Kabanata- 15

2134 Words
Scotty Pov. Isang magarang sasakyan ang dumating sa bayan ng Manangpula. Sakay nito si Ginoo'ng Tan isang mayamang negosyante na nakatira sa syudad. Mula sa kubo may narinig akong malakas na sigawan kaya lumabas ako para tingnan. " Diego bumalik sa loob" sabi ni White bago ako hinatid papasok sa kwarto. Lumingon ako sa labas at nakitang nakikipag- usap sa kanya si Ginoo'ng Sebatsian. " White ano ba ang ginagawa mo kailangan nating makinig sa kanila" sabi ko ng makapasok sa kami sa loob. Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi nang. " Ako na ang makikinig doon dito ka muna tatawagin nalang kita kapag kailangan namin ng tulong" " Okay" pagkatapos naming mag- usap lumabas siya ng kubo. Gumapang ako papunta sa sala saka sumilip kung ano ang mga nangyayari sa labas. Nang makarinig ako ang boses ni Ginoo'ng Tan biglang bumalik sa aking alaala ang mga nakita ko sa panaginip. Bumilis ang t***k ng puso ko habang patuloy na nanginginig ang aking katawan. Ilang sandali pa ay may narinig akong putok ng baril kaya napatakbo ako sa labas. " Diego" tawag ni White lumapit siya sa akin saka niyakap ako ng sobrang higpit. " Ayos ka lang ba bakit ka umiiyak?" Itinaas ko ang kamay saka pinunasan ang mga luha sa umaagos sa aking mga mata. Nabaling ang tingin ko kay Ginoo'ng Tan na kasalukuyang nakatingin sa akin. Tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko ng makita ang mala demonyo niyang tingin. "Gomen'nasai, anata o osorete imasu, omo yo " " White ayos lang ako" sabi ko bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Naglakad ako papalapit kay Ginoo'ng Tan. "Anata ga kekkon suru koto o keikaku shite irunara,-saki ni susumanaide kudasai" seryoso kong sabi na nakatingin sa mga mata niya. "Watashi wa anata no yūki ga sukidesu" natatawa niyang sabi. Kinuyom ko ang aking mga kamao habang nagpipigil ng galit. Tiningnan niya lang ako na may halong pagbabanta kaya tinapunan ko rin siya ng matalim na tingin. Hindi ako magpapatalo sa kahit sino at wala sa vocabulary ko ang salitang yun, lalong lalo nasa taong katulad niya. "Omo yo, anata wa watashi o tomeru tame ni nani o shimasu ka?" "Tashika ni watashi ni nanigadekiruka wakaranai" sabi ko na may pagdidiin kung nasa kasalukuyan lang kami ngayon nasa tamang kalalagyan na siya ngayon. "Naze anata wa nani ga dekiru nodesu ka?" Tanong niya na may halong pagbabanta. "Yatte mimasen ka" mabilis akong napailag ng bigla niya akong suntukin. Hinahamon niya talaga ako hindi sa pagmamalaki pero isa akong kampeon sa larangan ng martial arts. Dinampot ko ang kamay niya saka binalibag. Sumigaw siya ng malakas dahil sa sakit kumilos ang mga tauhan niya lahat sila bumunot ng baril saka itinutok yun sa akin. " Ibaba niyo yan" sigaw ni Ginoo'ng Tan binitawan ko naman siya agad. Inalalayan siya ng kanyang mga tauhan para tumayo. "Anata wa hontōni omoshiroidesu, koreha watashitachi no saigo no kaigide wa arimasen" sabi niya bago sila umalis " Mabuhay si Diego.. mabuhay" sigaw ng mga tao sa pag alis nila. Hinatak ako ni White pabalik ng kubo nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya. Sa aking palagay hindi siya natuwa sa ginagawa ko kanina. " Deigo diba sinabi ko na sayo na huwag kang lumabas" kunot noo niyang sabi. " Paumanhin nagulat lang ako ng marinig ko ang putok ng baril" sagot ko bago umiwas ng tingin sa kanya. " Huwag mo ng uulitin yun tinakot mo ako ng sobra" tumango naman ako para siyang iiyak habang sinasabi niya yun. " Okay pero hindi ako mangangako susubukan ko nalang iwasan si Ginoo'ng Tan" Ngumiti siya bago ako ulit niyakap aba't nakakatakot na ang lalaking to pero hindi maitatanggi nawawala ang takot ko sa isang yakap niya lang. Pagkatapos ng eksena kay Ginoo'ng Tan bumalik ako sa pagtuturo. " Teacher natutuwa akong makita ka ulit" sabi ni Jaylo bago ako niyakap. " Natutuwa din ako na maipagpatuloy ang aking pagtuturo sa inyo. Siya nga pala kamusta si Tata?" Tanong ko mga ilang araw naring hindi namin naaalagaan si Tata. " Huwag kayong mag alala ang mga magulang ko ang nag-aalaga sa kanya pansamantala" sagot nito bago naglakad patungo sa upuan niya. Si Aryan at Jose ang sumunod na dumating may dala silang supot na may lamang pagkain. " Teacher ipinabibigay yan ni Ama at Ina" sabi ni Aryan bago inabot sa akin ang supot. " Pakisabi sa kanila na maraming salamat" sabi ko, umupo sila sa kanilang upuan habang hinihintay namin ang pagdating nina Kim at Lessel. " Teacher paumanhin nahuli ako" bungad ni Lessel ng makapasok siya sa kubo. Si Kim nalang ang hindi pa dumadating. " Deigo" nakita ko ang pagpasok ni Ginang Merlenda at hindi niya kasama si Kim. " Ginang nasaan si Kim?" Tanong ko habang papalapit sa kanya nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak. " Deigo si Kim" nakayuko niyang sabi "Ano po ang nangyari?" " Kinuha na siya ng kanyang mga magulang dahil sa mga nangyari nang nakaraang araw" paliwanag niya sabay punas ng kanyang mga luha. " Ginusto ba ni Kim na sumama sa kanila?" Umiling iling siya bilang sagot. " Ayaw niyang sumama sa kanila dahil mas masaya siya dito. Pero wala akong nagawa para pigilan silang kunin siya" mas lalo pa siyang humagolhol sa pag -iyak napatingin ako sa pwesto ng mga bata ng marinig ang kani kanilang hikbi. " Ginang Merlenda tumahan na po kayo" sabi ko bago hinaplos haplos ang kanyang likod. " Diego paumanhin pero hindi ko talaga mapigilan ang pag iyak" " Teacher talaga bang hindi na babalik dito si Kim dahil kinuha na siya ng kanyang mga magulang" sabi ni Jose na may namumuong luha sa mga mata niya. " Huwag niyong isipin yun baka bukas bumalik siya o di kaya sa susunod na linggo " nakangiti kong sabi para lang hindi sila malungkot. " Teacher talaga bang babalik pa siya?" Tanong ni Aryan tinitigan ko ang mga mata niya alam ko ang ganyang ekspresyon umaasa siyang babalik pa si Kim. " Paumanhin pero hindi ko din alam kung babalik pa siya" sabi ko kahit na alam kong nasasaktan sila. Gaya ng inaasahan isa isa silang umiyak habang nakasandal ang ulo sa lamesa. " Teacher ayaw ko nang mag- aral kapag hindi bumalik si Kim" sabi naman ni Jaylo na patuloy sa paghagolhol. " Ako din po" pag sang ayon naman ni Aryan at Lessel bigla akong nataranta hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. " Deigo paumanhin hindi ko alam na ganito ang kalalabasan ng pagpunta ko dito" nakayukong sabi ni Ginang Merlenda. " Huwag niyong isipin yun maraming salamat sa pagpapaalam sa akin" tumango tango naman siya bago nagpaalam na umalis. " Anong nangyayari dito?" Bigla akong nabuhayan ng marinig ang boses ni Ginoo'ng Sebastian. Napakamot ako ng ulo habang nag iisip ng kung ano ang pwede kong gawin para tumigil sila sa pag iiyak. " Ginoo'ng Sebastian umalis kasi si Kim kinuha na ng magulang niya kaya sila umiiyak ng ganyan. Ayaw na nilang mag aral ngayon" ngumiti lang siya bago humarap sa mga bata. " Sinong gusto maglaro ng lukso- tinik?" Masiglang tanong ni Ginoo'ng Sebastian. Bigla silang nagtaas ng mga kamay habang nakangiti. Sobrang bilis nagbago ang kanilang mga ekspresyon sa mukha nila. " Okay ngayon lumabas na kayo maglalaro tayo" mabilis pa sa alas kwarto ang pag alis nilang apat. Kumindat si Ginoo'ng Sebatsian bago tinapik ang aking balikat. " Huwag mong isipin ang mga bata naging emosyonal lang sila. Maniwala ka bukas magiging maayos din ang lahat" sabi niya bago sumunod sa kanila sa labas ng kubo. Nanatili lang ako sa loob at pinanood sila na masayang naglalaro. Kinabuksan Napatigil kami ni White sa pagkain ng almusal humahangos na pumasok si Ginoo'ng Ronaldo sa loob ng kubo. " Deigo, white, halika kayo sa labas mayroon tayong bisita" sabi niya habang naghahabol parin ng hininga. Nagtinginan kami ni White bago lumabas ng kubo. Gaya ng inaasahan namin bumalik si Ginoo'ng Tan pero may kasama na siyang isang tao nakasuot din ito ng magarang kasuotan. Basi sa itsura niya galing siya sa bansang korea. " Maligayang araw Deigo kasama ko ngayon si Ginoo'ng Yoon. Siya ang kasosyo ko sa negosiyo at isa sa mga nagmamay ari sa bayan ng Manangpula" " Mayroon ba kayong patunay?" Tanong ko habang nakatayo sa harap nila. "Oo naman, mayroon ito" sabi ni Ginoo'ng Yoon bago inabot ang mga papeles nakakapagsalita rin pala siya ng wikang tagalog. Kinuha ko yun saka sinuri kong totoo ba yun o peke. " Ginoo'ng Yoon tingin mo ba maloloko mo ako gamit ang pekeng dokumento na ibinigay mo" ibinalik ko yun sa kanya, ginagalit talaga ako ng mga taong ito. " Ano ba ang dahilan kung bakit gusto niyong makuha ang bayan na ito. Mayroon bang nakatago na kayamanan dito?" Tanong ko habang nakalagay ang kamay sa aking baba. Nagtinginan naman silang dalawa at sabay tumawa. " Tama ka Ginoo'ng Tan talagang nakakatuwa si Deigo" sabi ni Ginoo'ng Yoon habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong napatago sa likod ni White. Palagay ko tumatagos ang bawat tingin niya. He is creppy. Naglakad papalapit sa akin si Ginoo'ng Yoon tinitigan niya ng maigi ang mukha at katawan ko. Kung makatingin para siyang maninila na kakainin ang kanyang biktima. "Napakaganda mong Ginoo" sabi niya saka itinaas ang kanyang kamay. Hahawakan na niya sana ang kamay ko pero pinigilan siya ni White. " Huwag mo siyang hahawakan" sabi ni White bago ako tinago sa kanyang likod. Umiling iling lang si Ginoo'ng Yoon bago umatras. " Kumalma ka hindi ko siya sasaktan" isa siyang koreano pero matatas siya sa pagsalita ng tagalog. " Binabalaan kita sa susunod na hahawakan mo siya malalagot ka sa akin" sabi ni White na may pagbabanta. Nagpaligsahan sila sa pagtitigan bago paman may mangyaring gulo hinila ko si White palayo sa kanya. " Ang lugar na ito ay puno ng nakakamanghang mga tao. Ito ang tandaan niyong lahat sa susunod na araw babalik kami at dapat wala na kayo sa lugar na ito" paalala ni Ginoo'ng Tan. " Paano kong hindi kami umalis?" Kinakabahan kong tanong dahil sa namumuong tensiyon. " Min'na koroshimasu" sagot niya matapos kong marinig yun naalala ko ang gabing yun. " Deigo ayos ka lang ba?" Tanong ni White bigla akong napaupo pakiramdam ko nawala lahat ng aking lakas. Napahawak ako sa dibdib at nahihirapang huminga. Bigla nalang dumilim ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay. Sa paggising ko nakahiga na ako katabi si White. Dahan dahan akong bumangon saka tinitigan ang mukha niya na mahimbing natutulog. Para akong maiiyak habang nakatingin sa kanya hindi ko kakayanin kapag mayroong masamang nangyari sa kanya. " Deigo gising kana pala kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sabay minulat ang kanyang mga mata umiwas ako ng tingin bago siya sinagot. " Ayos lang ako maraming salamat sa pagdala sa akin dito" mahina kong sabi. " White mayroon akong itatanong" tumingin ako sa kanya ng seryoso habang sinasabi yun. " Ano yun? " " Anong mayroon sa bayan ng Manangpula bakit gusto nila itong angkinin?" Nagtataka kong tanong gusto ko kung makahanap ng sagot para mas maging malinaw ang lahat. " Ang bayan na ito ay pinagkukunan ng mga langis. Maraming mayayamang negosyante ang gustong bumili nito ngunit hindi ipinagbibili ng mga tao ang kanilang lupain" sagot niya ngayon alam ko na kung bakit ganoon nalang nila kagusto itong makuha. " White nagbanta sila na papatayin lahat ng tao dito kapag hindi tayo umalis" sabi ko para mabalaan niya ang mga tao dito. " Alam namin yun pero hindi kami susuko. Saka walang ibang pupuntahan ang mga tao dito" Hindi ko maiwasang matakot sa mga nakita ko sa aking panaginip. Dalangin ko na sana hindi yun magkatotoo. Ang sabi ni Jhon nakasalalay sa akin kung mangyayari yun o hindi. Ano nga ba ang maari kong gawin sobrang naguguluhan na ako kunti tulak nalang talaga tuluyan na akong mababaliw sa kakaisip ng mga bagay bagay. " Diego huwag kang mag alala magiging maayos din ang lahat" walang pag- alinlangan niyang sabi. Tumango lang ako kahit na hindi mawala sa isip ko ang matinding pag alala. Sa paglubog ng araw nilikas ang mga tao sa gitna ng gubat yun ang nagsisilbing pinagtataguan namin. Sumama ako sa kanila ni White mayroon silang hinukay na lumang kahon sa lupa. May mga laman yung armas at granada. Kumuha ako ng isang baril muntik ko ng mabitawan yun dahil sa sobrang bigat mabuti nalang nahawakan ni White ang kamay ko. " Mga kasama bukas magsisimula ang matinding laban. Karapat dapat na pinaglaban natin ang ating mga karapatan hanggang kamatayan" sigaw ni White bawat salita niya ay puno ng panindigan na hindi kailanman matitinag. " Hanggang kamatayan" sabay sabay nilang sigaw habang nakataas ang kanilang mga baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD