d'yan? Liwanagin mo ha hindi ako nakikipaglokohan sa'yo."
"I mean blood moon yong buwanang dalaw sa mga babae?"
"Siraulo!"
"Hahahaha!!! tumawag Lang naman ako dahil na Mimiss kita babe !"
"Pwes di kita na Mimiss at huwag mo nga akong matawag tawag na Babe ang kulit morin no."
"Okay ayaw mo ng Babe e di Wifey na lang."
"Ewan ko sa'yo! Pwede ba Mr. Sanjo Juvani tigil tigilan mo na ako please lang Alam kong gwapo ako at cute pero inaamin ko din na marami pang mas gwapo at mas cute sa akin d'yan sa tabi tabi. Kaya kong pwede lang sana sila na lang ang pagtripan mo. At tungkol sa mga naitulong mo sa akin nagpapasalamat ako sa'yo ng marami alam ko hindi ko man mapantayan ang mga nagawa mo para sa akin pero sisikapin kong makabayad sa'yo, at pangako once na kailangan mo ng Abugado I am here for you anytime pangako Yan. Sa tingin ko naman sa uri ng lifestyle mo mangangailangan ka ng Attorney one day. "
" Wifey bye for now I have to go I love you! "
" Ano? ang dami kong sinabi sa'yo tapos 'Yan lang ang isasa.. " Hindi pa tapos magsalita si Rio ay binabaan na eto ni Sanjo ng cellphone.
" Talaga nga naman! Nakakalito at nakakaasar! Nalintikan na talaga ang buhay kong tahimik, May pa I love you na s'ya ngayon. Naku Rio ihanda mo na talaga ang pwet mo aba'y malapit ka nang biyakin mukhang hindi ka talaga papakawalan ng Sanjo na 'yon. Papa, mama kasalanan nyo, ninyong dalawa eto bakit kasi masyado nyong ginalingan ang paggawa sa akin 'yan tuloy masyadong makamandag ang kagandahan ay este ang kagwapuhan ng inyong anak." Kong may makakarinig lang sa sinasabi ni Rio sa mga oras na' yon seguradong pagtatawanan siya.
Mabilis na naman lumipas ang mga oras sa Emakulada Law Firm oras na para magsipag-uwian ang mga taong nagtratrabaho dito at Isa na dito si Rio. Sa kan'yang paglabas ay may nakabangga siya at laking gulat niya ng makilala niya eto walang iba kong hindi ang babaeng mala virgin marry ang kagandahan na nakasabay niya sa tricycle noong unang araw niya sa Emakulada.
"Ay! Sory!" Ang hinging paumanhin nito kay Rio.
"It's Ok, Okay lang ako ikaw okay ka lang ba?" Ang tanong naman ni Rio dito.
"Yeah I'm okay. I think I saw you before."
" Yes nagkita na nga tayo Ako yong nakasabay mo sa tricycle nuon. Natatandaan mo ba?"
"Ah! Oo nga ikaw nga 'yon, maliit talaga ang mundo no?" Nagkita tayong muli. "Ang nakangiting sabi kay Rio ng magandang babae.
" Anong ginagawa mo dito? May kakilala ka ba dito? "
" Wala akong kakilala dito pero may sadya sana ako dito, pero mukhang closing time na yata masyado kasi akong na traffic sa daan galing pa kasi ako sa work."
"Ha? Ganun ba? E ano bang sadya mo dito malay mo makatulong ako nagtratrabaho ako dito by the way I'm Rio Soler Isa sa mga attorney's dito sa Imakulada." Iniabot ni Rio ang kanyang kamay sa babae upang makipag shake hands. Magiliw niya etong kinakausap masaya s'ya dahil muli niyang nakita ang magandang babae na nuon ay hindi niya nahabol hindi na niya papalagpasin pa ang pagkakataon na eto ay hindi makilala.
"Talaga! Ikaw si Attorney Rio Soler?" Ang masaya at hindi makapaniwalang tanong ng magandang babae kay Rio.
"Oo ako nga si Attorney Rio Soler don't tell me ako ang sadya mo tama ba?"
"OO ikaw nga, Ay! Ako nga pala si Dona Silva." Iniabot ni Dona ang kaniyang kamay kay Rio at nakangiti silang parehas na nag shake hands.
"Nice to meet you Miss, Dona Silva pasok tayo sa aking office ang panget naman Kong nakatayo lang tayo dito mag-uusap. Sa tingin ko may idudulog ka kaya ka napunta dito Kong hindi ako nag-kakamali tama ba Miss Dona?"
"OO, tama kailangan ko ng Abugado kasi May nakapagsabi sa akin na may magaling daw na Abugado dito sa Emakulada at ibinigay niya ang pangalan mo Attorney Soler.
" Okay let's talk about that inside my office follow me Miss Silva. " Ang utos ni Rio kay Dona na sumunod naman sa kanya papuntang opisina nito.
