Chapter 5

1447 Words
Kyle Araw ng lunes. Maaga akong nagising dahil syempre heto ang unang araw ko sa unibersidad. At saka ayaw ko rin namang mahuli sa aming klase lalo na't lunes na lunes at first day na first day kaya agad kong inihanda ang mga gagamitin kong pampasok. Hays. Nakakamiss naman yung mga magulang ko. Noong nag-aaral kasi ako ng high school ay laging si mama ang naghahanda ng almusal ko habang si papa naman ang nagda-drive at naghahatid sa aking eskwelahan. Nakaka-miss silang dalawa. Ngayon ay wala akong maaasahan dito kundi ang sarili ko kaya naman kailangan kong maging isang independent para mabuhay. Ini-lock ko na ang pinto ng aking kwarto nang wala na akong nakalimutan. Naglakad na ako patungo sa labas ng pinto at pipihitin ko na sana ang door knob ng mapansin kong ayaw nitong magbukas. "Eh? Bakit ayaw bumukas?" takang tanong ko sa aking sarili at saka ko muling ipinagpatuloy ang pagpihit ng door knob. Shocks naman! Ayaw magbukas! Naisipan kong ilapag ang aking dalang bag sa sofa ngunit hindi ko kaagad ibinaba ang aking bag dahil napansin kong may nakatuping papel doon at dahil sa dala ng kyuryosidad ay binuksan ko ito at binasa ang laman. Hey little gay! If you are trying to find the duplicate key, Well, go to trash bin and you'll gonna find it.  Bagay naman sayo ang mamasura dahil masangsang at mabaho ka. Good luck! - Handsome nightmare Agad kong pinunit-punit ang papel na isinulat ng walang hiyang hambog na lalaking 'yon ng mabasa ko ang isinulat niya. Bwisit talaga ang tarantadong 'yon kahit kailan! Hayop siya! Dahil sa ayaw ko namang mahuli sa aking klase ay wala akong nagawa kundi magtungo sa kusina at puntahan ang susi na inilagay niya sa basurahan. Nakakainis talaga yung hambog na 'yon! Nanandya talaga siya! Paano ko ngayon ito kakalkalin? Puro nabubulok nasa loob ng basura? "Hayop kang hambog ka!" nanggigigil kong saad sa aking sarili habang sinasaksak-saksak ko sa aking isipan ang lalaking hambog na 'yon. Hays. Wala akong mapapagpilian kundi gawin ko 'to upang hindi ako ma-late sa aking klase. Kaya naman pikit-mata kong kinuha ang susi sa basurahan kung saan nararamdaman ko ang mga nabubulok na bagay at naaamoy ko rin ang maalisansang na amoy. "Sa wakas!" ani ko sa aking sarili ng makuha ko na ang susi sa basurahan. Napaka-walang hiya talaga nu'ng hayop na lalaking hambog na 'yon! Kailangan ko ng magmadali dahil ilang minuto na lamang ang nalalabi at baka mahuli pa ako sa first class ko! ✳✳✳ "College of Engineering. Room 123. Fifth floor." basa ko sa aking hawak na COR  certificate of Registration.  Shocks! Fifth floor? Sa dinami rami ng mga silid ay bakit nandoon pa sa fifth floor ang klase ko?! Napakamot-ulo na lamang ako habang naglalakad patungo sa aming kolehiyo at nang makarating ako sa unang palapag ay nakita ko na lamang na may elevator pala kaya naman agad akong pumila ng maayos. Napatingin ako sa aking relo na nasa pulu-pulsuhan ko at nakita kong limang minuto na lamang ang natitira kong oras bago magsimula ang aming klase. "Sir, where's your COR?" tanong sa akin ng guwardiyang nagbabantay sa elevator. Agad ko namang ibinigay ang aking certificate of registration sa kanya. "Naku Sir. Pasensya na po kaya lang hindi ka po maaaring gumamit ng elevator. Mas maigi ho sigurong gumamit na lang kayo ng hagdan papuntang ikalimang palapag." napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ng gwardiya. "ano po? ba-bakit naman po hindi ako pwedeng gumamit ng elevator, kuya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Pasensya na po, sir. napag-utusan lang po ako." tanging sagot lamang nito sa akin at pinatabi ako nito sa gilid upang papasukin niya ang ibang mga estudyante. Napakuyom ang mga kamao ko ng makita sa isipan ko ang lalaking hambog na 'yon. Oo, kahit 'di man sabihin sa akin ng guwardiya ay nakatitiyak akong siya ang may kagagawan nito at nag-utos na hindi ako maaaring gumamit ng elevator. Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking orasan at nakita kong dalawang minuto na lamang ang matitirang oras. Huminga muna ako ng malalim at saka ako nagtungo sa hagdan upang akyatin ko ang aking silid na nasa ikalimang palapag. 1/F ⬆            2/F ⬆                           3/F ⬆                                       4/F ⬆ "fifth floor!" bulong ko sa aking sarili ng makarating ako sa ikalimang palapag. Gusto ko man sanang uminom ng tubig ay hindi ko na magawa pa dahil natitiyak kong huli na ako sa aming klase. Agad kong hinanap ang room number namin at hindi rin naman ako nahirapan dahil bumungad kaagad ito sa aking harapan. "Sir, i'm sorry po if i'm late." ani ko sa ginoong nakatayo sa harapan at sa tingin ko ay heto ang aming propesor. "So you're Mr. Kyle Angelo Dela Vega?" seryoso nitong tanong sa akin dahilan para mapatango naman ako rito at kahit kinakabahan ako ng sobra sa kanya at pinilit kong ngumiti rito. "opo, sir." Napatangu-tango naman ang aming propesor dahil sa sinabi ko. "Please take your seat." walang emosyong saad lamang nito sa akin at ako naman ay napangiti dahil mabuti na lang at hindi ito nagalit sa akin. Nagpalinga-linga ako sa mga upuan at napangiti ako ng makita ang isang silya banda sa unahan dahilan para agad kong puntahan iyon at upang doon ako maupo. Malapit na ako sa napili kong silya ng may bigla na lamang humarang na mga paa at huli ko na itong nakita dahil natalisod ns lamang ako at saka ako napaupo sa lapag. Narinig ko na lamang ang malalakas na tawanan at nang tignan ko ang mga ito ay nakita kong tinatawanan nila akong lahat dahil sa pagkatalisod ko. "Napakalampa naman n'yan!" "Naku pre! Sigurado akong bading 'yan!" "Ano ba 'yan may beki tayong classmate!" "Hoy! Bawal ang bakla dito!" Iyan ang mga salitang lumabas sa bibig ng mga kaklase ko na ngayon ay patuloy pa rin sa kanilang pagtatawanan. Dahil sa kahihiyan ay napayuko na lamang ako at para bang wala na akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko. Nakakahiya ang nangyari sa akin. "Ang sabi ko kasi sayo huwag na huwag mo akong kakalabaning bakla ka." unti-unti akong napaangat ng tingin sa lalaking nagsalita at ito'y walang iba kundi ang kasamahan ko sa dormitoryo at ang lalaking ubod ng kahambugan. "Yesterday is your lucky day, little gay pero ngayong araw, this is my day." saad niya sa akin at nakita kong umupo ito sa aking harap dahilan para maging magka-lebel kaming dalawa. "Nag-uumpisa pa lang ako, Mr. Dela Vega.. oh! mali! mali! Miss Dela Vega pala ang dapat dahil isa kang mapagpanggap na bakla." mariing wika nito sa akin at ngumisi siya ng nakakaloko sa harapan ko. Gusto kong umiyak. Gusto ng tumulo ng aking mga luha. Hindi ko na kaya itong ginagawa niya sa akin. "Anong ginagawa niyo sa kanya?" napakislot ang aking damdamin ng marinig ang isang pamilyar na tinig na nanggaling sa pintuan. Nakita kong lumapit ito sa akin at saka niya inilahad ang kanyang mga kamay upang itayo ako. "Brian?" wika ko ng makita ang kabuuan ng kanyang mukha.  Nang maiangat niya ako ay agad akong nagtago sa kanyang dibdib at awtomatiko akong napaluha dahil sa kahihiyang nangyari sa akin. Hindi ko na nagawa pang lumaban at napaiyak na ako ng tuluyan. Wala na kong mukhang maihaharap sa mga taong nandirito dahil puro kahihiyan ang naganap sa akin. Hindi ko na kaya. Hindi man lang napatahimik ng aming propesor ang klase. Sa totoo lang ay miski ang aming propesor ay nakipagsabayan sa tawanan ng buong klase. "Mr. Marquez, Hindi ba't ikaw ang propesor nila? Bakit hindi mo man lang nagawang patahimikin ang mga gagong 'to!" rinig kong sigaw ni Brian sa aming propesor at dahil gusto kong makita ang nangyayari ngayon ay napatingin ako sa paligid at mabilis na napadako ang aking tingin sa aming propesor na ngayon ay para bang natatakot. Nanatiling tahimik si Mr. Marquez at iniwas lamang niya ang kanyang tingin kay Brian. "Hey, Brian!" natigilan ako ng marinig ko ang nagsalita at ito'y walang iba kundi ang lalaking hambog na nasa harapan ko. "Masyado naman yatang close kayo n'yang baklang 'yan, insan." asar niyang saad kay Brian at nakita kong tumingin ito sa akin at binigyan niya rin ako ng isang ngisi sa labi. "Ano naman kung bakla siya? Masama bang makipag-kaibigan sa mga bakla, Warren?" balik-tanong ni Brian sa kanyang pinsan at nakita kong nagbago ang ekspresyon nito. Warren Warren pala ang ngalan nitong lalaking hambog na 'to. "Pagsisisihan mong kinampihan mo 'yang malanding baklang 'yan, Brian." mariing sabi nito sa amin at nakita kong masama ako nitong tinignan. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin ito at malakas na isinara ang pintuan dahilan para umalingawngaw sa buong silid. "Stop crying, Kyle. Wala na siya kaya makakahinga ka na ng maluwag." mahinahon nitong wika at biglang pinunasan ang mga luhang namuo sa aking pisngi. Tumingin ako sa kanya at agad akong napangiti ng gumanti rin ito ng tingin sa akin. "Salamat, Brian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD