Scotty Pov.
Nagawa nilang masindak ang mga tauhan ni Ginoo'ng Tan sa kabutihang palad sila na mismo ang umalis sa gilid nang dalampasigan. Naghanap sila ng lugar na matatakbuhan samantalang kami naiwan dito na nakadapa.
" Habulin sila" sigaw ng isang pulis sinundan nila sina Ginoo'ng Tan kasama ang ibang mamamayan ng Manangpula.
Agad akong tumayo galing sa pagkakadapa saka hinanap si White habang naglalakad ramdam ko ang panghihina nang aking katawan. Kunti kunti nalang pakiramdam ko hindi na ako tatagal.
" Deigo" nakita ko siyang nakatayo sa di kalayuan nakangiti siya pero mayroong mga luha na namumuo sa kanyang mga mata.
Nang makalapit ako sa kanya hinawakan ko siya sa balikat. Sa totoo lang hindi ko na naaaninag ng mabuti ang kanyang mukha.
" Huwag kang umiyak kailangan pa nating ipanalo ang laban nato" mahina kong sabi bago dumampot ng baril.
" Kailangan mong magpahinga maraming dugo ang lumalabas sa sugat mo" nag aalala niyang sabi isinandal ko ang sarili ko sa katawan niya.
" Teacher Deigo" isang boses ang tumawag sa akin kaya napalingon ako. Siya ang Ginoo na kasama ng mga pulis kanina. Kahit hindi ko masyado nakikita ang mukha niya nakilala ko ang kanyang boses.
" Ako na ang bahala sa kanya" sabi ng Ginoo ramdam ko ang malambot niyang kamay na dumampi sa tagiliran ko.
Pinahiga niya ako bago nilagyan ng gamot ang sugat ko sa katawan. Humawak ako sa braso niya ng maramdaman ang hapdi sa mga sugat ko.
" Magiging ayos lang ba siya?"
" White huwag kang mag alala kailangan niya lang magpahinga" sagot ng Ginoo hindi ako pwedeng magpahinga kailangan pa naming ipagpatuloy ang laban hanggat hindi kami ang mananalo hindi ako nagpapahinga.
" Diego huwag ka munang gumalaw" sabi ng Ginoo ngumiti ako bago umiling iling.
" Maraming salamat pwede bang magtanong?"
" Oo naman" tugon niya saka isinilid sa lalagyan ang mga gamot.
" Kaano- ano mo ba si Kim?" mahina kong tanong habang sinusubukan kong tumayo ng tuwid.
" Nakakabata ko siyang kapatid" tugon niya kaya pala tama nga ang hula ko.
" Deigo makinig ka sa kanya kailangan mong magpahinga" sabi ni White hinarangan niya ang dapat sana dadaanan ko.
" White makinig ka kailangan natin mahuli si Ginoo'ng Tan"
" Mayroong mga pulis na humahabol ngayon sa kanya"
" White umalis ka diyan" pasigaw kong sabi pero hindi siya natinag nanatili siyang nakatayo sa harap ko.
" Diba mahalaga sayo na mapaalis si Ginoo'ng Tan para mawala ang taong nanggugulo sa bayan na ito?" Tanong ko sa kanya isang malalim na buntong hininga ang kanyang naging tugon bago yumuko.
" Hindi ngayon ang tamang oras para mag away kayong dalawa" saway ng Ginoo pumagitna na siya sa amin ni White.
" Huwag akong pagsabihan mo" inis kong sabi saka tinapunan ng matalim na tingin si White wala na kaming oras na dapat sayangin pa.
" Deigo mahalaga sa akin ang manalo sa laban natin pero mas mahalaga sa akin ang kaligtasan mo" sabi niya na walang pag- alinlangan.
" Kung ayaw mong kumilos tayo ngayon ano ang gagawin natin?" Tanong ko bago umiwas ng tingin sa kanya itinuro niya ang isang masukal na daan sa kanang bahagi ng dalampasigan.
" Magpahinga ka muna dahil kahit anong gawin nilang habulan iisang ruta lang ang kanilang dadaanan kapag gusto nilang tumakas" sabi niya na mayroong katiyakan inalalayan akong umupo ng nakakatandang kapatid ni Kim.
" Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko matapos maisandal ang katawan sa ilalim ng punong kahoy. Pinikit ko ang aking mga mata ng makaramdam ng sobrang pagod.
Pagkalipas ng apat na oras
" Takbo malapit na sila" napatayo ako bigla ng marinig ang mga boses sa di kalayuan.
" Deigo" nabaling ang attensyon ko sa kapatid ni Kim nakalagay sa baba niya ang kanyang kamay senyales na huwag akong mag- ingay.
Mula dito sa pwesto namin makikita ang pagdaan ng mga tauhan ni Ginoo'ng Tan.
" Ano pa ang ginagawa natin dito halika ka" tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang aking kamay.
" Diego makinig ka sasabihin ko ang napagkasundo namin ni White" sabi niya inikot ikot ko ang tingin sa paligid at hindi ko nakita si White . Bumalik ako sa pagkakaupo at nakinig sa mga sasabihin niya.
Pagkatapos niyang masabi sa akin ang planong kanilang nabuo at matapos nilang makalampas sa pwesto namin agad kaming kumilos patungo sa kabilang direksyon. Napahinto ako bigla ng makita ang isang ilog sa harap namin.
" Diego kaya mong lumangoy?" Tanong niya tumango naman ako bago lumusong sa tubig. Sobrang lamig ng tubig halos nanunuot yun sa aking mga sugat.
Una siyang nakarating sa daungan inalalayan niya akong makaahon sa tubig. Naglakad kami habang nakalagay sa kanyang balikat ang kanang kamay ko.
" Ano nga pala ang pangalan mo Ginoo?" Tanong ko sa pangalawang pagkakataon hindi ko narinig ang sagot niya ng una ko siyang tinanong dahil bigla akong nakatulog.
" Tawagin mo nalang ako sa pangalang Kin" nakangiti niyang sabi bago inilahad ang kanyang kamay.
" Ikinagagalak kong makilala ka at maraming salamat sa tulong mo" sabi ko saka nakipagkamay sa kanya nang makalampas kami sa ilog mga matatarik na daan ang tinahak namin.
Sa bawat paghakbang ko hindi mawala sa isip ko si White dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya.
" Diego nandito na tayo" itinuro ni Kin ang isang malawak na batawan. Napanatag ang aking kalooban ng makita si White.
" Halika kana" lumapit kami sa kanya nakapatingin ako sa kanlurang bahagi ng bayan kung saan makikita ang paglubog nang araw sobrang bilis ng takbo ng oras.
" Diego" tumakbo si White papalapit sa akin, gaya ng palagi niyang ginagawa isang yakap ang naging bungad niya.
" Kin maraming salamat sa pagsama sa kanya"
" Huwag mong isipin yun gagawin ko ang lahat para matulungan kayo" tugon ni Kin bago binitawan ang kamay ko na nakaakbay sa balikat niya.
" Ano na ang gagawin natin?" Tanong ko malapit na ang takipsilim mas mahirap kumilos kapag gabi.
" Wala tayong ibang gagawin kung di ang hintayin sila dito" tugon ni White humiga siya sa lupa bago tumingala sa kalangitan.
" Ang ganda ng kulay kahel na kalangitan" nakangiti niyang sabi pinikit ko ang aking mga mata habang dumadampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.
Sobrang tahimik ng paligid sa unang tingin hindi mo malalaman na mayroong nagbabadyang kaguluhan na mangyayari.
" Kin paano mo nalaman ang mga nangyayari dito sa bayan namin?" Tanong ni White tumingin siya sa akin saka ngumiti.
" Sinabi sa akin ni Ginang Merlenda at dahil narin kay Kim si Deigo ang palagi niyang bukang bibig" tugon niya napangiti naman ako sa mga sinabi niya hindi ko tuloy maiwasang mangulila sa nakakabata niyang kapatid.
" Ano yun?" Tanong ko ng marinig ang tunog ng kampana. Bumangon si White sa pagkakahiga saka kinuha ang kanyang baril.
" Nandito na sila" sabi ni White itinaas niya ang hawak niyang baril at pinaputok yun ng dalawang beses. Napalingon ako sa likuran namin ng marinig ang kaluskos sa masukal na gubat.
Tumatakbo ang mga mamamayan ng Manangpula habang may mga hawak silang baril. Binata, babae, matanda, lalaki, sumama sila sa laban namin at sila rin ang dahilan kung bakit kami nakaligtas kanina.
" Maghanda kayo paparating na sila" sigaw ni Ginoo'ng Sebastian lumapit si Mark sa akin at binigyan ako ng panibagong baril.
" Hanggang kamatayan" sigaw ni White punong puno siya ng determinasyon habang sinisigaw niya ang katagang iyon.
" Hanggang kamatayan" tugon ng mga mamamayan ng Manangpula. Itinaas ko ang hawak kong baril at itinutok sa unahan.
Kasabay ng maraming kaluskos sumulpot ang mga tauhan ni Ginoo'ng Tan kasama siya. Makikita ang pagkagulat sa kanilang mga mukha nang makita kami na nakaharang sa dadaanan nila.
" Kayong lahat bakit kayo nandito?" Singhal niya habang nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata.
" Ginoo'ng Tan ito na ang katapusan mo" sigaw ni White sa kanya ngumisi naman siya ng malapad bago humakbang paatras.
" Atras" sigaw niya na sinunod naman ng kanyang mga tauhan.
" Ginoo'ng Tan hanggang diyan nalang kayo" sa likuran niya nakapwesto ang mga kapulisan.
" Pinagbabantaan niyo ba ako. Hindi niyo ako kilala" pagwawala ni Ginoo'ng Tan makikita sa mukha niya ang kaba dahil sa pagkakataong ito hindi pumapanig sa kanya ang sitwasyon.
" Paumanhin pero tungkulin namin na hulihin ka Ginoo'ng Tan" sagot ng pulis humarap siya sa direksyon namin saka itinaas ang kanyang baril pinaputok niya yun ng tatlong beses. Dumating si Ginoo'ng Yoon kasama sa mga tauhan niya.
" Akala niyo ba hindi namin kayo kayang pabagsakin" pagmamayabang pa niya itinaas ni Ginoo'ng Yoon ang baril niya saka itinutok sa amin. Isang makahulugang ngiti ang namuo sa kanyang labi bago itinutok ang baril sa ulo ni Ginoo'ng Tan.
" Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Ginoo'ng Tan habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
" Isa kang traydor" nagtutukan silang dalawa ng baril, nanatili kaming nakaalarma ng makita ko na iginalaw ni Ginoo'ng Tan ang kanyang kamay inunahan ko na siya.
Inasinta ko ang kanyang kamay bago pa niya makalabit ang gatilyo ng baril. Nabaling ang tingin niya sa akin nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa galit. Agad niyang itinutok ang baril niya sa akin bago paman lumipad ang kanyang bala sa direksyon ko umiwas na ako.Nagsimula ulit ang palitan ng mga putok isa isang bumagsak ang mga tauhan ni Ginoo'ng Tan. Kaliwat kanan ang pag atake namin at kahit anong gawin nila wala na silang takas.
" Kailangan nating makaalis dito lumaban kayo" sigaw ni Ginoo'ng Tan ginawa niyang panangga ang kanyang mga tauhan.
Napasigaw si Ginoo'ng Hener nang biglang bumulagta si Ginoo'ng Amir nakatamaan siya sa bandang dibdib. Mabilis na kumilos si Kin para tingnan ang kanyang sugat.
" Kin dalhin mo siya sa likuran" sigaw ko tinulungan ko siyang buhatin ang katawan ni Ginoo'ng Amir patungo sa likuran. Nilagay ko ang aking kamay sa sugat niya para huminto ang pag agos ng dugo.
" Deigo" mahina niyang sabi nagtinginan kami ni Kin medyo malalim ang kanyang sugat at kinakapos na siya sa paghinga, inilapit ko ang tainga sa kanya ng sumenyas siya sa akin.
" Paumanhin pero hanggang dito nalang ako huwag kayong sumuko na ipaglaban ang tama" bulong niya bago nalagutan ng hininga kumawala ang mga luha sa aking mga mata nakakalungkot isipin na kailangang may mamatay para sa aming ipinaglalaban.
" Deigo, Kin" tumingin ako kay White napaupo nalang siya ng makita ang bangkay ni Ginoo'ng Amir.
" Titiyakin kong magbabayad sila" sabi ni White nakakuyom ang kanyang kamao habang umaalab ang galit sa kanyang mga mata.
" White kumalma ka huwag kang gumawa ng pabigla biglang pasya" tumayo siya bigla at bumalik sa unahan tumayo na rin ako para sundan siya.
" White " tawag ko nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa unahan habang nakipagbarilan sa mga kalaban namin. Tila wala na siyang pakialam kapag natamaan siya.
Hinila ko ang kanyang kamay kaya siya napatigil sa paglalakad. Lumingon siya sa akin nakita ko kung gaano siya kalungkot kusang kumawala ang mga luha sa mga mata niya kaya kahit na ako hindi maiwasang maiyak.
" White dapa" sigaw ko ng makita si Ginoo'ng Tan na nakaharap sa amin. Sabay kaming yumuko para ilagan ang mga bala na lumipad patungo sa amin.
We can't let your guard down in this kind of situation.
" Ginoo'ng Sebastian" narinig ko ang sigaw ni Mark kaya napalingon ako bago lumingon sobrang lakas nang t***k ng puso ko.
" Ginoo'ng Sebastian" sigaw ko bago lumapit sa kanya nakita ko ang mga tama niya sa katawan hindi yun kasing lubha ng sugat ni Ginoo'ng Amir kaya medyo napanatag ang aking loob.
Nilagyan ni Kin ng mga gamot ang kanyang sugat kaya tumigil ito sa pagdudugo.
" Huwag kayong mag alala sa akin ayos lang ako" nakangiti niyang sabi bago dinampot ang kanyang baril.
" Ginoo'ng Sebastian hindi mo kailangan pilitin ang iyong sarili"
" Deigo pakiusap hayaan mo akong lumaban kasama niyo" tugon niya sa pakiusap ko tumango nalang ako at hinayaan siyang makipaglaban ulit. Kailangan na namin itong tapusin para wala ng buhay ang masayang pa.
" Ginoo'ng Tan sumuko kana" sigaw ng pulis ngayon kunti nalang ang natira sa mga tauhan niya.
" Amo huwag kang mag alala hindi kami takot mamatay kasama mo kami hangang sa huli" seryosong sabi ng kanyang tauhan hindi ko man lang nakita sa mukha nila ang takot kahit na alam nilang maari silang mamatay.
Pinunterya ko si Ginoo'ng Tan lahat ng bala ko inubos ko sa kanya pero nagawa niyang makailag. Nagtago siya sa likod ng punong kahoy.
" Deigo ako lang ba ang punterya mo ngayon" sigaw niya sinilip ko siya sa kabila pero magaling siyang magtago.
Umikot ako sa kabila dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya. Bigla akong napamura ng maapakan ko ang sanga ng kahoy na naglikha nang ingay kaya napalingon siya sa akin.
" Diego" sigaw niya saka ako pinaulanan ng bala mabilis akong tumakbo para magtago sa likod ng mga punong kahoy.
" Huwag kang duwag at harapin mo ako" sigaw ko para makumbinsi siyang lumabas narinig ko ang kanyang malakas na pagtawa.
" Kung yan ang gusto mo ibibigay ko" dahan dahan siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan ganoon din ako nakatayo kami kaharap ang isat isa.
Sabay kaming bumunot ng baril at nagpaligsahan ang unang mamatay siya ang talo. Nagawa ko siyang patamaan sa tagiliran ganoon din siya nagawa niya akong tamaan sa braso.
" Deigo magaling alam mo bang sa sobrang galing mo gusto kitang burahin sa mundo" pagalit niyang sabi sinilip ko ulit siya sa huling pagkakataon.
" Ginoo'ng Tan tapusin na natin ito" sabi ko saka lumabas sa aking pinagtataguan. Umalingaw ngaw ang putok ng mga bala galing sa baril naming dalawa pinunterya ko ang organs na nagpapagalaw sa katawan ng tao kaya bigla siyang naparalisa.
" Deigo" tawag ni White lumingon ako sa kanya bago ulit binaling ang tingin kay Ginoo'ng Tan bumulagta na ito sa lupa.
" Ginoo'ng Tan tapos na ang laban at talo kana" sabi ko bago tumalikod at naglakad papalapit kay White.
" Tapos na panalo tayo" nakangiti kong sabi bigla akong napahinto ng marinig ang putok ng baril galing sa likuran ko. Nakita ko si Ginoo'ng Tan na nakangiti bago binaba ang hawak niyang baril binaling ko ang tingin sa aking katawan at nakita ang dugo na lumalabas sa bandang dibdib ko.
Naramdaman ko bigla ang pamamanhid at matinding sakit. Lumalabo ang aking paningin pero naririnig ko ang boses ni White na paulit ulit na tumatawag sa akin.