Kabanata-17

2342 Words
Scotty Pov. Dumating ang apat na mga pulis sakay ng kanilang sasakyan. Huminto sila sa harap mismo ng kubo ni Ginoo'ng Sebastian mula sa kubo ni White makikita dito ang mga nangyayari sa labas. Nasa kusina siya ngayon at naghahanda ng almusal dahan dahan akong lumabas ng kubo saka tumakbo papunta sa pwesto ni Ginoo'ng Sebastian. " Diego anong nangyayari bakit ka tumatakbo?" Tanong niya ng dumating ako sa pwesto nila. Isa isa akong tinitingnan ng mga pulis bago tinuon ang tingin kay Ginoo'ng Sebastian. May kinuha silang isang papel bago binigay kay Ginoo'ng Sebastian. Sinilip ko kung ano ang nakasulat isa yung utos sa paghahalughog nang buong kubo. " Maari na naming mapasok ang kubo ninyo" sabi ng isang pulis, sumenyas siya sa kanyang mga kasamahan bago nila hinalughog ang kubo ni Ginoo'ng Sebastian. " Ginoo'ng Sebastian ano ba ang hinahanap nila?" Tanong ko habang pinagmamasdan sila sa ginagawa nila. " Hindi ko alam tingin ko pinadala sila ni Ginoo'ng Tan para matiyak na hindi tayo mag aaklas" tugon niya, nanatili siyang kalmado kahit na mayroon kaming mga hawak na baril na nakatago sa kubo kapag nakita nila yun sigurado malaking gulo ang nangyayari. " Ginoo'ng Sebastian na saan ang mga tao dito bakit tila ay naglaho nalang sila lahat bigla?" Tanong ng isang pulis, nagtinginan kami ni Ginoo'ng Sebastian. " Hindi na mahalaga kung na saan sila. Tapos niyo ba ang halughugin ang mga kubo?" Tanong ko palabik sa kanya, isang matalim na tingin ang kanyang itinapon sa akin bago umalis sa harap ko. " Mayroon ba kayong nakita?" " Wala kaming nakita na kahit ano sa loob ng mga kubo" " Kung wala kayong nakita sa loob mabuti pang umalis nalang kayo" sabi ko habang nakapamaywang. " Ginoo pakiwari ko ayaw mo na nandito kami mayroon ba kayong tinatago?" Makahulugan niyang tanong parang may gusto yata siyang palabasin. " Ano naman ang itatago namin, baka kayo mayroon" saad ko na mayroong pang aasar. Nakita ko ang pagkunot ng noo nilang apat. " Mag- ingat ka sa mga sinasabi mo lalong lalo na kapag wala yung patunay" tugon ng pulis sa mga sinabi ko, bigla naman akong napangiti bago naglakad papalapit sa kanila. " Mali ba na hawak kayo ni Ginoo'ng Tan?" " Ginoo dahan dahan ka sa pananalita mo" sabi niya na mayroong pagbabanta. " Bakit anong gagawin mo?" Mas lalo ko pa siyang inasar para sa labi na mismo manggaling ang katotohanan. " Diego tama na yan" saway ni Ginoo'ng Sebastian sa akin kaya naglakad ako papalayo sa kanila. " Paumanhin sa naging abala namin, aalis na kami" pagpalam nila bago tuluyang nilisan ang bayan ng Manangpula. " Mabuti nalang naisipan ni White itago ang mga armas sa hindi nila makikitang lugar" sambit ni Ginoo'ng Sebastian na nakahawak pa sa dibdib niya. " Diego na saan kana?" Mula sa labas narinig ko ang boses ni White. " Ginoo'ng Sebastian maiwan muna kita" sabi ko bago tumakbo pabalik ng kubo. Dumeretso ako sa kusina alam kong nasa kwarto siya ngayon. " Saan ka galing bakit wala sa loob ng kwarto?" Tanong niya bago umupo sa harap ko. " Nakipag usap lang ako kay Ginoo'ng Sebastian sa labas" tugon ko bago sumubo ng pagkain. Hindi naman siya nagtanong kung ano ang pinag usapan namin. At mabuti nalang hindi niya nakita ang pagdating ng mga pulis. Pagdating ng hapon may namataan akong isang tao na nagmamasid sa amin. Isang magandang binibini na nakausot ng magarang damit. Nagtatago siya sa likod