Scotty Pov.
Isang araw matapos nilang sabihin na babalik sila para paalisin ang mga tao sa bayan ng Manangpula hindi nagpakampanti at lihim na naghanda para sa isang supresang pag-atake sina Ginoo'ng Sebatsian sa pamumuno ni White.
Ang iba sa kanila ay hindi natulog para magbantay, lalong lalo na ako sa kunting ingay na maririnig ko sa buong paligid nagdadala yun ng matinding takot sa akin.
" Diego bakit hindi kapa natutulog?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si White sa aking harapan. Ibinaba niya ang hawak niyang baril saka tumabi sa akin.
" May problema kaba?" Tanong niya habang nakatuon ang tingin sa labas ng kubo. Umiling iling lang ako habang nilalaro ang aking mga daliri.
" Bakit tila hindi ka mapakali" sabi niya na nakatingin sa mga mata ko.
" Natatakot ako sa mga mangyayari sa atin" sagot ko sa kanya nang tinitigan ko ang mukha niya wala akong nakita na takot o pag aalinlangan.
" Huwag kang mag aalala hindi ko hahayaan na may mangyari sayong masama" sabi niya na may katiyakan.
" Maraming salamat pero nag aalala ako sayo" sabi ko habang hawak ang mukha niya.
" Ipinapangako ko na walang mangyayaring masama sa akin. Deigo maraming salamat sa pag aalala at sa mga tulong mo" seryoso niyang sabi napangiti ako bigla sabay iling iling.
" Bakit?"
" Wala may naiisip lang ako" sagot ko naman nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko. Pagkatapos inamoy niya ang aking buhok.
" Ang bango mo" sabi pa niya saka ginulo gulo ang aking buhok.
" Hmm... Ikaw ang bumili ng siyampu hindi ba?" Tumawa lang siya at bigla akong hinalikan sa noo. Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang minuto una siyang umiwas ng tingin saka naglakad palabas ng kubo.
Naririnig ko parin kung ganoo kalakas ang t***k ng puso ko. Mga ilang beses ko na itong naramdaman ganito ba talaga kapag ma inlove kahit ilang beses mong pigilan lalabas at lalabas parin ang tunay mong naramdaman.
Natapos ang gabi na walang naganap na sekretong pag atake. Sa paglabas ng araw nasa labas na ako ng kubo hawak ang isang baril at pinatumba lahat ng target sa harap ko.
" Bakit ang aga mong gumising?" Napalingon ako sa pwesto ni White. Lumapit ako sa kanya saka siya sinugod dahil sa pagkagulat niya bigla siyang napaatras.
" White hinahamon kita labanan mo ako" seryoso kong sabi tumayo siya sa pagkakaupo at sinuri kong nagbibiro ba ako o hindi.
" Sigurado kaba dito?" Tanong niya tumango lang ako saka sumugod sa pangalawang pagkakataon. Mabilis niyang nakahawakan ang kamay ko kaya napigilan niya ang aking pag atake.
" Hindi na masama ituloy natin" sabi ko sa unang pagkakataon sumugod siya at nagpakawala ng suntok nanatili akong nakatayo at hindi inilagan ang suntok na tatama na sa akin.
Hindi niya itinuloy ang kanyang pagsuntok.
" Deigo hindi kita kayang saktan " sabi niya bago naglakad paalis.
" White sandali hindi pa tayo tapos" sigaw ko pero hindi siya lumingon. Sumunod ako sa kanya sa loob ng kubo dumeretso siya sa kusina.
" Handa na ang pagkain halika na" umupo ako sa harap niya nakita ko na nakasimangot lang siya sabay subo ng pagkain.
"May problema ba?" Tanong ko ibinaba niya ang hawak na kutsara bago tumingin sa akin.
" Deigo ano bang gusto mong mangyari bakit gusto mong labanan kita?" Kunot noo niyang tanong.
" Gusto ko lang sanayin ka sa pakipaglaban ng hindi ginagamit ng baril" nakayuko kong tugon ayaw kong magalit siya sa akin.
" Alam kong nag aalala ka pero diba sinabi ko magiging maayos ang lahat at walang mangyayaring masama sa akin kaya ko ang aking sarili" paliwanag niya, tumango naman ako saka nagpatuloy sa pagkain ng almusal. Pagkatapos naming kumain pumasok ako sa kwarto para magmokmok.
" Deigo halika sumama ka sa akin" sabi ni White habang nakatayo sa pintuan. Isinara ko ang isang komik book na binabasa ko saka naglakad palabas.
