Papasok na sa classroom si Hydra kasama ang kanyang kaibigang si Athena Montes ng mapansin niya na nagkakagulo ang kaniyang mga kaklase. Palibhasa ay tahimik hindi na niya ninais na makigulo din.
“Oy, girl alam mo ba may bagong transfer daw sa section A”, balita ng kaibigan niyang si Athena.
“Oh, tapos? Walang ganang tanong naman ni Hydra.
“Ano ka ba naman, sabi nila pogi daw” kinikilig naman na tugon nito sa kanya.
“Hay naku, whatever ka dyan maupo ka na dahil baka biglang pumasok si maam at mapagalitan pa tayo noh.” Mahabang litanya nito sa kaibigang kinikilig parin hanggang ngayon.
“Ang KJ mo alam mo yun, basta ako sisilip mamaya sa classroom nila. Samahan mo ako ha? Pangungumbinsi nito
Hindi na umimik si Hydra sa kaibigan na itinuon na lamang ang sarili sa librong binabasa. Isa sa mga pampalipas oras niya ang magbasa ng libro pero paborito niya ang nobela. Maya-maya pa dumating na ang kanilang guro at nagsimula na itong magturo, mataman lamang na nakikinig si Hydra hindi siya matalino ngunit masipag naman siyang mag-aral katunayan lagi siyang kasama sa mga top students since elementary hindi nga lang siya mahilig sumagot sa klase maliban nalang kung tinatawag siya for recitation. Introvert din siya at isa lamang ang kanyang kaibigan since elementary until highschool. Last subject na nila ito sa hapon, kaya naman pagkatapos ng isang oras ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase at uwian na. Habang nagliligpit nang gamit si Hydra kinukulit naman siya ni Athena na mag-abang sa may hallway para makita ang paglabas ng transferee na pinagpapantasyahan ng kaibigan. Wala naman siyang nagawa kundi ang Samahan nalang ito dahil pagod na rin siya makipagtalo at masyadong naubos ang enerhiya niya sa pakikinig sa klase. Ayaw niya kasi ng maingay na paligid nai-stress siya doon. Hindi naman nagtagal ay nagsilabasan na ang kabilang section kaya naman napatili na lamang sa saya ang kaibigan niya habang siya naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ito na mukhang uod sa gilid na di mapakali. Hindi siya interesado sa inaabangan ng kaibigan, wala rin siyang pakialam dito.
“Hays, nakauwi na rin nakakapagod ang araw na ito ang daming assignments.” Himutok niya habang kumukuha ng damit sa cabinet para magpalit.
Nagtuloy-tuloy ang mga araw at wala namang nagbago sa routine niya, bahay at eskwela. Lumipas na ang isang linggo at ang kaibigan niyang si Athena ay bukambibig parin ang bagong estudyante ng section A na niminsan ay hindi niya man lang nakita at nasilayan, ng minsan kasing sumama siya sa pag abang dito ay nasa ibang direksyon naman ang focus niya kaya hindi rin niya ito nakita.
Hanggang isang araw pagkatapos nilang kumain ni Athena sa canteen nagulat siya na may nagkukumpulan sa loob ng classroom nila at may tumutugtog. Inilibot niya ang mata sa apat na sulok ng classroom hanggang huminto siya sa harapan malapit sa blackboard at matamang tinitigan ang lalaking may hawak na xylophone. Nabalik naman siya sa kanyang ulirat ng bigla siyang hinatak ni Athena papalapit sa kinaroroonan ng lalaki, wala na siyang nagawa kundi sumunod sa hatak nito. Bigla namang napatigil ang lalaki sa pagtugtog at mariin siyang tinitigan sabay ngiti.
“Wow, marunong ka pala niyan?” gulat na tanong ni Athena sa lalaki.
“Ahm, nagpapractice lang first time ko lang din tumugtog gamit ang xylo.” Nahihiyang tugon naman nito kay Athena
“Ang galing, teka diba ikaw yung transferee ng section A? Anong pangalan mo? Tanong naman ni Athena dito. Samantalang siya tahimik lang sa gilid ng kaibigan na nag-oobserve. Habang kinakausap ito ni Athena na hindi man lang nakaramdam ng hiya. Ewan niya ba sa kaibigan kung bakit yata noong nagpasabog nang kakapalan ng mukha ay mukhang nasalo nito lahat.
“Yes, ako nga yun. My name is Kiel Sarmiento, I’m from Laguna. And you?” sagot naman nito kay Athena na mukhang nakalimutan yatang kasama siya nito dahil masyadong nawiwili ng sa kaharap na lalaki.
“Ay ako naman si Athena Montes at siya naman si Hydra Ocampo kaibigan ko” balik na pakilala naman nito sa lalaki.
“Hi, nice meeting you both” baling nito sa kanya at bumalik ang tingin kay Athena, wala rin naman siyang balak na sumagot sa pagbati nito at itinuon na lamang ang mga mata sa xylophone na nakapatong sa mesa.
Nang mapansing busy na ang kaibigan sa pakikipag usap kay Kiel minabuti na lamang ni Hydra na iwanan doon ang kaibigan at umupo sa upuan nito upang magbasa na naman, hindi rin naman siya interesado sa pinag-uusapan ng dalawa. Maging sa uwian ay bukambibig parin ni Athena ang lalaki, daldal ito ng daldal sa tabi niya habang naglalakad sila palabas ng campus. Wala rin naman siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito dahil lumilipad ang isip niya sa ibang bagay.
Araw-araw tuwing tanghali ay tumatambay sa classroom nila si Kiel para tumugtog ng Xylo na labis naman ikinatutuwa ni Athena, ewan niya ba sa kaibigan at parang interesadong-interesado ito sa lalaki. Kaya isang beses kinausap niya ito kung may gusto ito sa lalaki na mariin naman nitong itinanggi.
“Hoy, babae umamin ka nga sakin may gusto ka ba doon sa transferee?” tanong ni Hydra sa kaibigan.
“FYI,my dear Hydra wala akong romantic feeling kay Mister na mahilig sa Xylo, gusto ko lang siya maging friend. Tsaka iba yung crush ko di nag aaral dito sa school natin. And haler mas bagay kayo ni Kiel. Kayo ang ship ko.” Mahabang paliwanag nito na may kasama pang pag wasiwas ng kamay sa hangin na ala Barbie Forteza.
“Wow ha ang defensive mo. Tsaka hindi kami artista para i-ship mo. Tigil-tigilan mo ako dyan sa imagination mong walang katuturan.” Pagtutol naman ni Hydra sa sinabi nito.
“Ay naku, whatever walang forever. Huwag kang magsalita ng tapos malay mo kayo ang destiny. Baka it’s time na para kalimutan mo si Zeke s***h your first love” sagot naman nito sa kaniya. Napabuntong hininga na laman si Hydra sa kaibigan. Pinaalala na naman nito ang lalaking minsang nanakit sa kanya si Zeke Santillan. Bumalik na naman sa ala-ala niya ang mga panahong umiiyak siya sa gabi at pinipilit itong kalimutan. Sabi nga nila first love never dies.