Sanrio chapter 9
Paglaabas ng Building ng Imakulada Law Firm si Rio ay tila hindi mapakali.
Pinapakiramdaman ang paligid, hindi man derektang sinasabi sa kan'ya ni Sanjo na isa etong Mafia ay malakas ang kutob niya at hindi rin naman niya eto pwedeng basta basta isumbong o ipahuli sa pulisya lalo't wala siyang matibay na ebedensya sa mga krimen at mudos nito.
Hindi rin naman siya basta basta kikilos ng hindi siya safe at ang pamilya niya. Isa siyang abugado kaya alam naman niya na ang pagbangga sa mga sindikato ng mga Mafia ay kalakip ay kamatayan.
Ayaw niyang maglaho ng parang bola sa mundong ibabaw. Naglalakad siya upang sumakay ng Jeep ng may biglang pumaradang mamahaling kotse sa harapan niya lumabas ang sakay nito na si Lanz at binuksan ang pintuan ng kotse para sumakay siya.
"Rio get in?" Ang maawtorisadong utos ni Sanjo. Si Rio naman ay nagdadalawang isip naman kong papasok o hindi. Pero sa bandang huli napagpasyahan na lamang niya na sumakay na nang matapos na, mahirap suwayin si Sanjo baka pagtalikod niya ay bigla siyang barilin.
" Tama mabuti na ang sumunod nang mabuhay tayo ng matagal. Alalahanin mo Rio hindi ka pa nakakatikim ng luto ng diyos kaya be safe first okay self?" Ang parang sirang wika nito sa saril n'ya. Nakita niyang tinanggal ni Sanjo ang suot nitong seat belt.
Pagkasakay ni Rio ay agad na dumukwang sa kanya si Sanjo na ikinagulat ni Rio. Kinuha nito ang seat belt niya at ikinabit eto sa kanya. At pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi na mas lalong ikinagulat at nagpatayo ng balahibo niya sa katawan.
" I miss you Babe! Let's have a dinner together" Ang bulong nito sa kanya at bumalik sa pagkakaupo at muling ikinabit ang kaniyang seat belt sumenyas lang si Sanjo at nag drive na ang driver ng kotse. Habang nakaupo ay kinuha nito ang kamay ni Rio at ikinulong sa kaniyang mga palad.
" Gagong lalaking eto ano ba akala niya mags'yota kami? May pa holding hands pang nalalaman. Pero kamay palang niya alam ko nang madudurog ang mga buto ko sa kamay sa oras na pigain niya ang kamay ko."Bulong ni Rio sa kan'yang sarili.
"Relax Babe I will not hurt you." Ang biglang sabi ni Sanjo kay Rio.
"Huh? Nababasa mo nasa isip ko?" Ang wala sa sariling naitanong ni Rio sa subrang tense.
"Babe, malamig ang kamay mo at nanginginig bakit iniisip mo bang puputulin ko ang magandang kamay mo?" Sa narinig mas lalong namutla si Rio at naumid ang dila.
"Rio, Hindi kita sasaktan alisin mo 'yan sa isip mo. Pero kong sino man ang manakit sa' yo ay papatayin ko kalaban mo ay kalaban ko rin. Hanggat wala kang ginagawang masama sa akin hindi kita sasaktan naintindihan mo ba?"
"Ha? A eh Oo." Ang natatakot na tugon ni Rio.
Nakarating sila sa isang five star na Hotel na ipinagtaka naman ni Rio parang ayaw niyang bumaba sa sasakyan.
"Sabi niya kakain lang kami eh bakit Hotel 'to? Ano ako ba ang kakainin niya? Itutuloy na ba niya? Hindi maari ayaw ko!"
"Bumaba ka na d'yan?"
"Sabi mo kakain tayo."
"OO nga kakain nga tayo ano bang nasa isip mo? Ah! May restaurant d'yan sa loob at masarap ang mga pagkain nila. Don't tell me hindi mo alam na sa bawat Hotel's ay may mga restaurant at mga bars?"
"No, of course not... I mean syempre alam ko N-nawala lang sa isip ko."
"Sinabi ko naman sa'yo relax lang wala akong gagawin sa'yong masama. Bakit iniisip mo bang I will rape you?"
"Oo,"
"Ha! Ha! Ha!.. I promise you Rio, I will never force you. Hihintayin kitang gahasain mo ako and mark my word you will fall in love with me at kapag nangyari 'yan your finish."
"Your crazy, Ako gagahasain kita? never.. Sinabi ko naman sa'yo hindi kita gusto at babae ang gusto ko. Kaya malabo talaga' yang sinasabi mo."
" Tingnan natin.. Let's go nagugutom na ako o gusto mo lang magpabuhat."
"Buhat ka d'yan, Sige na baba na ako ng kotse umalis ka na d'yan sa harapan ko."
"Good boy."
Pumasok silang dalawa sa loob na nakapalupot na naman ang braso ni Sanjo sa bewang ni Rio naiilang man pero kagaya ng dati hinayaan na lamang niya wala naman siyang magagawa pa.
"Sana naman wala akong makasalubong na kakilala dito, promise mahal na Patron maglilingkod ako ng buong katapatan sa aking sinumpaang tungkulin hindi ako papasilaw sa kinang ng salapi."
"Good evening Mr. Jovani!" Ang bati ng mga empleyado duon. Mukhang mamahalin talaga dahil nasa isang VIP room sila dinala ng isang empleyado dito. Napapansin din ni Rio na todo ang ngiti ng maganda at sexy na babae na siyang nag-aasikaso sa kanila. Halos ikiskis na nito ang malaking dibdib nito kay Sanjo. Matamis din etong nakangiti habang kinakausap si Sanjo at ang lalaki ay ganun din masaya at nakangiti din eto sa magandang babae.
"Ahem! Matagal pa ba ang pagkain? akala ko ba nagugutom ka na bakit wala pang pagkain dito." Ang pagbasag ni Rio sa dalawang naguusap.
"Don't worry Rio the food is coming." Pagakatapos na sabihin eto kay Rio ni Sanjo ay bumalimg agad eto sa babae.
"Ano nga ulit iyon?"
"Ang sabi ko nagtatampo ako sa'yo dahil hindi mo na ako naalala. Wala naman akong ginawang bad hindi ba?"
"Wala nga, masyado lang akong bussy ganito na lang may gusto ka bang bilhin?"
"Hmm! May gusto akong bilhin 'yong latest na cellphone ang kaso subrang mahal."
"Magkano ba' yon?"
"Nasa 200K."
"Ah, okay I will send it to your account then."
" Wow! Thank you! The best ka talaga Babe."
"Ano ba asan na ang pagkain gutom na ako. Kong nasa condo na ako seguro kanina pa ako nabusog." Ang naiinis na sabi ni Rio.
"Dennise, please! Paki check ang foods namin gutom na ang kasama ko." Agad naman na tumalima ang babae sa utos ni Sanjo.
"Wow ha! Kanina Babe ang tawag mo sa akin pero ngayon KASAMA na, ang pagpapa kilala mo sa akin ang bilis naman magiba. At wow! uli, Galante 200k ang dali namang makuha. Samantalang ilang buwan ko iyan suweldo. " Sa halip na sumagot si Sanjo ay ngumiti lamang eto sa kanya na lalong nagpa init ng dugo ni Rio. Kinuha niya ang isang wine glass na may lamang wine na hindi niya Alam kong anong klaseng alak iyon. Ininom niya lahat ang laman. Kinuha niya ang bote ng alak sa harapan niya at nagsalin sa kaniyang kopita at muling nilagok.
Ininom din ni Sanjo ang alak na nasa harapan niya habang pinagmamasdan si Rio. Natutuwa siya sa ikinikilos nito. Ilang segundo lamang ay nagsipagdatingan na ang mga pagkaing inorder ni Sanjo para sa kanilang dalawa. May calamares, May malalaking sugpo, May spare ribs, at may sotanghon pancit canton combo. Ka-agad naman sumandok at kumain si Rio. May ugali si Rio kapag siya ay galit at inis mahilig siyang kumain at kapag malungkot at problemado ayaw niyang kumain. Lahat din ng mga pagkain na nasa mesa nila ngayon ay paborito ni Rio.
Tahimik silang kumakain na dalawa, si Sanjo ay pinagmamasdan lamang si Rio kumain sinasalinan pa niya eto ng alak kapag nakikita niyang ubos na ang laman ng kopita nito at nang matapos ang kanilang dinner together ay bumalik na silang muli sa sasakyan ni Sanjo.
"Mars sa condo ni Rio." Ang utos ni Sanjo sa driver niya.
"Yes, boss!"
"Salamat sa dinner!" Ang wika ni Rio kay Sanjo.
"Masarap ba ang mga pagkain?"
"OO masarap kasi libre."
"Ganun ba? Hayaan mo kapag hindi ako masyadong bussy kakain tayo palagi sa labas."
"Wala kang obligasyon sa akin at sa susunod mag shashare ako ng bayad sa kinakain ko."
"Galit ka ba?"
"At bakit naman ako magagalit?"
"Sure ka hindi ka galit?"
"Bakit nga ako magagalit saan? Anong dahilan?"
"Dahil nagseselos ka kay Dennise."
"Ano? Ako nagseselos huh? Kapal mo din no?" Wala akong paki kahit sino ang kaharutan mo at kahit sino ang bigyan mo ng regalo, ang gastusan mo, ang kangitian mo, ang kasama mo wala akong paki. " Mga katagang binitiwan ni Rio ngunit wala sa normal na tono. Kaya si Sanjo ay natatawa lamang habang nakatingin at pinakikinggan si Rio. Hanggang sa sumapit na sila sa tapat ng building ng condo nito. Naunang lumabas si Rio at derederetsong naglakad papasok sa loob ng building patungong elevator at pumasok. Pasara na sana ang elevator ng may biglang pumigil dito si SanjoAt pumasok din eto sa loob at muling nagsarado ang pinto ng elevator.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Rio.
"Ihahatid kita hanggang sa room mo."
"Hindi ako bata para ihatid mo."
"But you are my Boy."
"Anong Boy pinagsasabi mo d'yan magtigil ka nga?" Ang naiinis na sabi ni Rio at bumukas ang pinto ng elevator at lumabas si Rio na sinundan naman ni Sanjo. Pagdating sa condo room ni Rio ay mabilis ding pumasok si Sanjo sa loob.
"Ano ba? Bakit pumasok ka pa dito?"
"Bakit masama ba? May itinatago ka bang lover dito?"
"Tumigil ka ha? Huwag mo akong pagbintangan ng gawain mo?"
"Anong gawain ko ba ang tinutukoy mo?"
"Ano pa eh 'di ang maging playboy. Sinasabi mo sa akin na gusto mo ako pero mismong sa harapan ko nakikipagharutan ka sa babae mo.".
"So inaamin mo nang nagseselos ka?"
"No way!" Ang matigas na tanggi ni Rio. Lumapit si Sanjo sa kanya at hinapit ang kaniyang bewang nagkadikit ang kanilang mga katawan. Mas matangkad si Sanjo kesa kay Rio Kaya inutusan niya etong tumingala upang makita niya ng buo ang mukha nito.
" Look at me Rio, Kong ayaw mo akong kumausap at pumunta sa iba ikulong mo ang puso ko. Paibigin mo ako ng husto na halos hindi ko na magawa pang tumingin sa iba kong hindi sa'yo lamang. 200k is a small amount kumpara sa halaga mo. Na kaya kong ibigay at isuko ang lahat lahat nang meron ako para sa'yo naiintindihan mo ba? " Kong makukuha lamang ni Rio ang ibig ipahiwatig ni Sanjo sa kanya seguradong matutuwa siya kong eto nga ay kaniyang naiintindihan. Hindi tumingala si Rio sa inutos sa kanya ni Sanjo kaya eto na ang kumilos. Hinawakan nito ang mukha niya at hinalikan sa labi si Rio. Sa una hindi lumalaban si Rio sa halik ni Sanjo pero ng magtagal ang halik ay natuto na din siyang tugunan at sabayan ang galaw ng labi at dila nito sa kanya. Nag patianod siya sa bagong tuklas na pakiramdam ang alam niya sa mga oras na iyon ay masarap para siyang lumulutang sa ere gusto niya ang halik ni Sanjo ang mabangong amoy nito ang paghagod nito sa kaniyang likuran. Ramdam niya ang matigas na katawan ni Sanjo at mainit na hininga nito. Dumako ang labi nito sa kaniyang panga pababa sa leeg sa kaniyang Adam's apple. Sinubo at bahagyang sinipsip eto ni Sanjo na nagpakawala ng kaniyang katinuan.
Naglalaro ang labi at dila ni Sanjo sa kanyang leeg at tenga. Hindi niya alam bakit gnauon na lamang kainit ang pakiramdam niya. Akala niya eto ay dahil sa naparami yata ang nainom niyang alak. Sa isang katulad niyang walang experience ay madali ang mawala sa sarili. Dinadama ni Sanjo ang katawan ni Rio at napapasinghap din eto. Kapwa sila nahihirapang huminga sa mga sandaling iyon.
"S-Sanjo!"
"Rio!"