Kyle
"Pati ba naman ang pinsan ko nilalandi mong bakla ka?" tiim bagang na saad ng lalaking nasa harapan ko ngayon at ito'y walang iba kundi ang lalaking hambog na kasama ko sa dormitoryo.
"For your information, hindi ko nilalan---
Hindi niya ako pinatapos sa aking pagpapaliwanag sana ng siya ang biglang magsalita.
"Anong hindi mo nilalandi? Talaga lang huh?! Kaya pala nagpanggap ka pang natalisod para maka-tiyansing sa kanya!"
Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to at talagang ginagalit ako!
"Alam mo ikaw na lalaki ka! Napaka-judgmental mong tao! At ano ba yang sinasabi mo ha?! Hoy! Ang kapal ng apog mo! Hindi ako malandi at lalung lalo nang hindi ko nilandi ang pinsan mo!" galit kong sabi sa hambog na lalaking ito.
"Hmm.. kaya pala nagpanggap ka, aber?!" nakangising saad nito sa akin na siyang ikinagulat ko naman.
"Anong sinasabi mo d'yang nagpapanggap ako? Hoy hambog ka! Hindi ako nagpapanggap dahil ang gusto ko lang naman ay maging kaibigan ni Brian! Iyon lang!"
Nakita kong mas lalo itong ngumisi dahil sa sinabi ko.
"Kaibigan? Seryoso ka? Ang mga straight na lalaking kagaya namin ni Brian ay kahit kailan hinding-hindi magkakaroon ng kaibigan na katulad mo! Hindi kami makikipag-kaibigan sa mga bakla!" tila sumisigaw nitong saad sa akin na nagbigay sa akin ng sakit sa damdamin.
No Kyle! Huwag kang magpapapekto sa lalaking hambog na yan! Huwag kang magpaapekto sa mga sinasabi niya!
"Grabe ka naman makapagsalita, lalaking ubod ng kahambugan! Alam mo isipin mong mabuti 'yang lahat ng mga sinasabi mo sa akin dahil nakakapanakit ka na ng damdamin! Ano bang ginawa kong kasalanan sayo ha?! Wala naman akong ginagawang masama ha?! Bakit sobra-sobra mo naman akong kinasusuklaman?! at sa kailan pa naging bawal na makipagkaibigan ang isang bakla sa straight ha?! Kailan pa naging bawal?!" sunud-sunod kong tanong rito habang nagpipigil ako ng aking luha.
"Galit ako sa mga baklang kagaya mo dahil wala kayong ginawang maganda dito sa mundo! At saka Oo! Hinding-hindi pwede! Hinding hindi kami pwede magkaroon ng isang kaibigan na katulad mo! Lalung lalo na sa may dugong Xavier!" aniya sa akin at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil tumulo na lamang ang kanina pang luha na gustung-gusto ng kumawala.
"Kaya pwede bang dumistansya ka na lang sa pinsan ko. Hindi maganda sa reputasyon namin na magkaroon ng isang kaibigan na katulad mo! At isa pa, kami ang nagmamay-ari nitong eskwelahan na' to kaya kung hindi mo susundin ang ang mga sinabi ko, tinitiyak ko sayong mapapalayas ka dito sa unibersidad ko!" huling sabi nito sa akin at binigyan niya ako ng matatalim na tingin, at matapos ay tinalikuran na ako nito.
Bago pa man ito magsimulang maglakad ay tinawag ko siya dahilan para mapatigil ito ngunit hindi niya ako binalingan ng tingin bagkus ay nakatalikod pa rin ito sa akin.
"ku-kung 'yan ang nais mo ay susundin ko ang mga sinabi mo. Pero tandaan mo itong sasabihin ko sayo. Pumayag ako sa lahat ng sinabi mo dahil ayaw kong mapatalsik dito. Ayaw kong umalis dito lalo na't ako lamang ang inaasahan ng pamilya ko. Pero tandaan mo sana ito, kailanman ay hinding hindi ako susuko lalung lalo na sayo. May araw ka ring lalaki ka. May araw rin ang katulad mong hambog at demonyong tao. Tandaan mo 'yan." mariing turan ko rito at nang matapos ko ang aking mga sinabi ay nakita kong naglakad na ito at iniwan ako sa aking kinauupuan.
Ngunit bago siya tuluyang umalis ay may sinabi muna ito sa akin na nagpabilis ng kaba sa aking dibdib.
"Sinisiguro kong hindi ka magtatagal dito, bakla. Kung ako sayo ay simulan munang mag-alsabalutan dahil maya-maya lamang ay mapapatalsik ka na dito. Goodluck, little gay"
Bakit kaya may mga lalaking gano'n kakitid ang isip? Ano bang problema nila sa mga katulad ko? Ano bang problema sa pagiging isang bakla? At saka napakalayo ng ugali niya sa pinsan niyang si Brian. Napakasama ng ugali niya. Ang sama sama!
pero sandali.. totoo kaya yung mga huling sinabi niya? Jusko! Baka sabihin niya na sa head office na isa akong bakla! Hindi iyon pwede!
"kailangan ko siyang mahabol!" turan ko sa aking sarili at kahit na hirap man akong tumayo ay pinilit ko ang aking mga paa para lamang mapigilan ang demonyong hambog na lalaking 'yon.
✳✳✳
Nakarating ako sa pinakataas ng gusali at sa tingin ko ay ito na ang head office ng unibersidad.
Jusko! Sana walang tao dito ngayon.
Alam ko kasing bukas pa magsisimula ang opening ng aming klase. Kaya sana lang ay walang opisina ngayong araw.
Nagpalakad-lakad ako sa palapag ng gusali at nagpapalinga-linga ako kung naririto ba sa building na 'to ang lalaking hambog na kasamahan ko sa dormitoryo.
"No! Ang sabi ko ay patalsikin niyo 'yung baklang iyon dahil wala siyang dulot dito sa unibersidad natin! Bakla nga siya! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo?! Bakla siya! Bakla!" umaalingawngaw na saad ng pamilyar na boses dahilan para lumapit ako roon at natigilan ako ng makita ang nakatalikod na lalaki kung saan ito ay nagsusumbong ngayon sa head office ng unibersidad.
"But sir Warren, kailangan muna natin masigu---
Hindi nito pinatapos sa pagsasalita ang babae sa head office ng siya ang magpatuloy.
"No! Basta bakla siya! Hindi siya maaaring mag-aral dito dahil ayaw ko sa kanya!" rinig kong saad nito sa babae at ang hayop na lalaking 'to ay pinalo pa ng malakas ang lamesa sa harap ng ginang.
Hmm.. masyado na yatang sumusobra 'tong demonyong hambog na 'to ah!
Kung galit ka sa 'kin, Sige lang! Magalit ka lang hanggang sa gusto mo!
"Sinisiguro ko sayong mas lalo ka pang maiinis sa gagawin ko." nakangising bulong ko sa aking sarili at kumatok ako sa pintuan ng head office.
Dahil sa ginawa kong pagkatok ay nakita ko ang pagkabigla ng lalaking hambog na ito ng mapaharap siya sa akin ngunit bigla rin nagbago ang tingin niya at ang hinayupak ay binigyan pa ako ng isang ngiting nakakaloko.
Well, this is it. I think it's time to shine.
Agad kong pinalitan ang malamyang boses ko ng isang matigas at malalim na boses.
"Ako po si Kyle Dela Vega maam." hirap man ako sa panlalaki kong boses ay wala akong choice kundi gawin ito para hindi ako mapatalsik dito sa eskwelahan na 'to.
"Mr. Dela Vega! Buti na lang at nandito ka. Pwede ba kitang makausap?" magalang nitong tanong sa akin at dahil anghel ako ngayon ay tumango lamang ako sa kanya at nginitian ko ang ginang.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Mr. Dela Vega. May sinasabi kasi itong si Mr. Xavier sa akin na... hindi ka raw tunay na lalaki? Totoo ba ito Mr. Dela Vega?" tanong sa akin ng ginang na nasa harapan ko.
Agad akong napatingin sa lalaking nasa kabilang pwesto kung saan ito ang hambog na lalaking demonyong ka-dorm ko.
"Sabihin mo na ang totoo, Miss Dela Vega." nang-aasar nitong sabi sa akin at nakita kong sumilay ang mga ngisi sa kanyang labi.
Napairap ako sa kanya ngunit mabilis lamang ito dahil pinalitan ko kaagad ito ng isang nakakaasar na ngiti na nagpainis sa mukha ng lalaking nasa tapat ko.
"Hindi po totoo ang sinabi sa inyo ni Mr. Xavier, Maam." magalang kong sabi sa ginang at inumpisahan ko na ang pinaplano ko.
"Sa totoo lang po ay ngayon lang po kami nagkita ni Mr. Xavier, Maam. Hindi ko nga po alam na siya pala yung kasama ko sa dorm dahil kanina po nu'ng pumasok ako ay wala naman po siya sa dorm namin. Maam, hindi po ako bakla. Hindi ko po alam kung bakit galit na galit po sa akin si Mr. Xavier. Ni hindi ko naman po siya inaaway o kung ano pa man pong masasama. Mabait po akong tao, Maam. Dahil tinuruan po ako ng mga magulang ko ng Good Manners and Right Conduct"
Ito ang naging paliwanag ko sa head office at sa totoo lang ay ang sarap sampalin ng bibig ko dahil nagsinungaling ako.
Lord, patawarin niyo po ako kung nagawa ko pong magsinungaling. Promise last na po ito.
"Hoy! 'Wag ka ngang magpanggap na lalaki diyang bakla ka! Umamin ka pa nga sa akin na bakla ka kanina nu'ng nasa dorm tayo!" galit na galit niyang sabi sa akin at sa totoo lang ay gustung gusto kong pumalakpak dahil sa galing ng pag-acting ko.
Muli kong in-activate ang panlalaki kong boses at hinarap ang demonyong nagkatawang tao na 'to.
"Mr. Xavier, Hindi ko po maintindihan ang mga sinasabi ninyo. Wala po akong alam sa mga pinaparatang ninyo sa akin. At saka ho nagpapahinga lamang ako sa kwarto ko dahil napagod po ako sa biyahe kaya hindi ko po talaga maintindihan ang mga sinasabi ninyo."
Slow claps for me.
Ako na talaga ang best actress sa buong kasaysayan.
"Magsabi ka ng totoong bakla ka! Putang ina umamin ka ngang bakla ka!" nag-iigting nitong sabi sa akin at nakita kong kumuyom ang kanyang kamao.
Nakupo! Masusuntok pa yata ako ng wala sa oras.
"Watch your mouth, Mr. Xavier!" nakahinga ako ng maluwag ng magsalita ang ginang at pinagsabihan ang lalaking hambog na nasa harapan ko.
"Mr. Xavier, sa tingin ko ay wala namang problema at parang nagsasabi naman ng totoo si Mr. Dela Vega. I think kailangan niyo ng bumalik sa dorm niyo dahil it's already six pm at maaga pa ang opening ceremony bukas." saad ng ginang sa amin at dahil sa sinabi nito ay sobra sobrang nakahinga ako ng maluwag.
"But--
aangal pa sana itong lalaking hambog na 'to ng pigilan siya ni Maam.
"No buts Mr. Xavier. Wala akong nakikitang ginawang masama ni Mr. Dela Vega. We should dismiss this or else baka gusto mo pang ipaalam 'to sa ama mo?" seryosong saad ng ginang dito sa Mr. Xavier na 'to.
Nakita kong umiling ito hudyat na tapos na ang eksena at ako ang nagwagi!
Yes!
Akala niya siguro ay matatalo niya ako! Well, ako lang naman yata ang preidente ng theater club namin nu'ng high school 'no!
Lumakad ito papalapit sa akin at nang makalapit ito ay may ibinulong ito sa akin.
"Huwag kang magpakampanteng bakla ka dahil sinasabi ko sayo hindi pa ako tapos. Well, I think it's your day pero sinisigurado ko na bukas o samakalawa ay ako naman ang magwawagi Tandaan mo 'yan." aniya saa akin matapos ay ngumiti ito ng nakakaloko.
Hindi rin ito nagtagal sa aking harap dahil agad niyang nilisan ang opisina.
Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya.
JOKE!
Anong akala niya? matatakot ako sa kanya?
No way!
Hinding hindi ako matatakot sa lalaking hambog na 'yon 'no! Never!