Pagtungtong nila ng senior highschool mas lumalim pa ang nararamdaman ni Kiel kay Hydra. Habang si Hydra naman ay kaibigan lamang ang tingin sa kanya. It was February 14 when Kiel decided to confess his feeling to Hydra, he prepared flower and card. He wanted everything to be perfect and memorable. Habang papasok si Hydra ay sinalubong siya ni Kiel at binati na labis naman ikinabigla ng dalaga dahil sa katunayan hindi siya nagsi-celebrate ng Valentine’s Day dahil lahat ng experience niya sa araw na iyon ay kadalasan malulungkot at masasakit.
“Good morning Hydra, gift ko para sayo. Happy Heart’s day” masayang bati ni Kiel
“Morning din, naks naman nakakatouch kaya lang wala akong gift sayo. Hindi kasi ako nagsi-celebrate ng Valentine’s” saad naman niya sa lalaki
“Bakit naman? Love day kaya ang February 14” naguguluhang naman nito sa kanya
“Eh, kasi marami akong sad memory sa araw na ito” malungkot naman na sagot niya
“Ganun ba, sige huwag kang mag alala papalitan natin ng happy memories lahat ng sad memory mo” pangako naman ni Kiel
Hindi pa man sila natatapos mag usap ay umalis na si Kiel dahil pinatawag ito ng teacher nila dahil may iuutos. May pa program din pala ang SSG sa school nila at part si Kiel ng organization kaya naman busy ito sa pag aasikaso ng program. Agad namng nilapitan ni Athena ang kaibigan na nakamasid lamang sa kanilang dalawa kanina pa.
“Oy, girl ano yan? Bakit may pa-gift?” usisa ni Athena sa kaibigan
“Ewan ko dun, kung ano ang nakain at may paganitong effect” sagot naman niya habang di nawawala ang ngiti first time niya kasing makatanggap ng regalo at sa Feb 14 pa mismo.
“Tara, basahin natin yung message kung ano nakasulat” excited na sabi ni Athena
Palibhasa ay hindi niya naisip na confession letter ito kaya naman hinayaan niya buklatin ito ng kaibigan at basahin ng malakas.
“Happy Hearts Day Hydra,
Sana masaya ka ngayon. Sobra akong natutuwa na makilala ka at maging kaibigan. Noong una natatakot pa akong lumapit sayo kasi ang tahimik mo pero masaya ka naman palang kasama. Hanggang sa unti-unti kitang nakilala at naintindihan kung bakit ganoon ka na lamang kailap sa tao. Alam mo ba nagseselos ako kapag nababanggit ni Athena iyong first love mo na nanakit sayo. May aaminin nga pala ako sayo, I like you no I Love you and I want to make you happy every day. Alam mo para kang chocolate kasi you make my day complete and happy.
Love, Kiel”
“OMG! OMG! Girl, kurutin mo nga ako para malaman ko kung nanaginip ba ako” tili naman ni Athena kaya napalingon ang kanilang mga kaklase na busy sa kanya-kanyang ginagawa
“Tumahimik ka nga nakakahiya sa kanila oh, agaw atensyon ka talaga” nahihiyang saway naman niya sa kaibigan
“Ay sorry people, just continue what you are doing” hinging paumanhin naman nito sabay peace sign
Habang hindi magkamayaw sa kilig si Athena sa nabasa siya naman parang nawala sa Earth dahil sa labis na pagkabigla at hindi inaasahan ang nalaman sa sulat. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaction niya sa confession ni Kiel. Mahalaga sa kanya ang lalaki at itinuturing niya itong kaibigan pero hanggang doon lang yun wala siyang special feeling na nadarama para dito. Sa labis na pagkabigla ay hindi niya narinig na tinatanong na pala siya ni Athena sa response niya.
“Hoy, babae welcome back sa mother earth natin. Tumilapon na ba yang utak mo sa outer space at tulala ka dyan” tanong niya sa kaibigan na may kasamang tapik ng mapansing nakatulala lamang ito.
“Ha? Anong sabi mo teka lang” naguguluhang balik niya naman dito
“Ang sabi ko anong response mo?” tanong ni Athena ulit
“Ahm, hindi ko alam. Alam mo namang kaibigan lang ang turing ko sa kanya, bukod doon wala na” sagot naman niya
“Bakit dahil ba sa first love mong nanakit sayo. Siya pa rin ba laman ng puso mo? Tanong ni Athena ulit
“Huwag mo ngang isama ang lalaking yun sa usapan. Naka move on na ako sa kanya noh” depensa naman niya
“Kung makasabi ka ng move on kala mo naman naging kayo. Hello, M.U lang kaya kayo.” Pagtatama naman nito sa kanya
“Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan” pagsuko niya na lamang sa kaibigan dahil alam niya hindi ito titigil sa pakikipagdebate sa kanya
Wala silang klase sa araw na iyon dahil sa program kaya naman pagtapos ay umuwi siya ng maaga ayaw niya magkasalubong sila ni Kiel dahil wala pa siyang sagot sa pagtatapat nito.