Scotty Pov. Ngayon araw ng kapiestahan sa bayan maraming mga taong dumayo pa sa ibat ibang lugar para makisaya. " Teacher dinalhan kita ng pagkain" sabi ni Kim habang dala dala ang isang pinggan. " Maraming salamat Kim" Kinuha ko ang binigay niya at nagsimulang kumain " Bakit ganyan ang mukha mo?" Tumingala ako at nakita si Kin na nakatayo sa harap ko " Wala ayos lang ako" sabi ko bago ulit sumubo " Palagay ko mayroong bumabagabag sayo tungkol ba yun kay White?" Tumango ako bilang tugon " Ano ba ang nangyari?" " Hindi siya naniniwala sa akin tingin niya nagsisinungaling ako" Unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko sobrang bigat sa loob. Kunti nalang ang natitirang oras sa akin at gusto ko lang maging maayos ang lahat. Hinawakan niya ang balikat ko habang n

