Kabanata-14

2114 Words
Scotty Pov. 12: 00 pm Nagising ako ng makarinig ng sunod sunod na putok ng baril. Bumangon ako sa higaan saka lumabas ng kwarto, nakita ko si White sa sala may kinuha siyang isang baril bago tumakbo palabas ng kubo. " White sandali hintayin mo ako" sigaw ko pero tila wala siyang narinig. Sumunod ako sa kanya tumambad sa aking paningin ang mga taong nagkakagulo. Nasusunog ang mga kubo at mayroong nagbabarilan sa di kalayuan. " Ano ba ang nangyayari dito?" Tanong ko sa sarili bago inikot ikot ko ang tingin sa paligid. Nahagip ng aking mga mata si Jaylo nakatago siya sa ilalim ng bahay ni Ginoo'ng Sebastian. " Jaylo lumayo ka diyan nasusunog ang bahay" katulad rin ni White parang hindi niya ako naririnig. Wala akong nagawa kung di lapitan siya. Hinawakan ko ang braso niya pero tumatagos lang ang kamay ko. Biglang sumabog ang buong bahay ni Ginoo'ng Sebastian kitang kita ng dalawa kung mata ang paglamon ng apoy sa katawan ni Jaylo. Hindi ako tinablan ng apoy pero naramdaman ko ang kung gaano nakakapaso ang apoy. " Ja- Jaylo " sigaw ko habang umiiyak " Ama " napalingon ako ng marinig ang boses ni Aryan. " Aryan saan ka pupunta?" Napatayo ako bigla at sinundan kong saan siya pupunta. " Aryan tumigil ka masyadong mapanganib" gaya ng iba hindi niya rin ako naririnig. Ilang sandali pa bumulagta nalang siya sa lupa. " Aryan" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. Tiningnan ko kung saan siya tinamaan mayroong lumalabas na dugo sa bandang dibdib niya. Hinawakan ko ang pulso niya at tumigil na ito sa pagpintig. Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol habang yakap na yakap ang katawan niya. " Anong nangyari Jhon tumulong mo sila" sigaw ko pero hindi siya nagpakita. Iniwan ko ang katawan niya at bumalik para hanapin si White. Maraming mga bangkay na nakahandusay , ang lupa ay nabahiran ng mga dugo ng innosenteng mamamayan ng Manangpula, wala akong nagawa para tulungan sila. " Ginoo'ng Sebatsian napapalibutan na tayo "may narinig ulit akong sigaw agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses. Mula sa malawak na palayan naaninag ko ang mga tao. Naglakad ako sa papalapit sa kanila tinahak ko ang palayan, nang makalapit ako nakita ko sina Ginoo'ng Sebastian at Ginoo'ng Ronaldo kasama pa ang iba. Niyakap ni Ginoo'ng Hener si Ginoo'ng Ronaldo, tumatangis ito habang hawak ang isang baril. " Pinapatay nila ang aking asawa at mga anak" sabi niya na may kasamang paghikbi makikita ang galit sa mga mukha nila. " Alam kong masamang pumatay pero wala na tayong magagawa pa kailangan nating lumaban" sabi ni Ginoo'ng Hener kasabay ng pagkasa ng kanyang hawak na baril. Nabaling ang attensiyon ko kay White tahimik lang siya habang nakatungo. Hindi ko alam kung natatakot ba siya o nalulungkot mayroon siyang isang papel na kinuha sa kanyang bulsa. Lumapit ako sa kanya para tingnan ang nakasulat. Senhorita Shane eu te amo muito. Não sei se vou viver depois disso. Mas eu quero que você saiba que eu te amo muito. armores, branco Hindi ko alam ang ibig sabihin ng sulat kaya may kung anong tumutulak sa akin na alamin ang mensahe sa sulat. " Mga kasama halina kayo hanggang kamatayan ipaglalaban natin ang ating lupain" sigaw ni Ginoo'ng Alfredo Sabay sabay silang sumigaw pagkatapos tumakbo at sumugod. " White sandali huwag kang sumama" sabi ko pero patuloy lang siya sa pagtakbo sinundan ko kung saan sila pumunta. May nakita akong ang mga tauhan ni Ginoo'ng Tan walang habas nilang sinisira ang mga gamit. Sinunog nila ang mga bahay na hindi natupok ng apoy at higit sa lahat pinapatay nila ang mga mamayanan ng Manangpula babae, bata o matanda wala silang awa. Maaamoy ang mga dugo sa lupa, maririnig ang mga hikbi ng mga nawalan ng mahal sa buhay. Mga hiyawan ng mga taong lumalaban para sa kanilang karapatan. Halos madurog ang puso ko habang tinitigan ang mga tao na nakahandusay sa lupa. " Tumigil na kayo" sigaw ni White bago binaril ang mga kalaban. Habang nakatayo siya kaharap nila hindi ko maiwasang kabahan. Baka mamatay din siya katulad ng iba. " White umilag ka" may isang kabalan na lumitaw sa likod niya mabuti nalang natamaan yun ni Ginoo'ng Ronaldo bago pa siya barilin. Napasigaw ako ng bumulagta si Ginoo'ng Hener natamaan siya sa tagiliran. Tumakbo naman si Ginoo'ng Sebastian para iligtas siya inakay niya ito patago sa likod ng mangga. " Shiagetai mono o oshietekudasai" sigaw ng isang hapones " Ang sabi ni Ginoo'ng Tan ibigay niyo nalang ang gusto namin para matapos na ito" pagpaliwanag ng tauhan niya. " Masyado nang huli ang lahat marami na kayong pinatay sa mga kasamahan namin. Lalong lalo na ang aking mag ina" sagot ni Ginoo'ng Ronaldo. " Kung yan ang gusto niyo wala na kaming magagawa. Lumabas kayo sa ipinagtataguan niyong lugar para matapos na to" lumabas ang mga tauhan ni Ginoo'ng Tan kaya ganoon din ang ginawa nila. " Anong ginagawa ninyo bumalik kayo" sigaw ko ng paulit ulit pero hindi yun nila maririnig. May nakita akong ibang kalalakihan na nakatago sa di kalayuan. Masama ang kutob ko dito pinalabas nila sila para mapatay. Mayroong mga iba pang kalaban sa palagid napapalibutan sila ngayon. Tumawa ng malakas si Ginoo'ng Tan bago lumabas sa pinagtataguan niya. "Watashi wa anata no yūki ni kanshin shimasu, anata ga koko de shinu no wa zan'nendesu" nakangiting sabi ni Ginoo'ng Tan kasabay nang sunod sunod na putok ng baril. " Magtago kayo" sigaw ko pero huli na ang lahat marami na sa kanila ang natamaan. Tumakbo ako para kamustahin ang lagay ni White nag uumapaw ang naramdaman kong takot ng makita ang sugat niya sa kanyang balikat. Mayroon na ring dugo na lumalabas sa kanyang bibig. Tumigil sa pagpapaputok ang mga kalaban at unti unting umuusad papalapit sa pwesto nila. Sa pangalawang pagkakataon hinawakan ko ang braso ni White para alalayan siyang makatayo pero gaya ng nangyari kay Jaylo lumusot lang ang kamay ko. Hindi ko siyang nagawang matulungan. Bumagsak ang mga luha ko sa mga mata habang pinagmamasdan ang kalagayan nilang lahat. Sobrang sakit na wala akong nagawa para matulungan sila. " Binalaan ko na kayo pero hindi kayo nakinig" sabi ng isang Ginoo habang nakatuon ang baril sa kanila. Lumapit si Ginoo'ng Tan at isa isa silang tinadyakan. Inalalayan sila ng kanyang mga tauhan saka sinaktan. Bawat suntok na natatanggap nila nararamdaman ko ang sakit. Wala silang puso at kaluluwa. " Sumpain sana kayo" sigaw ni Ginoo'ng Sebastian "Sayōnara haisha" sabi ni Ginoo'ng Tan pinikit ko ang aking mga mata ng isa isa silang binabaril. Hindi ko kayang manood hindi kakayanin ng puso ko. Bumalik sa aking alala ang sakit nang panahon na namatay si Lolo. Itinuturing ko na silang pamilya kaya isang bangungot para sa akin ang mga nangyayari ngayon. Nang matiyak ng mga kalaban na wala na silang buhay agad nilang nilisan ang lugar. Dahan dahan kong tinitigan ang duguan na katawan ni White. Marami siyang tama ng bala, maraming dugo ang lumalabas sa katawan niya. " White I'm sorry I failed to protect you " sabi ko bago siya niyakap. Tumigil na sa pagtibok ang kanyang puso. He is dead... He is really dead!!!. Isang malakas na kuloy at kidlat ang aking narinig kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan. Diniligan ng langit ang lupa na mabahiran ng dugo dulot nang labanan na naganap. Sa bawat pagpatak ng ulan umaagos ang mga luha sa mga mata ko. " White... White.." sigaw ko sobrang bilis ng mga pangyayari kung pananginip man ito nagmamakaawa ako tulungan niyo akong magising. " Scotty" napalingon ako ng marinig ang boses ni Jhon nakita ko siyang nakatungo sa likuran ko habang hawak ang isang payong. " Bakit ngayon ka lang? Ilang beses na kitang tinawag pero hindi ka sumasagot. Alam mo ba kung anong mga nangyari namatay silang lahat at wala akong nagawa para iligtas sila" sambit ko ito na ang pinakamasakit na naranasan ko mula pagkabata. " Huwag mong sisihin ang sarili mo di natin mapipigilan ang mga nakatakdang mangyari" tugon niya lumapit siya sa kin saka hinawakan ang balikat ko. " Kahit na wala parin akong nagawa. Alam mo sobrang nasaktan ako ng mawala sa akin si Lolo hindi pa naghihilom ang sakit na nararamdaman ko tapos nangyari pa ito baka hindi ko na kakayanin pa ang mabuhay" pakiramdam ko para akong binagsakan ng langit sa mga nangyari. " Huwag ka ng umiyak magiging maayos din ang lahat" tumayo ako at humarap sa kanya. Palibhasa hindi niya nararamdaman ang samot saring damdamin na nasa loob ko. " Sabihin mo nga kung paano maging maayos ang lahat o kung maayos ba pa? Sigaw ko dahil sa galit isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mukha niya bago nito itinaas ang kanan niyang kamay. Sa isang iglap nakaramdam ako ng antok kusang pumikit ang mga mata ko. Nagising nalang ako sa isang madilim na lugar, wala akong nakikita na kahit anong ilaw mula. "May tao ba dito pakiusap tulungan niyo ako" " Deigo... Diego... Deigo.." may narinig akong boses sa di kalayuan kaya tumakbo ako at hinanap ang boses. " Nandito, pakiusap tulungan mo ako" sabi ko habang patuloy parin sa pagtakbo. " Diego" narinig ko ulit ang boses ngayon mas lalo itong lumalayo. " Na saan ka?" Sigaw ko " Deigo" tumakbo pa ako ng ilang minuto bigla akong napahinto ng makita ang isang pinto sa di kalayuan. Bahagyang yung nakabukas at may ilaw akong nakikita. Tumakbo ako saka binuksan ang pinto.. " Deigo ayos ka lang ba?" Nakita ko si White na nakatayo sa harap ko. Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid bago sinampal ang sarili kong mukha. Umupo siya sa tabi ko saka ako hinawakan sa mukha. " Bakit ka umiiyak?" Tanong niya hindi ko namalayan na mayroong umaagos na luha sa mga mata ko. " Wala sobrang sama lang ng panaginip ko maari ba kitang yakapin?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. " Oo naman halika" lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang nagpasalamat ako dahil isa lang yung panaginip pero parang totoo. " Diego ano ba ang nangyayari sayo bakit ka nanginginig?" Tanong niya habang yakap yakap ko siya naririnig ko kung gaano kalakas ang t***k ng puso niya. " Huwag mong pansinin yun" " Mabuti pang magpahinga ka muna sasabihan ko na nalang ang mga bata" sabi niya na saka bumitaw ng pagkakayakap sa akin. " Maraming salamat" bumalik ako sa pagkakahiga hinawakan ko ang kanang kamay niya bago siya umalis. " Pwede bang bumalik ka agad" sabi ko ginulo gulo niya ang buhok ko bago tumango. Nang makalabas siya pinikit ko ulit ang aking mga mata nakakaramdam ako ng matinding pagod ngayon. " Deigo halika kailangan mong kumain ng almusal" " Nakabalik kana pala anong sabi ng mga bata?" Tanong ko bago bumangon. " Nag aalala sila sayo gusto pa sana nilang pumunta dito pero sinabi ko na kailangan mong magpahinga" Sabay kaming lumabas at dumeretso sa kusina. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa kumuha siya ng plato saka nilagyan ng kanin at ulam bago binigay sa akin. " Mukhang masarap to" sabi ko bago sumubo ng pagkain pagkatapos ng ilang minuto tumayo na ako sa lamesa wala akong ganang kumain. " Deigo ubusin mo ang pagkain" sabi niya umiling iling lang ako dahil hindi ko na kayang lumunok ng pagkain. " Gusto ko ng magpahinga ulit" tumayo siya at hinawakan ang braso ko. " Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong dahil hindi pa siya tapos kumain. " Ihahatid kita sa loob" sagot niya pinabalik ko siya sa pagkakaupo dahil kaya ko pa namang maglakad mag- isa. Pero nagmatigas siya kaya wala na akong nagawa pa kung di hayaan siyang ihatid ako. Pagkatapos kong humiga bumalik siya sa kusina para ipagpatuloy ang pagkain ng almusal. Bigla naman akong napausod ng sumulpot si Jhon sa tabi ko. " Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya tinapunan ko siya ng matalim na tingin. " Pwede bang huwag kang magpapakita ng pabigla bigla" saway ko sa kanya pakiramdam ko magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sa kanya. " I'm sorry gusto lang kamustahin ka yun lang" " Huwag kang mag alala ayos lang ako" "Anong masasabi mo sa mga nakita mong pangyayari sa bayan ng Manangpula?" Bigla siyang naglaho sa tabi ko at tumayo malapit sa pintuan nakatangin lang siya sa isang lumang litrato na nakasabit sa dingding. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa tuwing magpapakita siya may nangyayaring kakaiba. " Jhon magsabi ka nga ng totoo mangyayari ba yun?" Kinakabahan kong tanong lumingon siya sa akin saka ngumiti. " Hmm... Ang lahat ng mangyayari ay nakasalalay sayo" makahulugan niyang sabi bago naglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD