Chapter 6

1483 Words
Buong akala ni Hydra ay hindi na siya kukulitin ni Kiel dahil tinanggihan na niya ito pero nagulat siya ng kinabukasan pagkatapos nilang mag-usap ay may nakapatong na isang balot ng paborito niyang polvoron sa ibabaw na kanyang upuan. Inilibot niya ang paningin sa loob ng classroom nila upang hanapin ang taong naglagay nito ngunit wala siyang makita bukod sa mga kaklase nilang busy sa kwentuhan. Itinabi niya na lamang ito at nag isip kung saan at kanino galing kaya naman buong klase ay wala siya sa focus. “Friend, lutang ka ata the whole class”? tanong ni Athena “Ahm, ano kasi…” hindi matuloy naman ni Hydra ang nais sabihin “Dahil ba doon sa polvoron?” muling tanong nito “OO eh, nakakakilabot kasi” tugon naman niya “Anong nakakakilabot kakilig kaya, alam mo ba pangarap ko na isang araw pag pasok ko may rose sa table ko o kaya naman chocolate” kinikilig na usul naman ni Athena “Oh sayo na kung gusto mo, ayoko kumain niyan sabi ni mama masama daw kumain ng pagkain na galing sa hindi mo kilala lalo na kapag lalaki” salunggat niya dito “Ano ka ba. Bigay to noh, kaya hindi ko ito tatanggihan. Thanks sana bukas meron ulit” sabi naman nito sabay kuha ng polvoron sa kamay niya Maging sa pag-uwi niya ng bahay ay laman parin ng isip niya ang mysterious entity na nagbigay ng polvoron. Maaga siyang pumasok ng sumunod na araw upang abangan kung mayroong mag iiwan ng polvoron sa mesa niya ngunit wala siyang nakitang naglagay. Iwinaglit niya na lamang sa isipan at inisip na baka nagkamali lang. Ngunit laking gulat niya ng sumunod na linggo mayroon na namang pagkain na isa sa paborito niya iba na ito hindi na polvoron kaya naman kinilabutan na siya dahil wala namang ibang nakakaalam ng mga favorite things and food niya except sa family niya at matalik na kaibigang si Athena. Nagtuloy-tuloy pa ito ng mga sumunod na linggo, kaya naman kinausap na niya si Athena dahil nababahala na siya dahil nagmumukha na itong stalker. “Athena, nakakatakot na siya ha” hindi mapakaling sumbong ni Hydra sa kaibigan “Kaya nga friend, nung una natutuwa pa ako kasi every week may foods ako pero habang tumatagal parang kinikilabutan na ako kay mysterious entity.” Sagot naman nito sa kanya Kaya naman ng sumapit ang Friday nagpaiwan sila ng classroom, inantay nilang makauwi ang lahat at nag iwan sila ng sulat sa desk niya. Dear Mysterious Entity, Kung sino kaman magpakilala ka na o kaya itigil mo na itong ginagawa mo nakakatakot ka na. From: May-ari ng desk na ito Agad na lumabas sila Athena at Hydra, hindi nila alintana na kanina pa sila pinapanood ni Kiel na nasa may gilid ng classroom nila. Ng masigurong nakaalis na ang dalawang babae kinuha niya ang sulat at binasa. Maaaninag sa mukha ni Kiel ang lungkot dahil hindi iyon ang inaasahan niyang reaction mula kay Hydra sa pangalawang pagkakataon nabigo na naman siya dahil sa halip na matuwa ay natakot pa tuloy ito. Kaya naman ng nagdesisyon siya itigil na ang ginagawa na ikinapanatag naman ng loob ni Hydra ng pagpasok niya ng lunes ay wala siyang nadatnang kahit anong bagay sa desk niya. Ilang araw pa ang lumipas at unti unti na ring bumabalik ang closeness nilang dalawa ni Kiel tila nawawala na ang awkwardness nila sa isa’t isa kapag nagkakasalubong na labis namang ikinatuwa ni Kiel dahil comfortable na ulit sa kanya si Hydra. They became study buddy. Sa kabila nito mas lumaki pa ang pagmamahal niya sa babae habang nakikilala ito ng lubusin ganoon din si Hydra pakiramdam niya safe siya kapag kasama si Kiel at walang oras na hindi siya nito napapatawa sa mga corny nitong jokes na bentang-benta naman sa kanya. Minsan nga naiinis na sa kanila si Athena dahil nagmumukha na siyang thirdwheel ng dalawa. “Excuse me people, baka lang naman nakakalimutan niyo kasama niyo kaya ako noh” kunwaring nagtatampo na saad nito kay Kiel at Hydra “Ay, sorry akala naming wala ka eh. Hahaha” pang-aasar naman ni Hydra sa kaibigan “So ano na nga saan tayo magririeview this weekend ha?” tanong nito sa kanila “Sa bahay nalang namin kasi tiyak hindi ako papayagang umalis ng bahay kapag sabado’t linggo alam mo naman strikto sila papa” presenta ni Hydra “Ay, bongga gusto ko yan para naman makalanghap ako ng fresh air sa bukid niyo girl. So ano G ka Kiel?” baling naman nito kay Kiel “Sige ba. Pero teka hindi ba nagagalit ang papa mo kapag may pumunta sa inyong lalaki” kinakabahang tanong naman ni Kiel sa kay Hydra kaya naman napabunghalit ng tawa si Athena “HAHAHAHAHAHA” malakas na tawa ni Athena na may kasama pang hampas at hawak sa tiyan nito, sabay naman nabaling ang tingin ng dalawa sa kaibigan na tila mahihimatay na sa kakatawa “Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong naman ni Kiel “Kasi naman po Mr. Sarmiento yung tanong mo para kang aakyat ng ligaw haha” nakangising sagot ni Athena habang pinipigilan ang matawa na naman “At saka si Tito hindi nagagalit iyon” paniniguro naman nito kay Kiel “Talaga buti naman” tugon ni Kiel na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan “Pero nanghahabol ng utak OO” pananakot ni Athena muli na nagpawala na kulay sa mukha ni Kiel na animoy nakakita ng multo “HA! Totoo ba?” namumutlang tanong naman ni Kiel sabay lingon kay Hydra “Tigilan mo nga yang pananakot mo Athena. Mabait si papa huwag kang mag-alala tsaka magri-review lang naman tayo” paniniguro niya sa lalaki “HAHA! Laughtrip yung mukha mo Kiel” pang-aasar ni Athena kay Kiel na hindi na tinigilan hanggang uwian kaya naman the whole class ay busangot ang mukha ng lalaki. “Oh sige na bye sa inyong dalawa sasakay na ako ng tricycle tsaka bukas ko ipapaalam kung pumayag sila mama na doon tayo sa bahay mag review. Ipapaalam ko muna para di naman sila mabigla pag duamting kayo. Lalo na ikaw Athena na tuwing papasyal sa bukid parang lagging maglalayas dahil sa laki ng bag na dala mo at puro pa snacks na kala mo buong barangay namin yung pakakainin mo” paalam niya sa dalawang kaibigan at sumakay na ng tricycle para makauwi na. Tahimik na kumakain ang pamilya nila Hydra sa hapag ng kanilang bahay na gawa naman sa kahoy at anahaw. Iyon na ang pagkakataon niya para mag paalam sa mga magulang para sa pagri-review nilang tatlo. “Pa, Ma sa susunod na linggo na pala yung exam namin sa first sem” paalala niya sa mga magulang na hindi naman kumibo bagkus tiningnan lamang siya “Magpapalam po sana ako na kung pwede kaming magreview nila Athena dito sa bahay natin” pagpapaalam niya dito “OO naman, madalas naman nandito yan si Athena satin at kampante na kami ng papa mo sa kanya dahil mabait at matinong bata naman siya” pagpayag naman ng mama niya na ang akala silang dalawa lang ni Athena. “Nila Athena? Sino pa ang iba?” tanong naman ng kaniyang ama “May bago po kasi kaming classmate na kakatransfer lang last year at naging kaibigan na namin siya ni Athena kaya isasama rin naman sa review” sagot naman niya “Sino yun at parang hindi mo naman nababanggit na may kaibigan ka pang iba bukod kay Athena” usisa naman ng ina niya “Si Kiel po” tugon niya naman “Lalaki?” baling ng ama sa kanya “Opo, pero mabait po siya at magalang naman” kumbinsi niya sa ama “Diba sinabihan ka namin na huwag makikipag lapit sa lalaki baka mamaya niyan malaman nalang namin nagbo-boyfriend boyfriend ka na tulad ng ibang mga kaedaran mo” pangangangaral ng ama sa kanya “Hindi naman po. Mag-kaibigan lang po talaga kami tsaka wala pa po sa isip ko yung magbo-boyfriend” paniniguro niya sa ama Palibhasa nag-iisang anak at babae pa kaya ganoon na lamang paghigpitan ng mga magulang dahil natatakot ang mga ito na mapabarkada siya at mapariwara at makapag -asawa ng maaga. Ayaw ng mga ito na maghirap siya sa hinaharap dahil hindi biro ang buhay sa bukid. Marangal nga itong pamumuhay at masayang manirahan sa bukid pero kakarampot lamang ang kinikita ng kanyang ama sa pagsasaka kaya hindi nila naipaparanas dito ang maalwang pamumuhay. Ng gabing iyon ay pilit niyang kinumbinsi ang mga magulang kaya naman kalaunan ay pumayag na ito sa isang kundisyon na babantayan sila ng kanyang ina at hindi ito sasama sa pagtatanim ng palay sa palayan. Kaya naman pagkapasok palang ni Hydra sa classroom ay masaya niyang ibinalita sa dalawa ang pagpayag ng mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD