Chapter 2

1067 Words
Days and months had past at unti-unting nagiging malapit sa isat isa si Kiel at Hydra minsan nga nagtatampo na si Athena sa kanilang dalawa dahil tumatambay sila ng hindi siya inaaya man lang. “Kayo ha napapansin ko madalas kayong magsolo.” Mapanuksong wika ni Athena kay Hydra. “Anong magsolo, masyado ka lang talagang busy sa mga side business mo kaya wala ka ng time sumama samin” balik na kantyaw naman ni Hydra “Ay maiba nga tayo nanliligaw ba sayo si Kiel?” tanong naman nito “Anong nanliligaw ka dyan, friendly lang yung tao binibigyan mo na agad ng malisya” depensa naman niya dito “Bat defensive ka nagtatanong lang eh” ngiting asong turan naman ni Athena Nagpatuloy ang klase nila sa araw na iyon hanggang sa dumating ang lunch break. Kaya naman napag desisyunan ng dalawa na bumili na lamang ng pagkain sa canteen at dalhin sa classroom nila para doon kumain. Ayaw kasi ni Hydra sa crowded places palibhasa sanay siya sa bundok na tahimik at tanging mga huni lang ng ibon ang maririnig sa paligid. Hindi naman inaasahang nakasalubong nila si Kiel na nakikipagtawanan sa kaklase nitong babae na balita niya ay kaibigan rin nito sa section nila. Balak sana itong tawagin ni Athena ngunit hinatak na siya ni Hydra papuntang canteen. Ingay ng nagkakagulong mga estudyante ang sumalubong sa kanila kaya naman pumila na sila upang makabili na at makabalik sa classroom hindi alintanang nasa likod nila sila Kiel at ang babaeng kasama nito na panay ang kausap naman kay Kiel, samantalang nakatitig lamang si Kiel kay Hydra na parang nahihiwagaan dahil hindi siya pinapansin nito kahit pa alam naman niya na hindi talaga siya madalas kausapin nito sa public. “Oy, Athena san kayo kakain?” tanong nito sa kaibigan niya “Sa classroom, alam mo naman itong si Hydra may phobia sa mga tao, haha” pabirong sagot naman ng kaibigan niya. “Ganun ba” nasabi na lamang ng lalaki Natapos ng bumili ang magkaibigan kaya naman nagpaalam na si Athena kay Kiel habang deadma naman na naglakad na lamang si Hydra pabalik ng school na parang walang paki sa nangyayari sa paligid niya. “Oy Kiel, balik na kami ng classroom nagugutom na ata si Hydra ayun oh nauna” palaam nito sa lalaki “Sige, enjoy your lunch” balik naman nitong sabi Hindi na sumagot si Athena at hinabol na ang kaibigang hindi pa naman nakakalayo. Hanggang uwian ay tahimik parin si Hydra kahit na si Athena ay daldal ng daldal sa kanya samantalang siya walang salitang lumalabas sa bibig nito. Hanggang sa hindi na ito nakatiis at tinanong na ang kaibigan. “Kanina ka pa tahimik, anong inisip mo?” tanong nito “Wala naman, pagod lang ako sa klase natin. Gusto ko ng magpahinga” matamlay na sagot naman niya sa kaibigan Kinabukasan ay masigla na ulit si Hydra na nakikipagkulitan kay Athena inaasar niya pa ito kay Anthony na nanliligaw dito. Kaya naman katakot-takot na irap ang nakukuha niya na halata ang pagkadisgusto. “Friend kumusta na yung masugid mong manliligaw, mukhang di ko nakikita mga ilang araw na. nagbago na ata ang isip nakahanap na ng mas better sayo” pang-aasar niya dito “Buti nga ng matahimik naman ang buhay ko sa kakulitan niya, duh di ko siya bet noh mas gwapo parin ang mylabs ko” sagot naman nito sa kanya “Naku malay mo mainlove ka sa kanya pagdating ng panahon” balik asar naman niya “Haha, whatever hindi mangyayari yan” irap na tugon naman ni Athena Dahil sa labis na pang-aalaska niya sa kaibigang na pikon na pikon na rin, hindi niya namalayan ang pagdating ni Kiel at pagtabi nito sa bench na kinauupuan nila. Nakatambay kasi sila sa harap ng malawak na field habang inaantay matapos ang lunch break. “Ang saya niyo ah” biglang tinig nito “Ito kasing si Hydra nang-aasar na naman” pagsusumbong ng kaibigan niya Natahimik naman si Hydra at tumigil na sa pag-asar sa kaibigan dahil sa presensiya ni Kiel. “Maiba nga tayo Mr. Sarmiento, saan kaba nagsusuot at ilang araw ka ng di nagpapakita?” pag uusisa naman ni Athena sa lalaki “Anong ako, kayo nga itong hindi namamansin eh” sambit naman nito sabay tingin kay Hydra “Hoy pinapansin kita baka itong si Hydra ata ang snobber sayo” bintang naman nito na akala mo ay hindi sila magkaibigan “Kaya nga eh napapansin ko ang tahimik niya tuwing magkakasalubong naman kami ay parang di ako nakikita” malungkot na turan naman nito “Ay naku, di ka pa nasanay dyan siya na ata ang makakakuha ng Most Quiet in the class” pabirong sabad naman ni Athena “Huwag nga ako ang pag-usapan niyo parang wala ako sa harap niyo hah” singit niya naman sa dalawa “Oh, tingnan mo para na namang may dalaw, bilhan mo nga ito ng sandamakmak na novel books para naman lumiwanag ang paligid niya” sagot na lamang ni Athena “Mahilig ka palang magbasa ng mga ganun?” tanong naman ni Kiel sa kanya “Hindi lang mahilig Kiel obsess na nga siya dun kaya niyang hindi lumabas ng buong araw sa silid niya basta may novel book siyang binabasa” bigay impormasyon naman nito Hindi na umimik si Hydra at hinayaan na lamang ang kaibigan na kausapin si Kiel hanggang sa tumunog ang bell hudyat na kailangan na nilang pumasok sa classroom dahil simula na ng klase nila. Sa kabilang banda hindi naman nawala sa isipan ni Kiel ang mga sinabi ni Athena tungkol kay Hydra. Natutuwa siyang kahit papaano ay nagsasalita na ito sa kanya hindi tulad noong mga una at dalawang buwan nilang magkakilala na hindi man lang ito nagsasalita kabaliktaran ni Athena na halos naibahagi na yata ang talambuhay nito sa kadaldalan. Gusto niyang makilala pa si Hydra at maging matalik itong kaibigan dahil napapansin niyang tila mailap ang babae kahit sa mga kaklase nito at si Athena lang ang tanging kasa-kasama. Hindi rin nito hilig ang tumambay pagkatapos ng klase, dahil diretso uwi na ito, kapag vacant naman nila ay nasa loob lang ito ng silid aralan hawak ang libro at nagbabasa. Ngunit ayon sa mga napagtanong tanungan niya ay matalino raw ito kaya lang masyadong tahimik at hindi mahilig magbahagi ng opinyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD