Kyle
"What the fvck!" gulat na saad ng isang lalaki nang makita niya ako na nasa harapan niya at nakita ko itong hinablot niya ang isang tuwalya upang ipantapis niya sa kanyang hubad na katawan.
OH MY GHAD!
Totoo ba ang mga nakita ko?!
Sh1t!
Nakita ko ang pototoy niya!
Ang laki!
Erase! Erase, Kyle Angelo! Ano ba itong mga nasasabi ko! Jusku po! Patawarin niyo po itong utak ko kung masyado ng maseselan ang mga sinasabi nito!
"Who the hell are you? What are you doing here in my fvcking room?!" sunud sunod na tanong nito sa akin at talagang mahihimigan sa boses niya ang matinding galit.
Kahit galit man ang mukha nito ay hindi pa rin nawawala ang angking kagandahan ng kanyang pagkakalaki.. este pagiging isang lalaki.
In short, napakagwapo ng lalaking kaharap ko ngayon.
Hindi ko napigilan ang aking sarili ng mapadako ang aking tingin sa kanyang maskuladong katawan dahilan para mas lalo akong mabighani at maakit sa kanyang perpektong abs.
Jusko mga kapanalig! Anim na perpektong pandesal ang nakahain ngayon sa aking harapan!
"Hey! I am talking to you, little gay! Why are you staring at my body?! Can you just answer my damn question!" Napabalik ako sa ulirat ng marinig kong pasigaw siyang nagsalita sa harapan ko dahilan para mapatigil ako sa pagtitig sa kanyang abs.
Hmm.. napakagwapo at almost perfect na sana kaya nga lang napaka-attitude na! Ang sama ng ugali ng lalaking 'to! Hmmp!
"Pasensya na kung naistorbo ko kayo... hindi ko naman sinasadyang maabutan kayo sa ganoong eksena. Huwag kang mag-alala, hindi na ulit mangyayari 'yon. Pupunta na ako sa magiging kwarto ko." saad ko rito at hindi ko na ito hinintay pang magsalita dahil nakayuko akong naglalakad papunta sa aking magiging kwarto sana ngunit bigla ako nitong hinarang dahilan para mapahinto ako at mapaharap muli sa kanya.
"At sino naman ang nagsabi sayong dito ang magiging kwarto mo huh?! Get out!" mariing sabi nito sabi sa akin at matapos ay itinuro ang pintuan sa labas.
"After I take my shower, I don't want to see your ugly fvcking face again!" tiim bagang nitong wika at matapos ay iniwan ako nito sa aking kinatatayuan.
Nakita kong pumasok ito sa isang di kalakihang pintuan at sa tingin ko ay iyon ang pinto ng banyo.
"Alam mo ikaw lalaki ka, napakalaki mong epal! Binitin mo kaming dalawa ni Warren! Malapit na sana naming maabot ang langit eh! kaya lang bigla kang dumating at umeksena ka! Nakakainis ka!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko yung babae na kasiping ng magaling na lalaki kanina.
Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang talampakan.
Hmm.. mukha naman siyang paa.
Minabuti ko munang igilid ang dalawa kong bitbit na maleta bago ko hinarap ang babaeng mukhang adidas.
"For your information Ms. Adidas, Wala kang karapatang sabihan ako ng epal dahil in the first place dito ang kwarto ko. Heto ang naka-assigned na tutuluyan ko so wala akong pakialam kung nabitin ka man sa ginagawa niyo ng lalaking hambog na ka-chukchakan mo!" naiinis kong sabi rito at hindi ko na natiis pa at inirapan ko ang babaeng ito.
Dahil sa sinabi ko ay mas lalo yata itong nainis.
"How dare you para sabihin ang mga bagay na 'yan!?! You ugly gay isusumbong kita sa boyfriend ko!" parang bata nitong sabi at saka siya nagtungo sa pinto ng banyo na kung saan ay naroroon ang lalaking ubod ng kahambugan at ito'y naliligo.
"Babe! Inaaway ako nung bakla dito! Babe! Help me, Please! He wants to r**e me! I'm so afraid babe! Please help me!" atungal ng babaeng mukhang adidas habang ako naman ay napataas ang dalawang kilay at literal na nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig kong sinabi ng babae.
Okay na sana yung inaaway ko siya eh pero yung ni-r**e ko daw siya?! oh my ghad! NO effin' WAY!
Hindi kami talo 'no!
"I don't care! Umalis ka na hindi na kita kailangan! Just leave!" mariing sigaw ng lalaki na nasa banyo at rinig na rinig namin ito ng babae.
Napangisi ako ng makitang nalugmok ang mukha niya dahil sa sinabi sa kanya ng boyfriend niya raw kuno.
Buti nga sayo! Ambisyosang babaeng adidas na 'to!
Unti-unti itong lumapit sa kinaroroonan ko habang nakatingin ito ng masama sa akin.
"I hate you! Magbabayad kang bakla ka!" Galit na galit nitong sabi sa akin at nang matapos ay walang sabi-sabing tumakbo sa labas ng pinto.
Muli akong napangisi habang nawala na sa paningin ko ang babaeng ambisyosa.
Akala mo naman kung sinong maganda eh mas lamang naman ako sa kanya! Psh!
Binalikan ko ang aking maleta kung saan ko ito iniwan at agad na nagtungo ako sa aking magiging kwarto.
"Ang ganda-ganda naman!" hindi ko napigilang saad ng mabighani ako sa aliwalas at linis ng aking kwartong titirhan.
Naupo agad ako sa kama at binuksan ko ang aking maleta na naglalaman ng aking mga kagamitan.
Napangiti ako ng mailabas ko sa maleta ang isang picture frame na naglalaman ng aming litrato nina mama at papa.
"Para po sa inyo itong gagawin ko. I love you, two! " nakangiting sambit ko habang nakatitig sa litrato at matapos ay hinalikan ko ang frame.
"Hindi rin naman masyadong makapal ang pagmumukha mo at talagang pumasok ka pa dito sa kwarto ko?" Natigilan ako at awtomatiko akong napalingon sa nagsalita dahilan para makita ko ito, at ito'y walang iba kundi ang lalaking hambog na ngayon ay tiim-bagang na nakatingin ng masama sa akin.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na natiis na sagutin ang letseng lalaking 'to.
"Ano bang problema mong lalaki ka?! 'Di ba nasabi ko naman na sayo na heto ang ibinigay na kwarto sa akin nung namamahala dito sa dorm?! At saka ilang beses ka bang iniri ng nanay mo at bakit paulit-ulit ka na parang isang sirang plaka?! Dito nga ang magiging kwarto ko kaya wala ka ng magagawa pa!" hindi ko na napigilan ang inis ko at nasabi ko na ito sa kanya.
Masyado na kasing nakakainis 'tong hambog na lalaking 'to e! Hindi ko na tuloy napigilan yung emosyon ko at sumabog na ang galit ko.
"How many times to tell you na ayaw kong may kasama dito sa dorm na 'to! And also, ayaw kong makasama ang isang baklang katulad mo! Hindi mo ba ako kilalang bakla ka ha?!" Nanggagalaiti nitong sabi sa akin at pinanlakihan pa ako nito ng mga mata.
Aba! akala mo masisindak mo ako d'yan sa palisik-lisik ng mga mata mo ha! Pwes! Hindi ako natatakot sayong hambog ka!
"Akala mo ba gusto din kitang makasamang hambog na lalaki ka?! Well, for your information, wala akong balak na kilalanin ka dahil ayaw kong makasama ang isang lalaking ubod ng yabang na katulad mo!" Naiinis kong turan rito at ngumisi pa ako dahilan para mas lalo itong mainis sa akin.
Sige lang! Mapikon ka lang sa aking lalaki ka!
Inismiran lamang ako nito at matapos ay bigla na lamang siyang may kinuha sa kanyang bulsa at nakita ko na lamang na isa itong telepono.
"Hindi ba't sinabi kong ayaw na ayaw kong may makakasama sa kwarto ko! Fvck! I don't care! Akin 'tong kwarto kaya ilipat niyo ng room 'tong lalaking nandito sa kwarto ko dahil ayaw ko siyang makita!" Rinig kong sabi niya sa kabilang linya na sa tingin ko ay ito ang namamahala sa dormitory.
"Oh fvck I don't care! Tss" dagdag pa nitong sabi sa kausap niya sa kabilang linya.
"Tss. Fine! Siguraduhin niyong one month lang ha?! one month lang!" naiirita niyang sabi sa kanyang kausap at walang paa-paalam na pinatay ang tawag.
"Hey little gay! Hindi ka ba na-inform na bawal ang mga baklang katulad mo dito? Dahil halos ng karamihan na nag-aaral dito ay puro straight na katulad ko! Kaya nga ALL BOYS SCHOOL 'di ba?! ALL BOYS!" paliwanag niya sa akin at may riin pa sa salita na binitawan niya.
"HOY IKAW HAMBOG NA LALAKI KA! 'WAG MO KONG GAWING BOBO DAHIL UMPISA PA LANG AY AYAW NA AYAW KO NA DITONG MAG-ARAL! HINDI KO GUSTONG PUMASOK DITO HOY! AT SAKA.. EH ANO NAMAN SAYO KUNG BAKLA NGA AKO? WELL, PARA MALAMAN MO LANG DIN... HINDI AKO YUNG BAKLA NA INIISIP MO NA PATAY NA PATAY SA MGA LALAKI AT HAYOK p*********i NIYO! ALAM KO ANG TAMA SA MALI KAYA HUWAG MO AKONG GAWING INUTIL!" Sumisigaw ko ng sabi sa lalaking kaharap nko at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapakuyom ang aking mga kamao.
Hindi na siya umimik pa at umismid lamang ito sa akin hanggang sa tumalikod na ito at lumabas na ng aking kwarto.
Naku po Kyle Angelo!
Bakit sinabi mo ang tunay mong sekswalidad sa lalaking 'yon?!
PATAY!
✳✳✳
"ANO BA YAN! TALO NA NAMAN AKO!" naiinis kong sabi sa aking sarili dahil sa wala akong magawa ay nakikipagtitigan ako rito sa orasan.
Siguro kung may makakita man sa akin ngayon ay aakalaing nababaliw na ako.
Sumilip ako sa bintana ng aking kwarto. Nakita kong may liwanag pa. Kaya naman naisipan kong lumabas para makapaglibut-libot dito sa campus dahil first time ko pa lang makapunta dito.
Nagpalit lamang ako ng isang T-shirt at nagshort na lang din ako. Hindi ko na rin isinara ang pinto ng aking kwarto at pinto sa labas dahil baka biglang dumating yung lalaking yun.
Tss. Pakialam ko ba do'n?!
✳✳✳
"WOW!" Manghang-mangha kong sabi ng makita ko ang pinaka-sentro ng unibersidad.
Makikita ngayon na nasa gitna ang isang malaking bilog na fountain na ang disenyo ay may isang lalaki na may hawak na kahon na kung saan doon nagmumula ang tubig na kumakalat sa buong fountain.
Sa gilid ko naman ay ang napakaraming puno na iba't-iba ang klase. Acacia at Narra lamang ang nakilala kong puno na nakatayo.
Nang itaas ko naman ang aking tingin ay nakita ko ang isang napakalaking gusali na kung saan sa gitnang-itaas nito ay may nakasulat.
ACADEMIA DE XAVIER
exclusive for all boys school.
Sa totoo lang ay may malaking katanungan na naglalaro ngayon sa aking isipan.
Kung puro nga lalaki ang mga nag-aaral dito, bakit nakapasok yung babaeng adidas kanina?
"Ouch!" Hiyaw ko at daing ko na lamang ng may tumamang bola sa aking ulo.
"Oh Ghad i'm sorry. " Rinig kong sabi ng isang lalaki na natitiyak kong ito ang may sala ng pagtama ng bola sa aking sentido.
Hindi ko pa ito nakikita dahil napapikit ako sapagkat para bang dumoble ngayon ang paningin ko.
Ikaw kaya ang matamaan ng bola sa ulo?!
"Anong sorry! ang sakit kaya ng ginawa mo!?"inis kong sabi rito habang sapu-sapo ko ang aking ulo na natamaan ng bola.
"I'm sorry, talaga. Sobrang sakit ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?!" nag-aalala nitong sabi sa akin.
Nang maramdaman ko namang hindi na ito masyadong masakit ay agad akong napailing bilang aking sagot sa lalaking nakatama sa aking ulo.
"Masakit pa ba?" rinig kong tanong nitong muli sa akin.
Naramdaman kong bigla nitong hinawakan ang aking braso kaya naman napatingala ako bigla dahilan para makita ang mukhang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Are you, okay? I'm sorry talaga. Hindi ko sinasadyang matamaan ka, Mister." Aniya sa akin.
Tila ba napawi ang naramdaman kong sakit sa pagtama ng bola sa aking ulo ng makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon na ubod ng gwapo.
Juskupo! Napaka-gwapo niya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang sa...
Napalunok ako ng laway.
"Bakit ang laki?"
"What?!" Nagtatakang tanong nito dahil sa sinabi ko. Napatampal na lamang ako sa aking bibig at literal na nanlaki ang mga mata ko.
Shet! Ano ba itong lumalabas sa bibig ko?! Napakahalay na ng mga pinag-iisip ko!
"Ah.. eh.. Ang sabi ko, o-okay na! ma-maayos na a-ako. He-he." nauutal kong palusot na sabi rito na sana lamang ay gumana ngayon.
Jusme! Nakakahiya. Baka malaman niya pang beki boop ako.
"Are you a gay?"
Sa pangalawang pagkakataon ay nanlaki halos ang mga mata ko dahil sa sinabi nito at tila ba nanuyo ang aking lalamunan.
"Yes.. W-WHAT?! OF COURSE N-NOT! NO! YES! NO!" pinal na sabi ko rito at pinalaki ko pa ang boses ko upang hindi niya mahalata na isa akong sirena.
Jusko! Huwag naman po sanang mahuli na bakla ako! Please po.
"Hmm. okay! So.. Bro, Im Brian. Brian Stephozo Xavier. " pakilala niya sabay lahad ng kanyang mga kamay.
"Ahh.. eh.. bro. Ako naman si Kyle. Kyle Angelo Dela Vega. Nice meeting you, pare." may katigasan kong sabi rito at tinanggap ko ang kanyang mga kamay.
Oh my ghad! Napakalambot ng kanyang mga kamay!
WAAAHHH! Jusme! I feel him. His hands! Super Lambot. Parang marshmallows!
Nang tumingin siya sa mga kamay namin ay bigla ko na lang itong binitawan. Naku mahirap na dahil baka mahalata pa itong pinagnanasahan ko siya. charot.
"Nice meeting you, Kyle. Sige na una na ako. Magpa-practice pa kasi ako." nakangiting sabi nito sa akin at saka na siya nagpaalam.
Kumaway lamang ako sa kanya at saka ako gumanti ng ngiti rito hanggang sa makaalis na siya.
Brian.
Jusko! Na-crush at first sight yata ako sa lalaking 'yon.
"Stupid Gay! Get out of my sight."
Napalingon ako sa kung sino mang pontio-pilatong iyon at napairap na lamang ako ng makilala kung sino ito.
Kabwisit naman! Nakita ko na naman 'tong hambog na lalaking ito. Ang walang modong lalaking ka-dorm ko.
Magsasalita pa sana ako ngunit agad itong naglakad ng mabilis.
Tss. Wala talagang kwenta yung hambog na 'yon! Nakakabwisit!
Dahil sa malakas na binangga niya ako kanina ay napasalampak na lamang ako sa sementong sahig.
Makita ko lang talaga yung lintik na 'yon ulit! Masasapak ko na talaga siya!
"Are you alright?" nag-angat ako ng tingin at awtomatiko na lang akong napangiti ng makita ang nasa harapan ko ngayon.
Oh my ghad! Si Crush!
"o-okay lang ako, crush este Brian." ani ko at nakita ko na lang na inilahad niya ang kanyang mga kamay dahilan para tanggapin ko ito. Dahan-dahan niya akong iniangat at itinayo.
"Thank you, Brian." nakangiting pasasalamat ko rito. Nakita kong tumango ito sa akin at gumanti rin siya ng isang ngiti.
My ghad! Feeling ko maiihi ako dahil sa mga ngiti niya!
"May gagawin ka pa ba, Kyle?" Tanong nito sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
agad akong umiling.
"Hmm. Wala naman, Brian. bakit?" sagot ko rito at aking tanong din sa kanya.
"Ililibot sana kita dito sa buong campus kung okay lang sayo?" natigilan ako dah sa kanyang sinabi ngunit agad din akong nakabalikwas at sunud sunod na tumango sa kanya.
"Ay go lang! este.. sige Bro! Sige. Okay na okay!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya at nakita ko na naman ang kanyang nakakapanghinang mga ngiti.
Jusko Brian! Itigil mo na yang pag-ngiti mo! Baka ma-fall ako sayo! charot!
"Tara?" nakangiting pagyaya nito sa akin at sa pangatlong pagkakataon ay inilahad na naman niya ang kanyang kamay.
Tumango ako sa kanya at dahil may kaunting kalandian din naman ako ay syempre kinuha ko ang kanyang kamay.
"Here's the helmet for the protection, Kyle. Use it okay?" Ang sabi niya at isinuot nito sa ulo ko ang helmet na hawak niya.
May motorsiklo kasi siya kaya heto ang gagamitin namin para mabilis naming malibot ang buong university.
"Angkas ka na sa likod ko. Basta kumapit ka lang ng mabuti ha. Much better kug hahawak ka sa waist ko. Huwag kang mailang, parehas naman tayong lalaki." ang sabi niya sa akin at nagulat na lamang ako ng siya ang maglagay ng aking dalawang kamay sa bandang baywang niya.
Juskupo! Ang bilis ng t***k ng puso ko!
"Haay! Kumapit ka nga ng mabuti." Sabi pa niya at inayos ang aking mga kamay.
Hindi ko na kaya dahil halos nakayakap na ako sa kanya at sa totoo lang ay amuy na amoy ko ngayon ang napakabango niyang aroma.
Sarap naman! charot!
✳✳✳
"Bale heto ang gymnasium ng campus." saad nito sa akin ngunit hindi ko man lang tinignan ang itinuturo niya dahil abala ako sa pagtititig ko sa kanya.
Napakagwapo niya talaga. Para siyang isang sikat na modelo sa ibang bansa. Hotness overload siya!
"Aray!" daing ko na lamang dahilan para mapahinto ako sa pagtitig sa kanyang mukha.
"What happened, Kyle?" nag-aalala niyang tanong sa akin at napaupo ito upang tignan ang paa kong namaga.
"Hindi ko napansing may humps pala sa harap ko kaya natalisod ako. Ang sakit." Maluha luha kong sabi sa kanya.
Napakashunga mo naman, Kyle Angelo! Puro ka kasi kalandian ayan tuloy!
"Mas maigi sigurong ipatingin natin ito sa nurses sa clinic." sabi nito sa akin at nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa.
Binuhat niya ako ng parang isang pang-kasal.
Napasinghap ako ng makitang napakalapit ng kanyang mukha sa akin.
Napatigil kami bigla ng may narinig kaming isang tunog ng telepono kaya naman nang may makita si Brian na pwedeng maupuan ay agad niya akong pinaupo at saka niya sinagot ang tumatawag sa kanyang telepono.
"Sige papunta na ako. bye." seryoso nitong sabi sa kausap at pinatay niya na ang tawag.
Tumingin na ito sa akin.
"Ahmm.. Kyle, I'm sorry to say this kaya lang I need to go dahil may importante kasi akong pupuntahan. Don't worry kasi i'm gonna call my cousin para dalhin ka niya sa clinic. Wait for him, okay?!" nakangiting sambit nito sa akin. Gusto ko sanang umangal at huwag niya akong iwan ngunit parang napakaimportante ng pupuntahan niya ngayon.
"Sige. okay lang." sagot ko rito habang hinihilot ko ang aking paa na natapilok.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na sa akin si Brian dahil kailangan niya na ngang pumunta sa pupuntahan niya. Ang sabi niya naman sa akin ay less than five minutes ay darating na ang kanyang pinsan upang dalhin ako sa klinika ng unibersidad.
"Hmm. Sino kaya yung pinsan niya na pinapunta niya para tulungan ako? Nako! paniguradong gwapo din 'yon." kausap ko sa aking sarili.
"Talagang Gwapo ako." sabi ng isang pamilyar na boses na sa likuran ko at nanlaki na lamang ang aking mga mata at napaawang din ang aking bibig ng lumakad ito palapit sa akin.
Don't tell me...
"Yes! Pinsan ako ni Brian. I'm your nightmare, little gay."