Scotty Pov. Tumutulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan ng nasusunog na bangkay. Hindi ko kakayanin na makita ang katawan ni Jaylo na nasusunog kaya naglakad ako paalis naghanap ako ng lugar kung saan hindi ko makikita ang mga susunod na mangyari. Sumunod sa akin si White at tumayo sa tabi ko nanatili lang siyang tahimik saka pinagmasdan ang usok na nanggagaling sa nasusunog na kahoy. " Tingin ko masaya siya dahil kasama niya ang kanyang Ina at Ama" saad niya siguro mas maganda kapag yun ang iniisip ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. " Siguro nga" pag- sang ayon ko bago pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Pagkalipas ng halos kalahating oras naging abo nalang lahat kasama na ang bangkay at doon nagtatapos ang ginawang seremonya. " Ano na ang gagawin natin ng

