Chapter 6

955 Words

Kyle "This is one of my favorite place, Kyle. Dito ako pumupunta kapag nakakaramdam ako ng lungkot at kapag may mga pinoproblema ako sa buhay." aniya sa akin ng dalhin ako ni Brian sa lugar kung saan hindi naman kalayuan sa aming unibersidad. Parte pa rin naman ito ng eskwelahan kaya lang sa tingin ko ay hindi ito masyadong pinupuntahan. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may pinulot itong mga bato at inilagay niya ito sa gilid. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay ginawaran niya ako ng isang ngiti. Nailang naman ako bigla sa kanya kaya naman napatingin lamang ako sa ibang direksyon saka ako ngumiti. Ano ba 'yan! Bakit parang kinikilig naman ako? "Tara dito, Kyle!" pagyaya sa akin ni Brian dahilan para lumapit ako sa kanyang tabi. Nakita kong kumuha siya ng isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD