Scotty Pov. Pakiramdam ko nahuhulog ako sa walang katapusang kadiliman habang patagal nang patagal mas lalo akong pumapailalim. Pakiwari ko mayroong pwersa na humahatak sa akin pababa. Nakakabinging katahimikan ang namamayani sa buong paligid sa sobrang tahimik tila bang gusto ko nang manatili dito. Nakapikit ang aking mga mata at kahit ilang beses kong imulat hindi ko magawa. Ilang sandali pa ay may narinig akong tinig, sadyang nakakabighani ang kanyang boses na para bang musika sa aking tainga. " Deigo, diego" mula sa itaas mayroong akong narinig , isang boses ang tumatawag sa akin. Pilit kong inaalala kong kanino boses yun pero parang limot ko na samantala isang masidhing damdamin ang nangingibabaw sa akin. Gusto kong marinig ang boses na kumakanta kanina. Hindi ko mapigilan a