Naglakad kami papasok sa gubat kung saan nilikas ang mga tao. Naiwan kami sa mga dati naming kubo para bantayan ang mga susugod na kalaban at para na rin hindi nila mapasok ang gitna ng gubat. Dumaan kami sa maliliit at matarik na daan patuloy lang si White sa paglalakad sa unahan at hindi nagsasalita. Nakasunod lang ako sa kanya kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Pagkalipas ng ilang minuto narating namin isang talon. Napapalibutan ito ng mga halaman at mga bulaklak para sa akin masasabi na isa itong nakatagong paraiso.
" Anong masasabi mo?" Tanong ni White na nakatingin sa akin.
" Maganda, sobrang ganda" nakangiti kong sagot, tinanggal ko ang aking suot na tsinelas saka nagtampisaw sa malamig na tubig.
" White halika lumapit ka dito" tawag ko nang makalapit siya hinagisan ko siya ng tubig.
" Diego itigil mo yan ang lamig" sigaw niya bago tumakbo palayo sa akin. Naghabulan kaming dalawa at masayang naglalaro sa tubig.
Gumanti siya sa akin kaya ako naman ang tumakbo palayo sa kanya. Sobrang basa na ang damit ko ganoon din ang damit niya. Grabe sobrang lamig ng tubig mas malamig pa ito kumpara sa isang sapa. Hinubad ko ang aking damit at lumangoy papunta sa gitna lahat yata ng pag aalala ko biglang nawala, nagpalutang lutang ako sa tubig habang nakatingala sa langit.
" Sobrang payapa ng kapaligiran sana ganito araw araw. Walang gulo o iringan" nalulungkot niyang sabi na nakatingala rin sa taas.
" Ganoon din ang hiling ko" pag sang- ayon ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinalahin ang kamay ko pababa.
Magkahawak kami ng kamay habang nasa ilalim. Mayroon siyang itinurong ang isang lagusan at hawak niya ang kamay ko habang lumalangoy kami papasok. Sa isang natatagong kuweba kami napadpad.
" Grabe sobrang ganda dito" namamangha kong sabi habang inikot ikot ang tingin sa buong paligid.
" Ito ang isa sa sekretong kayamanan ng bayan ng Manangpula" sabi ni White bago umahon sa tubig. May nakikita akong maraming mga bato sa loob bawat bato ay may mga guhit.
Mukha isa yung makasaysayang guhit mula pa sa mas makalumang mga mamamayan. Tumigil si White sa harap ng isang malaking puno mas lalo akong namangha ng makita yun. Tumingala ko sa taas at nakita ang malaking butas kung saan tumatagos ang sikat ng araw. Kaya pala nagawa nitong mabuhay sa ganitong lugar.
" Deigo halika umakyat tayo may ipapakita ako" sabi niya bago nagsimulang umakyat sa puno.
" Sandali hindi ako marunong umakyat diyan" sigaw ko tumigil siya sa isang sanga ng punong kahoy at inilahad ang kanyang kamay.
" Halika alalayan kita" tinitigan ko muna ang kabuuan ng puno. Kapag nalalaglag kami siguradong mababalian kami ng mga buto dahil sa mga bato sa ilalim.
" Halika kana" sabi pa niya kaya pumayag na rin ako kahit na ayaw ko. Umakyat ako sa isang mataas na bato saka inabot ang kamay niya. Hindi naman pala ganoon kahirap yun akyatin.
Sa bawat paglipat namin sa mga sangga mas lalo akong kinakabahan. Medyo madulas ang mga paa ko kaya hindi ko na binibitawan ang kamay niya. Nang makarating kami sa taas isang nakakamanghang tanawin ang nagpalaki sa mga mata ko. Ito na yata ang pinakamataas na lugar sa bayan ng Manangpula. Tumalon si White sa sanga ng puno saka lumanding sa gilid ng isang bangin. Ito ang pinakaibabaw ng kweba tumalon din ako saka dumungaw sa ibaba.
" Diego huwag kang masyadong lumapit diyan" paalala niya sa akin. Sandali may bigla akong naalala ito ang lugar kung saan nagpakita sa akin si Jhon bago ako napunta sa panahong ito. Dito niya ako tinulak hinding hindi ko yun makakalimutan.
" Diego may problema ba?" Tanong niya ng makitang napatulala ako bigla. Umiling iling lang ako sa di malaman na dahilan nakaramdam ako ng matinding kaba o kilabot.
" White matagal na ba ang bangin na ito?"
" Oo naman naala ko pa dati dinadala ako ni Lolo dito " sabi niya na ikinagugulat ko.
" L-lolo pwede bang malaman kung ano ang pangalan niya?" Tanong ko ulit tumingin siya sa akin ng makahulugan.
" Pedro ang kanyang pangalan" tugon niya, mas lalo akong napaisip hindi naman Pedro ang pangalan ni Jhon, hindi naman sila magkamukha pambihira ang gulo.
" Mukhang mahalaga ang lugar na to sayo. Mayroon kana bang dinalang tao dito?" Tumango siya bilang tugon, naisip ko ang tao sa sulat niya.
" Ikaw ang pangalawang tao na dinala ko dito" dagdag pa niya tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang malawak na tanawin sa baba. Mula dito makikita ang karatig bayan.
" White isa ba yung mansion?" Tanong ko sabay turo ng malaking bahay isang kilometro ang distansiya mula sa bahay nila Kim.
" Yan ang mansiyon ni Ginoo'ng Yoon" sagot niya bago kumuha ng isang maliit na bato saka ihinagis sa baba.
" Para saan yan?" Taka kong tanong saka pinagmasdan ang kanyang inihagis.
" Ito ang ginagawa ko para mawala ang galit na nasa loob ko. Gayahin mo ang ginagawa ko" kumuha siya ng dalawang maliit na bato ibinigay niya sa akin ang isang piraso.
" Sa pagbilang ko ng tatlo sabay nating pakawalan ang hawak natin. Isa, dalawa, tatlo" sabay sabay naming hinagis ang bato sa baba.
" Tingin mo saan kaya yun pupunta?" Tanong ko na nakatingin sa ilalim.
" Hindi ko alam pero sa lupa lang yun babagsak" tugon niya nanatili kami ng ilang oras sa gilid ng bangin. Sa paglubog ng araw bumalik kami sa kubo para makipagkita kina Ginoo'ng Sebastian.
Isang epektibong plano ang kanilang naisip. Sa pag uusap namin nakita ko kung gaano nila yun pinaghandaan. Sa pagdilim ng paligid kumilos kami para isakatuparan ang nakapagkasunduang plano gamit ang mga kagamitan na mayroon sila, pinalibutan namin ng mga patibong ang paligid ng gubat. Kung saan nagtatago ang mga mamamayan. Naglagay kami ng mga bomba sa buong paligid, naghukay sa lupa saka tinakpan ng mga nakalalagas na mga dahon ng punong kahoy.
Hinati sa dalawang grupo ang iba ay nilagay sa likurang bahagi habang ang iba ay nasa unahan, sila ang lalaban sa mga taong susugod.
" Deigo saan mo gusto mong sumama?" Tanong ni Ginoo'ng Sebastian sa akin, si White ang nagsisilbing pinuno ng unang grupo hindi ko siya pwedeng pabayaang mag isa.
" Sasama ako sa grupo ni White" sagot ko binaling ko ang tingin sa kanya na kasalukuyang umiling iling. Hindi siya payag sa nagawa kong pasya.
" Ginoo'ng Hener isama mo si Diego sa pangalawang grupo" singgit ni White sumang ayon naman si Ginoo'ng Hener.
" Hindi sasama ako sa unang grupo yan ang pasya ko" pagtutol ko.
" Diego makinig ka alam mo ba kung gaano ka mapanganib ang gagawin natin ngayon?" Tumango ako biglang tugon.
" Mga kasama kaya niyo bang maipahamak ang isang Ginoo na mayroon pang magandang kinabukasan"
" Deigo makinig ka nalang sa kanya, ayaw naming may masamang mangyari sayo" pagsang -ayon ni Ginoo'ng Sebastian.
" P-pero.."
" Diego pakiusap sundin mo nalang ang pasya naming lahat" hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita tumango nalang ako at naglakad palabas.
" Deigo sandali" tawag ni White sa akin kaya tumigil ako sa paglalakad saka lumingon sa kanya.
" Alam kong galit siya ka sa akin pero sana maunawaan mo kung bakit ko yun ginawa" nakayuko niyang sabi lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.
" Mag iingat ka huwag mong hayaan na mayroong masamang mangyari sayo" bulong ko sa tainga niya bumagsak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang maging emosyonal lalong lalo na ang matakot.
May kinuha siyang isang singsing sa kanyang bulsa nilagay niya yun sa kamay ko.
" Para saan ito?" Tanong ko bago yun tiningnan
" Yan ang patunay na nangangako akong babalik ng buhay" nakangiti niyang sabi. Isa yung singsing na nagsilbing pangako niya. Pinunasan ko ang aking mga luha sa mukha saka ko yun sinuot.
" Matulog kana magandang gabi Diego" sabi pa niya saka ako hinalikan sa aking noo. Pumasok ako sa loob ng kubo habang siya nanatili sa labas para magbantay.
Binagsak ko ang katawan sa aking higaan. Nakatingala lang ako sa taas habang nag iisip ng mga bagay bagay. Hindi namin alam kung kailan sila susugod, maaring ngayon, mamaya, bukas, o sa susunod.
Sa pagsapit ng umaga panibagong laban ang kailangan naming ipanalo. At sa paglubog ng araw maaring yun na rin ang huling araw naming lahat tadhana ang magpapasya sa ganyang bagay.