"Please sit Miss Silva? So anong maipaglilingkod ko sa magandang binibini?" Napangiti si Dona sa narinig mula kay Rio.
"Salamat! Alam ko naman na maganda ako Attorney Soler pero 'wag mo nang banggitin baka sabihin ng makarinig crush mo' ko Ha! Ha! Ha!"
"Hahahah!!!" Napahalakhak si Rio at namula na bullseye kasi siya ng babaeng kausap totoo naman kasing nuon pa sa una nilang pagkikita ay crush na niya eto.
"Siya nga pala Attorney Soler hinahanap kita kasi kailangan ko ng Abugado para sa aking kapatid nakakulong kasi siya ngayon. Nahulihan kasi siyang nagdedelever ng parcel na may laman na 5kls. Ng cocaine, napagbintangan siyang Pusher please Attorney Soler tulungan mo ang kapatid ko 16 years old pa lang siya kong makukulong siya at mapapatunayan na nagkasala siya magiging kawawa ang buhay ng kapatid ko masisira ang kinabukasan niya. Parang awa mo na Attorney tulungan mo ang kapatid ko sa kaso niya? Kilala ko ang kapatid ko mabait na bata siya hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Kahit wala na kaming mga magulang pero mabuting tao ang kapatid ko hinding hindi niya iyon magagawa Hu! Hu! Hu! " Ang umiiyak na sabi ni Dona ang kaninang mga ngiti nito sa labi na nasilayan ni Rio kanina lamang ay napalitan ng subrang kalungkutan, pag-aalala at mga agos ng luha nito sa mukha.
" Huwag kang umiyak gagawin ko ang lahat ng aking makakaya hindi ko hahayaang makulong ang kapatid ko Dona." Sa narinig na tinuran ni Rio ay pinahid ni Dona ang kaniyang mga luha at muling hinarap eto ng may pag-asa.
"Attorney Soler talaga tutulungan mo ang kapatid ko?"
"Oo, Hindi rin naman ako makakapayag na ang isang menor de edad ay magdudusa sa krimen na hindi naman niya ginawa at masira ang kinabukasan nito. Isa sa mga dahilan kong bakit ako nagpasya ng kunin ang kursong eto ay dahil sa mga ganitong kaso Kaya huwag ka nang mag-alala Miss Silva makakaasa kang gagawin ko ang lahat ilalabas ko ng kulungan ang kapatid mo. " Buong kompyans'yang wika ni Rio. Lahat ng mga sinabi niya ay totoo eto ang kaniyang nararamdaman at pananaw sa buhay ang maipagtang-gol ang mga naapi at inaapi, mga taong walang sapat na kaalaman, maliliit na tao sa lipunan at inaapakan ng mga matataas at makapangyarihang mga tao na nasa posisyon. Hindi dahil sa nagpapakitang gilas lamang siya kay Dona dahil eto ang tunay na pagkatao ni Rio.
"Maraming maraming salamat Attorney Soler, Matulungan mo lang ang kapatid ko sa kaso niya ay tatanawin kong napaka laking utang na loob at pinapangako ko gagawin ko ang lahat kahit ano mabayaran lang kita."
"Kahit ano?.... Well pwede na ang sarili mo Miss Silva." Ang nangingiting wika ni Rio sa kaniyang sarili na agad naman niyang pinigil ang sarili sa masamang naiisip.
"Oh, Well Miss Silva sige ikuwento mo sa akin ang buong detalye nang mga pangyayari at nang mapag-aralan ko ang kaso at pagkatapos ay isusubmit ko pa sa aking superior eto. At pagkatapos maari ka nang umuwi baka gabihin ka at ipanatag mo na ang iyong kalooban dahil kong may mangyari pa sa'yong masama mas lalong kawawa ang kapatid mo naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin Miss Silva?"
" OO naman Attorney Soler, Salamat! napakabait mo palang tao tama nga ang sabi nila hindi ka lang Gwapo at matalino Alam ko tunay kang may mabuting puso. " Namula ang tenga at buong mukha ni Rio sa sinabi ni Dona kinilig ang loko sa narinig mula sa kanyang Crush na magandang binibini.
Nang matapos kunin ni Rio ang lahat ng detalye sa kaso ng kapatid ni Dona ay umalis na eto. Ngunit kanina pa nakaalis ang babae pero si Rio ay nanatiling nakaupo sa kaniyang swivel chair at inaamoy amoy at hinahalik halikan pa niya ang kaniyang palad na kanina lamang ay nakahawak sa kamay ni Dona nong nagpaalam na eto sa kan'ya. Pangiti ngiti ang loko at masayang masaya. Nang biglang matigilan nang may maalala siya kinabahan bigla siya.
"NAKU! LAGOT... WALA BANG NAKAKITA SA AMIN NA ALAGAD NG SANJO NA 'YON?"
( Oh! Ngayon naalala mo na... ANG SAYA SAYA MO HA... Baka ang magandang kamay ni Dona ay putol na kasalanan mo RIO tssskk!. )