Kabanata-18

2210 Words
Scotty Pov. Niyakap ko ang aking sarili ng makaramdam ng sobrang lamig. Sandali saan na nga ba ako ang huli kong natatandaan mayroong balang tumama sa akin. Wala naman akong naramdamang sakit sa katawan kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Tumayo ako sa pagkakahiga saka dumungaw sa mataas na bangin. " Scotty" napalingon ako ng marinig ang boses ni Jhon prente siyang nakaupo sa sanga ng punong kahoy. " Natatandaan mo ba ang lugar na ito?" Tanong niya habang nakabigsik ang kanyang dalawang kamay. " Dito mo ako tinulak nang mapunta ako dito saka ito din ang lugar kung saan ako dinala ni White nang nakaraan" tugon ko sa kanya tumango tango lang siya at itinaas ang kanyang kamay. " Tumpak ang sagot mo" nakangiti niyang sabi naglakad ako papalapit sa kanya na nakakunot ang mukha. " Ano na ang nangyayari sa ngayon?" Tanong ko bago binaling ang tingin sa aking harapan. " Ano nga ba ang mangyayari? Hmm.. malalaman mo mamaya" sabi nito bago lumitaw sa aking harapan napakablis niyang lumipat ng lugar minsan iniisip kong isa siyang magician. Ngumuso siya sa gilid ng bangin, tinuro ko ang sarili ko, tumango naman siya na may ngiti sa kanyang labi. Ayaw ko sa naisip niyang ideya huwag niyang sabihin na itutulak niya ulit ako. " Jhon sandali anong gagawin mo sa akin. H-huwag mong sabihin na-------" Hindi na niya ako tinapos pa sa pagsalita mabilis niya akong itinulak gaya ng inaasahan ko. Yakap yakap ko ang sarili habang nahuhulog pababa ng bangin. Paglipas ng ilang minuto bumagsak ang katawan ko sa isang malambot na kama. Nang minulat ko ang aking mga mata nasa loob ako ng isang malaking kwarto. Nang makita ko ang paligid napagtanto ko kung nasaan talaga ako ngayon. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa baba. Wala akong nakitang butler sa buong mansyon dumeretso ako sa swimming pool, nakita ko si Jason kasama si Adam ang alaga niyang aso. Tumigil ako sa paglalakad at nag iisip kong ano ang maaari niyang maging reaksiyon kapag nakita niya ako. May ngiti na namuo sa aking labi bago binuksan ang pinto papuntang pool. " Yooh" bati ko ng makalapit ako sa kanya lumingon siya sa akin saka nanlaki ang kanyang mga mata. " Mu-mu-multo" malakas niyang sigaw habang nasa gitna siya ng pool. Kinuha ko ang tsinelas na nakalagay sa gilid saka ihinagis sa mukha niya. " Multo, Bro alam mong naging mabuti akong kaibigan maawa ka huwag mo naman akong mumultuhin" pakiusap niya na mukhang maiiyak na. " O siya ba ang kaibigan mo?" Bigla nalang nagpakita si Jhon kaya mas lalo siyang natakot. " Pwede ba huwag ka basta bastang magpapakita" saway ko sa kanya hindi niya pinansin ang mga sinabi ko patuloy lang siya sa pagkain ng popcorn na nakatingin kay Jason. " Isang multo tapos may kasamang grim reaper" takot na takot na sambit ni Jason habang yakap yakap si Adam. " Jason kumalma ka nga, ako lang to" sabi ko pero hindi umubra dali dali siyang umahon sa tubig bitbit ang kanyang aso. Tatakbo na sana siya pero bago yun mangyari itinaas ni Jhon ang kanyang kamay kaya bigla siyang napatigil. " Mo-mommy, Da-daddy" malakas na sigaw ni Jason inikot ni Jhon ang kanyang kamay kasabay nang paggalaw ng katawan ng kaibigan ko. Ngayon nakaharap na siya sa amin. " Bro ikaw ba talaga yan?" Di makapaniwala niyang tanong tumango tango lang ako bilang tugon. " P-pero papaano nasa hospital ang katawan mo ngayon isang taon ka nang comatose" mahina niyang saad nanlaki ang mata ko ng marinig yun. Isang taon pero halos dalawang buwan palang ako sa panahon ng 1920. " Tiyak mo bang dalawang taon?" Gulat kong tanong kinuha niya ang kanyang cellphone at binigay sa akin ng dahan dahan. Binatukan ko siya sa noo nang makitang takot parin siya sa akin. Tiningnan ko ang taon at pesa. Agosto 10, 2011 isang taon na mula ng mangyari ang aksidente. Binaling ko ang tingin kay Jhon ibinaba niya ang kanyang hawak na popcorn bago nagsalita. " Hindi ko kayang ipagliwanag sayo" Tinitigan ko lang siya ng maigi mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. " Sandali pwede bang ipaliwanag niyo sa akin ang lahat" taas kamay na sabi ni Jason. "Pwede ba nating sabihin sa kanya?" Tumango lang si Jhon bilang pahintulot. Umupo kami sa garden area ng mansyon doon ko ipinaliwanag sa kanya lahat lahat. Habang nasa gitna ako nang pagkukuwento nakita ko ang pangkamangha sa mga mata niya. " Bro ang galing para lang isang nobela" sabi niya matapos kong masabi sa kanya ang lahat lahat. " Jhon kailangan na natin bumalik baka kung ano na ang nangyari kay White" " Huwag mo na ngayon kailangan kong mag-ipon ng lakas" mahinang sagot nito ngayon ko lang napansin na mayroong kakaiba sa kanya. " Gusto ko ng pagkain para bumalik ang aking lakas" tumayo si Jason at tumakbo papasok ng bahay sa kanyang pagbalik may dala na itong mga pagkain. " Human Time Machine ito na ang pagkain mo" sabi ni Jason bago nilagay ang pagkain sa harap niya. " Huwag mo akong tawagin sa ganyan hindi ako tao" nakasimangot na saad ni Jhon bago sumubo napakamot lang ako sa ulo habang pinagmamasdan silang dalawa. " Jhon bakit mo ako dinala dito?" Tumigil siya sa pagsubo at tumingin sa akin. " Papagalitan ako ng boss ko kapag may nangyari sayo" tugon niya hindi na ako nagtanong pa may lalo lang akong maguguluhan. Napatingin ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Jhon nakita ko ang pangalan ni Alden. Nag aalangan siyang sagutin ang tawag kaya hinayaan niya nalang hangang sa tumigil yun sa pagtunog. " Bakit hindi mo sinagot?" Tanong ko bigla siyang napayuko, hindi niya akong kayang tinitigan sa mga mata. " I'm sorry" mahina niyang sabi " He is you're friend don't abandoned him" sabi ko na ikinagulat niya. Tumayo siya saka tinawagan pabalik si Alden. " You change" napatingin ako ng magsalita si Jhon tinapunan ko siya ng matalim na tingin. " Kumain ka ng kumain para makabalik tayo agad kapag may nangyaring masama kay White. Malalagot sa akin" sabi ko na may pagbabanta. " Hindi mo ba naisip na ibinalik kita dito para iligtas ka kapag nanatili kapa doon sigurado akong namatay kana ng tuluyan" " Nakalimutan mo ba malapit na rin akong mamatay" sabi ko kaya natahimik siya. " Huwag kang tumalon sa isang konklusiyon malaki ang pag asa mong mabuhay kapag nagawa mo ang iyong misyon" Hindi na ako nagsalita pa ang isip ko ngayon ay nasa panahon ng 1920 sana ayos lang siya hanggang sa makabalik ako. Nang makatayo si Jhon sa kanyang inuupuan biglang nagbago ang buong paligid. " Scotty good luck" sabi niya sa pagkakataong ito hindi ako nahulog sa mataas na bangin. Sa isang iglap bumalik ako sa taong 1920 naramdaman ko ang aking natamong sugat. Nakita ko si White na nakatayo sa harap ko patuloy siya sa pakipagbarilan sa aming mga kalaban. Ginamit ko ang natitira kong lakas para gumapang papalapit sa kanya. " White" tawag ko ng makalapit sa pwesto niya lumingon siya sa akin at napatulala. Kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha. " Deigo" ibinaba niya ang hawak niyang baril saka ako niyakap ng sobrang higpit. " Akala ko namatay kana" nanginginig niyang saad, hindi ko siya masisisi kung naisip niya yun kung di dahil kay Jhon kanina pa ako nalagutan ng hininga. " Ano ang lagay ng iba nating kasamahan?" Tanong ko habang yakap yakap parin siya. " Hindi ko alam ang mahalaga ay ligtas ka. Dininig ng Diyos ang aking hiling" sabi niya naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa aking likuran. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin bago ulit dinampot ang kanyang baril. " Diego huwag kang lalayo sa akin" hinawakan niya ang kamay ko bago kami umusad papunta sa unahan. Marami na akong nakikitang mga nakahandusay na mga bangkay. Ibang iba ito sa nakita ko sa aking panaginip. Pero isang bagay ang hindi nagbago marami ang namatay. " Ginoo'ng Sebastian ayos lang ba kayo?" Sigaw ni White ng makalapit kami sa kanila. " Marami ang nasugatan sa mga kasamahan natin pero hindi tayo dapat sumuko" tugon ni Ginoo'ng Sebastian napatingin siya sa akin na may pagkagulat. " Deigo bakit nandito ka kamusta ang lagay ng ikalawang grupo?" " Ayos lang sila mas kunti ang kalaban sa kanlurang bahagi ng bayan " mahina kong tugon naramdaman ko ang pagkirot ng aking sugat. " Deigo ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni White pinunit ko ang kwelyo ng aking damit saka nilagay sa sugat ko. " Ayos lang ako huwag niyo akong alalahanin" sagot ko bago itinapon ang hawak kong baril saka kumuha ng bago. " Ano ang susunod na plano?" " Diego, white puntahan niyo ang ikalawang grupo kailangan natin ng tulong nila" " Sige mag iingat ka Ginoo'ng Sebastian" Hawak hawak ni White ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kanlurang bahagi ng bayan habang naglalakad kami mayroon kaming na dadaanan na mga kalaban. " Sandali palagay ko mas lalo silang dumadami" sabi ko bago kami nagtago sa likod ng punong kahoy. " Tama ka tiyak akong ginamit niya ang kanyang pera para makakuha ng mga tao na lalaban sa atin" sabi naman White nang makaalis ang mga kalaban kumilos na rin kami. Tinahak namin ang makapal na gubat papunta sa kanlurang bahagi ng bayan. Habang tumatakbo bigla kong hinila si White ng makita mismo nang dalawa kong mata si Ginoo'ng Yoon. Kasama niya ang kanyang mga tauhan ang pinagtataka ko wala silang hawak na baril. " White, Deigo alam kong nandiyan lang kayo lumabas kayo" sigaw niya nagtinginan kami ni White bago ulit binaling ang tingin sa direksyon nila. " Diego makinig ka dito ka lang" seyoso niyang saad " Sandali huwag kang lumabas baka kung anong gawin nila" pagtutol ko, mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Deigo pakiusap dito ka lang" mukha wala na akong magagawa para pigilan siya tumango nalang ako saka binitawan ang kanyang kamay. Ihinanda ko ang aking baril nang magsimula siyang maglakad palabas sa pinagtataguan namin. Nakita ko ang ngiti sa labi ni Ginoo'ng Yoon ng makita si White na naglakad papalapit sa kanya. " Na saan si Diego?" Tanong nito sinalubong niya si White sa paglalakad. " Huwag mo na siyang hanapin ano ang kailangan mo?" Inikot ikot ni Ginoo'ng Yoon ang kanyang tingin sa buong paligid. Inisa isa niyang tingnan ang mga puno malapit sa kinatatayuan nila. Huminga ako ng malalim habang pilit pinapakalma ang aking sarili. Maari nilang gawin hostage si White kapag mangyari yun hindi pabor sa amin ang sitwasyon. " White kilala mo kung ano akong klasseng tao hindi ba?" " Oo naman isa kang opportunistang negosyante" tugon ni White na may pagdidiin. Humalakhak ng sobrang lakas si Ginoo'ng Yoon bago tumingin sa direksyon ko. " Masyadong matalim ang mga salitang lumalabas sa bibig mo Ginoo. Hindi ko naman itatanggi ang mga sinabi mo pero mas gusto kong tawagin yung 'business minded' kaysa sa sinasabi mong opportunista" sabi niya saka itinaas ang kanyang kanang kamay. Agad kong itinuon ang aking baril sa kanya isang pagkasa ng baril ang narinig ko mula sa aking likuran. " Ibaba mo ang baril na hawak mo" isang malamig na boses at puno ng pagbabanta ang aking narinig. Ginawa ko ang kanyang sinabi lumingon ako sa pwesto niya. Mas lalo akong kinalibutan nang makita ang kanyang mga mata. Mata na walang takot at uhaw sa dugo, yun ang mga mata ng isang mamamatay tao. Tumindig ang balahibo ko sa katawan habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. " Lakad" tipid niyang sabi napalunok ako ng laway bago kumilos. " Diego magandang araw sayo" masayang pagbati ni Ginoo'ng Yoon ng makita ako. Lumingon si White sa akin at nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. " Paumanhin" bulong ko nang makalapit sa kanya hinawakan niya ang kamay ko, parehas naming hinarap si Ginoo'ng Yoon. " Huwag niyo akong tingnan ng ganyan hindi ko naman kayo sasaktan lalong lalo kana Diego" sabi niya na mayroong katiyakan. Lalapit na sana siya sa akin pero hinarangan siya ni White. " Huwag kang lalapit sa kanya" maangas na saad ni White na dahilan kung bakit tumawa ng sobrang lakas si Ginoo'ng Yoon. " Okay, gusto ko lang sabihin na papano ko sasaktan ang kasintahan ng aking kaiisang anak na babae" Napatingin si White sa akin nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. " Deigo gusto ko lang malaman kung totoo ba ang sinabi ng aking anak" " Wala po yung katotohanan Ginoo'ng Yoon" walang pag alinlangan kong sagot. " Ibig sabihin mas pipiliin mo pang mamamatay kaysa magsinungaling sa akin" napaisip naman ako sa aking nasabi sa kanya. Mayroong posibilidad na hindi niya kami papatayin kapag nagsinungaling ako. Pero malaki rin ang posibilidad na papatayin niya kami dahil kalaban namin sila. " Yan ang gusto ko sayo Diego" " Dapat ba ko bang ikatuwa dahil nagustuhan mo ako?" " Maaaring oo maaari ring hindi, gayunpaman nandito ako para mag alok ng isang kasunduan" Nanatili kaming nakikinig sa kanyang mga sasabihin. Kung makahanap ako ng paraan para mas mapalaki ang posibilidad na kunti lang ang mamamatay o masasaktan gagawin ko ang lahat kahit ano pa ang magiging kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD