Kabanata- 19

2299 Words
Scotty Pov. Naabutan namin sina Ginoo'ng Hener at ang kanyang mga kasamahan na nangunguha ng mga karagdagang baril galing sa mga kalaban. " White, Diego ano ang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ginoo'ng Hener ng makita niya kaming dalawa. " Kailangan namin ng tulong niyo mas lalo silang dumadami sa silangang bahagi ng bayan" sabi ni White sa kanila, lumapit si Mark sa akin at saka itinaas ang aking damit pan-itaas. " Nasugatan ka" sambit niya bago hinawakan ang sugat ko " Malayo ito sa bituka" tugon ko naman ibinaba ko ang damit na kasalukuyang nakataas. Nahagip ng paningin ko si White na tinapunan ng nakakamatay na tingin si Mark. Pinikit ko ang aking mga mata pagkatapos minulat muli. Baka mali lang ang mga nakita ko kanina pero nang tumingin ako sa kanilang dalawa yun parin ang nakita ko. " Ano pa ba ang hinihintay natin tara na" sabi ni Ginoo'ng Hener doon lamang sila tumigil sa pagpapaligsahan ng tingin. Kasama ang natira na kaya pang lumaban tinungo namin ang silangang bahagi ng bayan kung saan nagaganap ang mainit na labanan. Tinahak namin ang makapal na gubat na dinaanan namin kanina. Tumigil sa paglalakad si Ginoo'ng Hener nang makita ang mga tauhan ni Ginoo'ng Yoon. " Mga kasama huwag kayong mag aalala hindi sila kalaban" paliwanag ni White na kanilang ikinagulat inaasahan na namin na ganyan ang kanilang maging reaksiyon. " Ano ang ibig mong sabihin White?" Tanong ni Ginoo'ng Hener " Oo nga paano mo nasasabi na hindi sila kalaban" singgit naman ni Ginoo'ng Amir. " Sumunod kayo sa akin" sabi ni White bago naglakad papalapit sa direksiyon ni Ginoo'ng Yoon. " Kung wala kayong tiwala kay Ginoo'ng Yoon magtiwala kayo kay White" sabi ko bago sumunod sa kanya hindi ko sila nilingon dahil alam kong susunod sila. " Ginoo'ng Yoon ano klasseng palabas ito. Anong sinabi mo sa dalawang Ginoo?" Ramdam ko ang tensiyon sa mga salita na binitawan ni Ginoo'ng Amir. " Hahaha!! Ganyan naba talaga ang tingin mo sa akin Ginoo'ng Amir" natutuwang sabi ni Ginoo'ng Yoon. " Isa kang masamang tao ano pa nga ba ang dapat kong aasahan sayo?" Itinaas ng isang tauhan ni Ginoo'ng Yoon ang kanyang baril at itinutok sa ulo ni Ginoo'ng Amir. Lahat kami naalarma at nagtaas na rin ng baril. " Jek diba sinabi ko na walang bumunot ng baril" sigaw ni Ginoo'ng Yoon kasabay ng pagputok ng kanyang baril. Bumulagta ang kanyang tauhan at ganoon nalang nawalan ng buhay. " Paumanhin hindi ko naman kasi hawak ang mga utak nila. Tulad niya hindi nag- iisip bago gumawa ng desisyon" sabi niya habang itinuturo ang Ginoo na nakabulagta sa lupa. " Papaano ka namin pagkatiwalaan kong kaya mismo patayin ang sarili mong tauhan" sambit ni Ginoo'ng Hener sumang- ayon naman ang mga kasamahan namin. "Hindi ko hinihingi na pagkatiwalaan niyo ako dahil wala na kayong pagpipilian. Tiyak kong matatalo kayo laban sa mga tauhan ni Ginoo'ng Tan" sabi niya na mayroong katiyakan. " White, Diego hindi ako sang- ayon na pagkatiwalaan sila lalong lalo na ang taong yan" pagtutol ni Ginoo'ng Amir habang nakaturo kay Ginoo'ng Yoon. " Huwag kayong mag alala naniniwala ako na tutupad sila sa usapan" sagot ni White " Mga kasama alam kong hindi kayo sang-ayon na makipag alyansa sa kanila pero gaya ng sinabi ni Ginoo'ng Yoon wala na tayong pagpipilian pa" sabi ko para mawala lahat ng kanilang pag- alinlangan. " Wala na kaming magagawa kung di sundin ang napagkasunduan niyong tatlo. Pero wala talaga akong tiwala sa kanila" sabi ni Ginoo'ng Hener tumango naman si White saka tumingin sa akin. " Masaya ako na nagkasundo tayo kaya bilang tanda ng ating kasunduan tanggapin niyo ang aking handog" sabi ni Ginoo'ng Yoon mayroong kinuhang dalawang lumang kahon ang kanyang mga tauhan nilagay nila yun sa harap namin. " White pwede mo na yang buksan" yumuko si White at binuksan ang dalawang kahon mayroon yung laman na mga bagong armas, granada, at mga bala. " Gamitin niyo yan bilang sandata dalangin ko ang tagumpay niyong lahat" yun ang huli niyang sinabi bago umalis sa harap namin. Kumuha kami ng mga baril bago bumalik sa silangang bahagi ng bayan. Nadatnan namin na sugatan si Ginoo'ng Sebastian mabilis akong kumilos para lagyan ng damit ang sugat sa kanyang tagiliran. " Saan kayo kumuha ng mga baril?" Tanong niya habang nakatingin sa baril na nakalagay sa tabi ko. " Hindi na yun mahalaga ang kailangan nating pagtuunan ng pansin ay kung paano matalo ang mga kalaban natin" singgit ni Ginoo'ng Amir lahat kami nakatago sa likod ng punong mangga. Pinag- aaralan namin ang galaw ng mga kalaban. " Ano ang maari nating gawin?" Tanong ni Mark na natitiling nakaalarma sa nagaganap sa paligid. " Gaya ng ginawa natin kanina gumawa tayo ng dalawang grupo" mungkahi ni Ginoo'ng Hener nakikinig lang ako sa mga usapan nila. Isang bagay ang aking napansin habang nakatago sa puno ng mangga. May naririnig akong tunog gaya ng sa lumang orasan. Hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog tumingala ako sa taas at nakita ang isang bomba. " Takbo" malakas kong sigaw sabay tayo hinila ko palayo si White palayo sa puno ng mangga. Sa isang iglap namatay ang kalahati sa amin. Sunod sunod na sigawan ang narinig namin sa di kalayuan. Nagsilabasan ang mga kalaban namin sa ibat ibat sulok. Napapalibutan na nila kami kinalabit ko ang gatilyo nang hawak kong baril at nagsimulang umusad paunahan. " Diego" tawag ni White hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang napayuko ako bigla nang makita ang mga bala na lumipad sa aking direksyon. " Mga kasama huwag kayong matakot" narinig ko ang sigaw ni Ginoo'ng Sebastian dahil doon kumilos ang iba naming kasamahan. Hindi ko maalis sa kanila ang matakot, alam kong lahat sila mayroon pang babalikan na mga kamag- anak o pamilya. Samantalang ako hindi ko tiyak ang aking patutunguhan. " Diego umilag ka" bigla akong natauhan ng marinig ang boses niya. Hindi ko namalayan ang kalaban sa harap ko. Napalingon ako sa pwesto niya tumatakbo siya papalapit sa akin. " Diego pwede bang mag- ingat ka" nag aalalang sabi ni White mayroong ngiti na namuo sa aking labi bago ulit itinaas ang hawak kong baril. Nilabanan namin sila ng harapan kahit na kunti lang ang natira sa amin. " Ginoo'ng Tan" sigaw ni White bago niya kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril. Nagpalitan sila ng mga bala hanggang sa nagawa ni White na tamaan siya sa kanyang balikat. " White titiyakin kong pagbabayaran mo ito" singhal ni Ginoo'ng Tan bago umatras at nagtago. " Deigo kamusta yang sugat mo?" Tanong niya bago umupo sa tabi ko. Medyo lumalabo na ang aking paningin sa bawat minuto na lumilipas mas maraming dugo ang lumalabas sa katawan ko. " Mga kasama kunti nalang sila huwag natin silang hayaang makatakas" mahinang sigaw ni Ginoo'ng Sebastian ramdam ko na nahihirapan na rin siya. Nanatili akong nakaupo hawak hawak parin ang baril. Pinikit ko ang aking mga mata at mataimtim na nagdasal para sa aming lahat. " Deigo halika na" sabi ni White alam kong inilahad niya ang kanyang kamay. Kinuha ko yun kahit na nakapikit ang mga mata ko. Gamit ang natitirang lakas sa aking katawan sumugod ako kasama nila. Habang umuusad kami paunahan umatras naman sila patungo sa masukal na gubat. Tumigil ako sa paglalakad masama ang kutob ko dito. " White baka mayroon silang hinandang patibong para sa atin" sabi ko yumuko si Ginoo'ng Hener at nilapit ang kanyang tainga sa lupa pakiwari ko mayroon siyang pinakikinggan. " Malapit lang sila kapag nakatakas sila ngayo n tiyak kong hindi na tayo mananalo laban sa kanila sa susunod nating paghaharap " sabi ni Ginoo'ng Hener na sinang-ayunan naman ng lahat. " Deigo huwag kang mag aalala magiging maayos ang lahat" tumango ako nang marinig ang sinabi ni White sinundan namin ang mga bakas nila. " Yumuko kayong lahat" sigaw ni Mark napatingin ako sa pinakamataas na bahagi nang gubat. Nakapwesto sila sa taas namin mabilis kaming kumilos at nagtago sa likod ng mga malalaking bato. Sunod sunod ang pagpapaputok nila nang baril kung hindi kami makaalis dito maari silang humagis ng granada sa pwesto namin. Isang malakas na pagsabog ang aming narinig mula sa taas tiyak akong yun ay isa sa mga patibong na nilagay namin. " Kayong lahat kumilos na kayo" sigaw ni Ginoo'ng Sebastian gamit ang pinakamabilis na pagkilos inakyat namin ang bangin. Gumapang kami habang patuloy parin sa pagsabog ang mga patibong na nakakalat sa buong paligid. " Umatras kayo papalapit na sila" narinig ko ang boses ni Ginoo'ng Tan sa di kalayuan. Matapos ang mga pagsabog kumilos kami agad. " Ayun sila tumatakbo" sigaw ni Mark sabay turo sa baba nang makita naming tumatakbo sila hindi na kami nagsayang ng oras. Habang tumatakbo ang mga kasamahan ko inasinta ko ang isang lubid malapit sa lugar kung saan sila pupunta. Nang matamaan ko ang lubid kusa yung bumaba at nahuli ang iba sa kanila. Matapos kong gawin yun sumunod ako sa pagtakbo. Pagkatapos ng ilang minuto na habulan naabutan namin sila sa isang malawak na dalampasigan. " Ginoo'ng Tan hindi kana nakakatakas pa" sigaw ni Ginoo'ng Sebastian sa halip na matakot tumawa lang ito nang malakas na may pang- aasar. " Sa tingin niyo ganito lang ako kabilis pabagsakin" makahulugan niyang sabi ilang sandali pa may nakita akong mga bola sa gilid nang dalampasigan. Umahon sa tubig ang mga armadong kalalakihan tama ang hinala ko isa itong patibong. " Atras" sigaw ko pero huli na ang lahat sumulpot ang armadong kalalakihan sa likuran namin. Hindi ito ang inaasahan naming mangyari dapat sila ang maiisahan namin pero kabaliktaran ang mga nangyari. " Deigo nakakapanghinayang akala ko matalino ka pero gaya karin pala nila mga uto- uto" natatawa niyang sabi ikinuyom ko ang aking kamao kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ang kanyang pagtawa. " Deigo paumanhin hindi kami naniwala sayo" sabi ni Ginoo'ng Sebastian na mayroong pagsisisi. " Ngayon ibaba niyo lahat ang hawak niyong baril ang hindi sumunod ngayon palang babawian na nang buhay" sabi niya na puno nang pagbabanta tingin ko hindi rin siya nagbibiro. Sinunod namin ang gusto niyang mangyari. Kinuha ng mga tauhan niya ang mga baril namin. " Ngayon sisimulan natin ang laro na sinimulan niyo" pagkatapos niyang itaas ang kanyang kamay sumugod ang mga tauhan niya sa amin. Kamao laban sa kamao, maririnig ang tunog ng mga pag atake sa paligid. Sipa, suntok, at kung ano ano pa nasa sayo kung paano mo mapabagsak ang kalaban na susugod sayo. Naglakad ako papunta sa pwesto ni Ginoo'ng Tan siya ang gusto kong makalaban at patumbahin pero bago pa man ako makalapit sa kanya limang tao na ang humarang sa akin. " Hindi namin hahayaan na makalapit ka sa Amo namin" " Kung ganoon kailangan niyo akong pabagsakin" sabi ko saka sumugod sa kanila ginamit ko ang aking natutunan kay Greg. Mabilis ko silang napatumba, nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Ginoo'ng Tan tingin ko nagulat siya kung gaano ko kabalis napatumba ang kanyang mga tauhan. " Ginoo'ng Tan tiyakin mo na kaya mo akong pasiyahin ngayong araw" sabi ko siya ang unang sumugod sa akin hindi na ako nagulat na orginasado ang bawat galaw niya. Nagawa niya akong patamaan sa tagiliran sa mismong sugat ko pa. Napaatras ako ng wala sa oras mas lalong bumukas ang aking sugat sa lakas ng sipa niya. " Diego" sigaw ni White tumakbo siya papunta sa akin pero hinarangan siya ng mga tauhan ni Ginoo'ng Tan. " Ano uupo ka lang ba diyan o susugod ka" naggagalaiti na ako sa galit ngayon kaya kahit na nanghihina na ang katawan ko. Tumayo ako at hinarap siya wala akong pakialam kung ikakamatay ko ito ang mahalaga ay mabura na siya sa mundo para malaya na ang mga tao sa bayan ng Manangpula. Sumugod ako pero bago pa man ako makalapit sa kanya bumunot siya ng baril at binaril ako sa balikat. Napatigil nalang ako sa pagsugod habang nakaupo. " Lumaban ka nang patas" sigaw ko bago tumingala sa kanya. Tinitigan ko siya gamit ang nakakamatay na tingin lumapit siya sa akin saka hinawakan ang mukha ko. " Sayang hindi ako marunong lumaban ng patas" bulong niya bago ako sinuntok sa mukha. " Patayin silang lahat" sigaw niya sunod sunod na pagkasa ng mga baril ang aking narinig. Inikot ikot ko ang tingin sa paligid lahat ng mga kasamahan ko nakahiga sa lupa matapos nilang bugbugin. Ito na ba ang katapusan naming lahat gaya sa nakita ko sa aking panaginip. Isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi ko habang hinihintay ang pagtama ng mga bala sa aking katawan. " Hindi kami papayag na sa ganito magwawakas ang lahat" isang sigaw ang kumuha sa attensiyon naming lahat. Mula sa bangin nakita ko na nakatayo ang isang Ginoo. " Sino ka naman?" Tanong ni Ginoo'ng Tan sa kanya " Nandito ako para tulungan sila" tugon ng Ginoo bago tumingin sa akin hindi ko siya kilala pero parang mayroong pagkakahalintulad ang mukha niya kay Kim. " Ginoo mukhang nababaliw kana, ikaw mag- isa laban sa amin" nakangising sabi ni Ginoo'ng Tan. " Hindi ko sinabi na mag isa ako kasama ko silang lahat" sa hudyat ng Ginoo lumabas ang mga mamamayan ng Manangpula lahat sila may hawak na baril ang mas ikinagulat ko mayroon siyang kasamang mga pulis. " Nagkamali ka yata ng kinuhang mga kakampi. Hawak ko lahat ng mga pulis dito sa bayan" pagmamayabang ni Ginoo'ng Tan. " Ginoo'ng Tan nandito kami para hulihin ka sa paggawa ng gulo sa bayan ng Manangpula" sigaw ng isang pulis saka itinaas ang hawak niyang papel. " Titiyakin kong magbabayad ang mga taong susuway sa akin, patayin silang lahat" Muling umalingaw-ngaw ang putok ng mga baril nanatili kaming nakadapa habang naghahanap ng pagkakataong makalayo at makapagtago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD