Scotty Pov. " Teacher huwag ka nalang umalis" pakiusap ni Jose habang umiiyak. " Jose mawawala lang ako ng isang linggo babalik din agad ako" tugon ko. " Huwag kayong umiyak babalik naman si Diego" sabi ni Ginoo'ng Sebastian. " Teacher" nakita ko si Kim na tumatakbo papalapit sa amin bakas rin ang kalungkutan sa mukha niya. " Teacher basta bumalik ka agad" naiiyak na sabi ni Aryan " Pakiusap teacher huwag mo kaming iiwan dito ng matagal" " Lumapit nga kayong lahat sa akin gusto ko ng isang mahigpit na yakap" nakangiti kong saad sabay sabay nila akong niyakap, yun ay isang mainit at punong puno ng pagmamahal. " Huwag kayong mag alala babalik ako pangako ko yan" sabi ko na nakataas ang kanang kamay. Nakahinga ako ng maluwag ng tumigil sila sa pag iyak dumating ang sasakyan ni