nang puno ng mangga, dahan dahan akong lumapit sa kanya. " Binibini ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit sa kanya. Nagulat siya nang makita ako na nakatayo sa kanyang likuran. " Paumanhin Ginoo huwag kang mag alala wala akong masamang balak " natataranta niyang sabi ngumiti lang ako habang nakataas ang aking dalawang kamay para hindi siya matakot. " Kumalma ka binibini nagtatanong lang ako kung ano ang sadya mo dito" mahinahon kong sabi umiwas siya ng tingin sa akin bago yumuko. " Gusto ko sanang humingi ng tawad sa ginawa ng aking Ama" panimula niya, tinitigan ko ang mukha niya kung tama ang kutob ko anak siya ni Ginoo'ng Yoon. " Ama mo ba si Ginoo'ng Yoon?" Tanong ko para nakumpirma ang aking kutob tumango naman siya habang nakayuko. " Halika sumama ka sa akin" hindi siya pwedeng makita ng mga tao dito baka siya ang pagbuntungan ng galit. Dinala ko siya sa tagong lugar kung saan wala masyadong taong dumadaan. " Ginoo gusto ko lang kayong balaan alam ko kung gaano kasama ng budhi ng aking Ama. Wala siyang pakialam kung mayroon siyang mga taong nasasaktan ang mahalaga lang sa kanya ay makuha niya ang kanyang nais" nanginginig niyang saad kahit siya takot sa sarili niyang Ama. " Maraming salamat sa pag aalala mo kami ang bahala sa kanya. Ang kailangan mong gawin ay umalis dito hindi natin alam kung ano ang magagawa ng mga tao sayo kapag nalaman nila na anak ka ni Ginoo'ng Yoon" sabi ko tumango naman siya bago nagsimulang maglakad paalis. " Ginoo pwede mo ba akong ihatid" wika niya na nakaharap sa akin. " O siya halika sumunod ka sa akin" tinahak namin ang daan papunta sa labasan. " Ginoo maraming salamat " sabi niya bago pumasok sa kanyang sasakay, kumaway ako sa kanya bago siya tuluyang makaalis. " Teacher anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako bigla ng marinig na boses sa likuran ko. " Jaylo kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko nang nakaharap sa kanya. " Teacher nakita ko kayong dalawa siya ba ang iyong iniirog?" Nakangiti niyang tanong, ibig sabihin nakita niya kami ng binibini kanina. " Tama ka siya nga" sagot ko ngumiti siya ng malapad at halatang kinikilig. " Teacher, maiwan muna kita " sabi niya bago tumakbo paalis. Napahawak ako sa dibdib ng makaalis siya muntik na yun buti nalang siya lang ang nakakita sa amin. Bumalik ako sa kubo baka kasi hinahanap na ako ni White. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kubo at mukhang naghihintay siya sa pagdating ko. " Deigo saan ka galing? Diba sinabi ko na sayo na huwag kang aalis na walang kasama" bungad niya sa paglapit ko yumuko ako bago humingi ng tawad. " Paumanhin may pinuntahan lang ako diyan sa malapit" sabi ko sabay turo sa pinanggalingan ko kanina. " Tara na nakahanda na ang pagkain" saad niya saka hinawakan ang kamay ko papasok sa kubo. "Sandali nakita ko kanina si Jaylo sa labasan" malakas kong sigaw ngayon ko lang naalala. " Bakit ka nasa labasan kanina?" Tanong niya kaya napatigil ako bigla. " Hindi na yun mahalaga si Jaylo" pag uulit ko kaya napatayo siya saka napatakbo palabas ng kubo. " Sa-sandi White hintayin mo ako" sigaw ko bago sumunod sa kanya. Hinabol ko siya hangang sa makarating kami sa malapad na palayan. Doon niya nakita si Jaylo na nagtatago sa matataas na palay. Papalapit palang ako narinig ko na ang malakas na sigaw ni White. Pinapagalitan niya si Jaylo dahil umalis ito sa sekretong taguan sa gitna ng gubat. " White tama na yan" saway ko ng makita na siya paiyak na si Jaylo. Nagtago siya sa aking likuran. " Jaylo paumanhin dahil nasigawan kita" " Jaylo bakit ka ba nandito?" Tanong ko bago humarap sa kanya. Nakayuko lang siya habang nilalaro ang kanyang mga daliri. " Teacher gusto ko lang kasing makita ka saka gusto kong ipagpatuloy mo ang pagtuturo sa amin araw araw" tugon niya napatingin ako kay White bago binalik ang tingin sa kanya. " Jaylo gusto mong ipangako mo huwag na huwag kang babalik dito. Isa pa sa mga susunod na araw ipagpatuloy namin ang pag aaral pangako ko yan" saad ko habang hawak siya sa mukha. " Pangako po Teacher" sagot niya niyakap ko siya ng sobrang higpit. Magkasama namin siyang hinatid ni White pabalik sa sekretong taguan sa gitna ng gubat. " Jaylo saan kaba galing" sabi ng kanyang Ina habang tumatakbo na sumalubong sa amin. " Ina paumanhin po pangako hindi ko ito uulitin" sabi niya saka ito niyakap. " Maraming salamat White, Diego" sabi ng Ina ni Jaylo habang umiiyak na yakap yakap ang kanyang Anak. " Walang anoman po yun Ginang Panny" sagot ni White " Teacher mag iingat ka po" kumaway si Jaylo bago sumama sa kanyang Ina. Agad kaming bumalik ni White ilang oras na lang at takipsilim na. Kumilos na sina Ginoo'ng Sebastian nilabas nila ang mga baril at binigay sa mga kalalakihan na lalaban sa tauhan ni Ginoo'ng Tan. Kumuha din ako ng baril at ng mga bala nagulat ako ng hawakan ni White ang aking mga kamay. " Bakit?" Taka kong tanong na nakatingin sa mukha niya. " Ang kamay mo ay hindi ko yata makakaya na mabahiran ng dugo nang mga masasamang tao" seryoso niyang sabi ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya. " Yun lang ba ang iniisip mo" natatawa kong sabi bago kinuha ang kamay ko na hawak niya. " Huwag kang gumamit ng baril kung di kailangan" paalala niya sa akin pakiramdam ko tuloy isa akong angel sa kanyang sinasabi. " Oo gagawin ko ang sinabi mo" Lahat kami nagunlantang bigla ng may narinig kaming putok ng baril galing sa labas. " Mga kasama papalapit na ang kalaban" sigaw mula sa labas nagsitakbuhan kami dala dala ang mga baril na hawak namin. " Diego umalis na kayo Ginoo'ng Hener, ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni White niyakap niya ako ng sobrang higpit bago sila tumakbo pasalubong sa mga kalaban. " Diego halika kana" sigaw ni Ginoo'ng Hener kahit na nag aalangan sumunod ako sa kanila. Ayaw kong masira ang mga plano namin sa bawat hakbang ko papalayo napapalingon sa likuran. Tinitingnan ko ang paglayo niya sa akin. Ewan ko ba pero takot akong lumayo sa kanya at gusto kong lumalaban kasama niya. Nang makarating kami sa kanlurang bahagi ng bayan, ikinubli namin ang aming sarili sa mga matataas na punong kahoy. Naghihintay sa mga kalaban na pwedeng dumaan dito maririnig ang mga putok ng mga baril sa silangang bahagi ng bayan kung saan nakikipaglaban sina White. Ang tahimik na kapaligiran ay napalitan ng karahasan kahit na mga ibon sa gubat ay tila nabahala. Lumipad sila palayo para hindi mabiktima na mga ligaw na bala. Nabahala ako bigla ng marinig ang mga yabag mula sa malayo hudyat na paparating na sila. " Deigo ihanda ang iyong sarili sa pwedeng mangyayari. Paumanhin dahil nadamay kapa sa ganitong gulo" sabi ni Ginoo'ng Hener. Tumango lang ako bago kinasa ang aking hawak na baril. Pagkalipas ng ilang minuto nagpakita ang grupo ng mga kalalakihan. Una kaming nagpaputok at natamaan ang iba sa kanila. " Magtago kayo" sigaw ng mga kalaban, napaatras sila dahil sa pag atake na aming ginawa. Sumipol si Ginoo'ng Hener, kailangan na naming tumungo sa ikalawang plano kasama ko ang iba inikutan namin sila. Mayroong isang lumang tunnel malapit sa dalampasigan doon kami dumaan para hindi makita ng mga kalaban. Ang Grupo ni Ginoo'ng Hener ang umaaliw sa kanila habang kami naghahanda sa supresang pag atake. " Deigo ayun sila" bulong ni Mark, sumenyas ako sa iba dahan dahan silang humiwalay sa amin at nang makalayo na sila saka ako tumingin sa taong nasa tabi ko. Tumango siya hudyat na handa na siya sa gagawin namin. Sabay kaming tumayo saka pinaulanan ng bala ang mga kalaban. Ginamit ko ang husay sa paggamit ng baril at pag - asinta. Marami ang natamaan sa kanila pero nagawa parin nilang makapagtago sa likod ng mga punong kahoy. " Hangang hanga ako sa tapang na inyong pinakita pero masyado yata kayong pabaya dalawa kayo laban sa sampu" sigaw ng isa sa mga kalaban namin bigla akong napangiti bago binaba ang hawak kong baril. " Sino ang nagsabing dalawa lang kami" itinaas ako ang aking kamay kaya lumabas ang iba naming kasama. Pinaputukan nila ng baril ang sampung kalaban namin. " Deigo" tawag ni Ginoo'ng Amir sabay taas ng kanyang kamay. " Halika na kailangan nating tulungan sina Ginoo'ng Hener" sabi ni Mark tumango ako bago tumakbo pabalik ng tunnel sumunod na din ang mga kasamahan namin. Isang madugong labanan ang tumambad sa pagbalik namin. Marami na ang nasugatan sa aming panig pati na rin sa mga kalaban. " Deigo ayos ka lang ba?" Tumango lang ako ng tanungin ni Ginoo'ng Hener. " Marami ba sila?" Tanong ko saka kumuha ng panibagong mga bala. " Hindi kunti nalang kaya natin silang pigilan" tugon niya biglang yumanig ang lupa pagkatapos nang sunod sunod na pagsabog ng mga bomba sa paligid. Nabaling ang tingin ko sa silangang bahagi ng bayan. Nakakabingi ang maririnig na ingay ng baril at bomba mula sa pwesto namin. Kaya mas lalo kinakabahan sa kalagayan nila lalong lalo na kay White. " Deigo alam kong ibinilin ni White na huwag kang ilalagay sa kapahamakan. Pero sa ngayon nakikita ko ang matinding pag aalala mo sa kanya kaya pwede mo siyang puntahan kung gusto mo" Matapos kong marinig ang sinabi niya hindi na ako nagsayang pa ng oras . Mabilis akong tumakbo papunta sa silangang bahagi ng bayan. Nagtatago ako sa mga puno kapag may nakikita akong mga kalaban na dumadating. Ayaw kong makipaglaban sa kanila hangga't maari. " White na saan ka?" Sigaw ko ng makarating sa lugar hinahanap ko siya pero kahit na anino niya bigo akong makita. Nagulat nalang ako ng biglang may tao na humatak sa akin. Sisipain ko na sana siya pero hindi ko naituloy ng makita ang kanyang mukha. " White" sabi ko bago siya niyakap ng sobrang higpit. " Anong ginagawa mo dito?" Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang may nakita akong kalaban sa likuran namin. Huli na para umilag kaya itinulak ko siya palayo naramdaman ko ang pagtama ng mga bala sa aking katawan. Bumulagta ako sa lupa habang maraming dugo ang lumalabas sa mga sugat ko. " Deigo" sigaw ni White unti unting lumalabo ang aking paningin. Hirap na rin akong huminga pakiramdam ko ito na ang aking katapusan. Dumilim ang aking paningin hangang sa mawalan ako ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD