Chapter 5

1044 Words
Dumaan ang isang linggo ay iniiwasan pa rin niya si Kiel lumipat din siya ng upuan sa may likuran dahil nasa unahan ang dati niyang upuan na katabi ni Kiel. Napansin naman ito ni Kiel lalo na at isang beses ay nagmamadaling umuwi si Hydra hindi na nga nito nagawang magpaalam kay Athena dahil kausap niya ito. Hindi niya maintindihan kung ano ang problema nito, wala ring sinasabi si Athena kapag tinatanong niya laging sagot nito ay maraming ginagawa sa bahay nila kaya kailangan umuwi ng maaga. Hindi naman ito pinaniwalaan ni Kiel kaya naman nag isip siya ng plano kung paano makakausap ang dalaga upang matapos na rin ang mga agam-agam niya, gusto rin niya malaman ang sagot ni Hydra sa confession niya kaya naman ay kinausap niya ang isa pa niyang kaibigan sa klase na si PJ Ramirez upang humingi ng tulong. Kinabukasan pagpasok ni Hydra ng classroom hinatak siya ni PJ papuntang likod ng classroom nila habang naghihintay naman doon si Kiel para kausapin siya. “Ano ba PJ bitawan mo nga ako, san mo ba ako dadalhin ha?” piglas niya sa pagkakahawak ni PJ “Wala akong gagawing masama sayo, may gusto lang kumausap sayo” paliwanag naman nito Ng nakarating sila sa likod ng classroom nila nagulat pa siya ng mamataan si Kiel na parang naghihintay. Ito ba ang gustong kumausap sa kanyan naibulong niya na lamang sa isip at hindi na nagpumiglas sa pagkakawak ni PJ. “Oh, ayan mag usap kayong dalawa, pinahirapan niyo pa ako” reklamo ni PJ pagkatapos nitong bitawan si Hydra “Salamat bro” pasasalamat naman dito ni Kiel. Ng makaalis na si PJ ay binalot ang dalawa ng katahimikan tila nagpapakiramdaman, walang gustong maunang magsalita kaya napabuntong-hininga na lamang si Kiel at siya na ang nang bumasag sa katahimikan. “Hydra, iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali na di mo nagustuhan?” tanong ni Kiel sa kanya “Hah, w-wala n-naman” nauutal na sagot naman niya “Bat di mo ako pinapansin, tapos lagi kang nagmamadaling umuwi. Lumipat ka pa ng upuan? Tanong ulit nito “Ahm, k-kasi ano, madaming ginagawa sa bahay tinutulungan ko si mama” tugon niya dito “Bat ka nauutal, magsabi ka nga ng totoo. Ano bang problema?” balik-tanong nito sa kanya “Eh, kasi, kasi? Hindi niya matuloy-tuloy ang nasi sabihin “Dahil ba sa nakasulat sa card na binigay ko noong February 14?” tanong nito “Ganito kasi Kiel, sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang irireact ko doon, naguguluhan ako” mariing sambit niya habang pigil ang hininga “Hindi naman kita minamadali ng sagutin yung confession ko kung di ka pa handa” palilinaw ng binate “Hindi kasi ganun kadali yun, hindi ko alam kung paano kita haharapin pagkatapos na nalaman ko.” Paliwanag niya dito “Basted na ba ako agad?”malungkot na tanong nito “Sorry Kiel hanggang kaibigan lang kasi talaga ang turing ko sayo eh” nakayukong pag-amin niya dito. Ayaw niyang makita ang reaksyon ng kaibigan sa naging sagot niya “Dahil ba si Zeke parin ang gusto mo?” tanong nito sa kanya na halatang malungkot ang tono “Hindi ganun yun, gusto ko kasi na kung magmamahal ako ulit iyong buo na ako. Magaling na ako sa sugat ng kahapon at handa na ako. Magiging unfair lang ako sayo kung sasagutin kita pero nasasaktan parin ako at hindi ko parin nakakalimutan ng tuluyang si Zeke” pagpapaliwanag niya naman dito “Naiintindihan ko at nirirespeto ko ang desisyon mo. Nagbakasakali lang ako na pareho tayo ng nararamdaman.” Malungkot na pahayag nito “Sorry” yun nalang ang nasambit ni Hydra matapos makita ang sakit sa mata ni Kiel “Hindi mo kailangang mag-sorry atleast naging totoo ka” pilit na ngiting turan nito sa kanya na alam niyang nasasaktan talaga ito sa sinabi niya Lingid sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa may nakikinig sa usapan nila. Narinig lahat ni Zeke ang pinag-usapan ni Kiel at Hydra. Naging mag M.U sila ni Hydra noong nasa Grade 9 sila ngunit dahil masyado pang bata hindi nila alam kung paano ihandle yung feeling nang isat isa. Palagi niyang nasasaktan si Hydra sa mga ginagawa niya hanggang isang biglang nagbago na lang ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi na siya nito pinapansin, mas nagfocus na ito sa pag aaral kaya naman lagi na itong kasama sa Top student sa klase nila madalas din itong sumali sa mga school base contest, samantalang siya ay napabarkada at lagi ng nagka-cutting ng klase kaya naman kahit matalino siya sa klase ay naapektuhan ang kanyang mga grades bumaba ito ng tuluyang hanggang sa bumagsak siya sa ilang mga subject. Malungkot na nilisan ni Zeke ang lugar kung saan nag-uusap ang dalawa, alam niya sa sarili niya na mahal niya pa si Hydra pero alam niya din na labis itong nasaktan sa mga ginawa niya. Pinangakuan niya ito na hihintayin hanggang makatapos sila ng pag-aaral dahil sa bawal pa ito magboyfriend ngunit taliwas sa ginawa niya nanligaw siya ng ibang babae hanggang sa nasundan na ng nasundan marami na siyang naging kasintahan at nakalimutan na niya ang pangako niya kay Hydra. Aaminin niyang parang tinarak ng libo-libong kutsilyo ang puso niya ng marinig ang pagtatapat ni Kiel dito pero ayaw naman niya itong ikulong sa kanya at masaktan pa muli. Sa isang taong pagiging magkaibigan ni Kiel at Hydra Nakita niya itong unti-unti ng bumabalik sa dati na palangiti at palabiro. Nasasaktan man siyang makita itong masaya sa iba pero tatanggapin niya kung ito ang magpapalaya kay Hydra sa sakit na siya ang dahilan. Dahil siya naman ang nag umpisa ng lahat, nasa kanya na ito pero dahil sa kagaguhan niya ay napunta ito sa iba. Baka hanggang dito nalang talaga ang chapter ng story nila, baka para talaga ito kay Kiel kaya kahit masakit tatanggapin nito, ito na yata ang karma niya sa mga ginawa niya dito before. Masakit pala, at hindi niya masisisi si Hydra kung mahuhulog ang loob nito kay Kiel. Hindi niya deserve ang isang tulad ni Hydra, mas deserve ito ni Kiel dahil alam niyang aalagaan ito ng lalaki at hindi papaiyakin tulad ng ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD