Lumipas ang isang buwan at halos hindi na magkaroon ng oras ang tatlong magkakaibigan na magbonding dahil naghahanda na sila sa kanilang third grading periodical exam nakafocus na si Hydra at Athena sa pagrireview. Pagkatapos naman ng kanilang exam ay magkakaroon ng band and lyre competition sa munisipyo kung saan sila nag-aaral, at hindi inaasahan ng dalawang babae na sasali si Kiel sa banda. Habang busy sa pagpapractice si Kiel si Hydra naman at Athena ay nagpatuloy sa kanya-kanya nilang buhay. Kaya naman isang araw nagulat ang dalawa ng madatnan nila si Kiel na nag aabang sa classroom nila.
“Oy, Kiel bat nandito ka? Wala kayong practice? Tanong ni Athena
“Mamaya pa, pahinga muna kami” sagot naman nito
“Ganun ba, oy, pafavor naman. Baka pwede kang tumugtog gamit ang Xylo ng favorite mong song? Hinging pabor naman ni Athena
“OO naman, Ahm Hydra anong favorite song mo” tanong naman nito kay Hydra
“Ahm, having you near me” nahihiyang tugon naman ni Hydra
Sinimulan na itong tugtugin ni Kiel. Habang mataman lamang na nakikinig silang dalawa ni Athena na animoy manghang-mangha sa ginagawa ni Kiel.
Hanggang sa dumating ang araw ng competition nila Kiel ay niyaya siya ni Athena na manood ngunit hindi siya nakasama dahil hindi siya pinayagan ng mga magulang. Conservative kasi ang mga ito, at kapag walang kinalaman sa eskwelahan at simbahan ay hindi siya pinapayagang umalis. Nalungkot naman si Kiel dahil inaasahan niyang mapapanood siya nito.
“Bat parang malungkot ka?” tanong ni Athena kay Kiel habang nag-aabang sila na tawagin ang pangalan ng school nila upang magperform
“Wala kasi si Hydra, akala ko pa naman makakapanood siya ng performance namin” matamlay na sagot naman nito
“Intindihin mo na lang estrikto talaga sila Tita sa kanya. Pero pinapasabi niya naman na good luck daw at galingan mo” masayang tugon naman ni Athena para palakasin ang loob nito
Nagtataka man sa mga ikinikilos ni Kiel nitong mga nakaraan araw ay hindi na siya nag usisa pa. Aantayin niya na lamang na kusa itong magshare sa kanila. Ayaw naman niyang panghimasukan ang personal na buhay nito. Ngunit napapansin niyang iba ang mga titig nito kay Hydra lately madalas din nitong hanapin ang kaibigan tuwing hindi niya kasamang pumunta ng canteen.
“And now let us welcome the Band and Lyre of Bailan National High School” announce ng MC sa stage
“Woah! Go BNHS! Go Kiel galingan mo, bring it on!” malakas na sigaw naman ni Athena
Masayang natapos ang competition at naitanghal na first runner up ang kanilang school. Hindi man sila ang naging champion pero masaya naman ang buong band dahil sa naging experience nila along the training.
Dumating ang lunes at excited na inabangan ni Kiel ang pagdating ni Hydra madalas kasi ay nauuna si Athena dahil walking distance lang ang bahay nila mula sa school samantalang kila Hydra ay kailangan pang sumakay ng Tricycle.
“Good morning, friendship” bati ni Athena sa kaibigan
“Morning din sayo” balik na bati naman niya sa kaibigan
“Halika puntahan natin si Kiel sa classroom nila, wala pa naman teacher nila sa first subject batiin mo first runner up school natin girl” aya naman nito sa kanya
“Sige” pagpayag naman niya
Ng malapit na sila sa classroom nila Kiel ay natanaw naman nila itong kausap ang isa nitong kaklase. Kaya agad nila itong nilapitan upang batiin.
“Oy, Kiel congrats pala” bati ni Hydra
“Salamat, sayang hindi ka nakapanood” balik naman nitong sabi
“Hindi ako pinayagan eh” nakangiting tugo naman niya
Marami pa silang napag usapan hanggang sa dumating na ang teacher nila Kiel at pumasok na ito sa loob ng silid aralan habang ang dalawa naman ay bumalik na sa classroom nila.
“Okay class ngayon ay ia-announce ko ang Top 10 sa section niyo pero bago yan congratulation sa mga nakapasok at sa mga hindi naman ay galingan niyo nalang sa susunod” masayang balita ng kanilang guro
Nagpalakpakan naman ang buong klase habang nag aabang na tawagin ang pangalan ng mga kasali sa top 10.
“Okay listen kapag tinawag ko ang pangalan niyo pumunta kayo sa unahan. Top 1: Jessica Rosales
Top 2: Angelie Salvacion
Top 3: Hydra Ocampo
Top 4 Bernadette Umali
Top 5: Samuel Diaz
Top 6: James Dela Cruz
Top 7: Athena Montes
Top 8: Nicole Sanches
Top 9: Judy Ann Alvarez
Top 10: Joshua Benitez
Nagpalakpakan naman ang buong klase pagkatapos na tawagin isa-isa ang mga nasa top 10.
“Again, congrats and keep it up” masayang bati naman na kanilang guro at nagsibalikan na sa upuan ang mga tinawag.
Halos maglulundag naman sa tuwa si Athena ng dumating ang uwian palibhasa ay excited itong umuwi upang ibalita ang nakuhang achievement sa klase. Isang buwan nalang at completion na nila sa grade 10 kaya naman excited na silang sumampa sa stage para tanggapin ang bunga ng kanilang pinaghirapan ng sampung buwan. Ang iba naman ay nag-uusap usap na kung saan nila planong magpatuloy ng senior high.
“Friend, saan mo balak mag-aral ng senior high?” tanong ni Athena kay Hydra
“Dito lang din friend kasi hindi naman afford nila mama ang school sa malayo at sabi naman nila maganda raw ang turo dito” sagot naman niya kay Athena
“Ay bongga yan girl, ibig sabihin magkasama parin tayo kasi dito rin ako mag aaral eh para less hassle at gastos sa transpo” magiliw na tugon naman ni Athena sa kanya
Naging busy na ang lahat sa pagcomply ng mga requirements para sa last grading period nila at preparation for the upcoming completion ng batch nila. Palibhasa ay magkaiba ng section kaya halos hindi na rin nagkakaroon ng oras na magkasama ang tatlong magkakaibigan. Sa pagsapit ng completion, halo-halo ang emotion na nararamdaman ng iba dahil magkakahiwalay-hiwalay na sila may iba kasi na sa ibang school na mag-aaral. Hanggang sa natapos na ang klase at nagpapractice nalang sila ng kanilang mga gagawin sa araw ng completion, syempre ang pinakahihintay ng lahat ang pagsusulat ng mga messages sa uniform bilang souvenir. Habang busy ang bawat isa sa pagpapalitan ng mensahe mataman lamang na nakamasid si Hydra sa mga kaklase nila na nagkakagulo ang hindi niya alam nakamasid din si Kiel sa kanya. Gusto siyang lapitan ng lalaki at kausapin ngunit pinangungunahan ito ng kaba dahil sa kaseryosohan ng mukha ni Hydra, hindi rin kasi palangiti ang babae dahil nahihiya ito. Isang bagay lamang ang tumatakbo sa isip ni Kiel, bakasyon na at dalawang buwan niyang hindi makikita si Hydra. Pagkatapos ng ceremony ay nagplano ang batch nila na mag outing, ngunit gaya ng inaasahan hindi sumama si Hydra dahil pinagbabawalan ito ng magulang niya. Walang nagawa si Kiel kundi intindihin ang kaibigan bilang respeto sa desisyon nito kahit gusto niyang makasama ito sa outing nila.
Sa mga sumunod na araw ay ginugol ni Hydra ang oras niya sa pagtulong sa kanilang bukirin, naroong sumasama siya sa pagtatanim at pagtatanggal ng mga damu sa bukid nila na kadalasan naman niyang ginagawa kapag summer break nila sa school. Ganito na ang nakagisnan na buhay ni Hydra kaya naman wala sa isip niya ang tumambay at gumala tuwing bakasyon tulad ng ibang bata. Mulat siya sa hirap ng buhay kaya gayon nalamang ang pag nanais na tumulong sa magulang upang maiahon ito sa kahirapan.