Chapter 2

1176 Words
Kyle "Anak, bakit mo kami iiwan? May mali ba kaming nagawa sayo? Sabihin mo, anak! Anong dapat naming gawin para hindi ka umalis? Wala kang kasalanan anak.. hindi namin kaya ng papa mo na mawalay ka sa amin." nagdadramang saad ng aking ina sa akin. Nangunot naman ang aking ulo sa kanyang sinabi. "Ma, 'di po ba kayo ang may gusto ni---" pinutol niya ako sa aking mga sinasabi at siya muli ang nagpatuloy na nagsalita. "Anak.. hindi.. ayaw ko! Hindi ko ito gusto.. Hindi namin ito gusto! Huwag kang umalis sa bahay natin Kyle. H'wag mo kaming iwan, anak!" naiiyak nitong sabi sa akin at hinawakan pa ang magkabila kong kamay. Napatanga na lamang ako sa kanyang ginawa. "and cut!" Sigaw ni papa at hininto ang pagkuha ng video sa aking ina. Lumapit naman kaagad si mama at pinanood nilang dalawa ang eksena na kinuhanan ni Papa. "Mahal.. ang galing-galing ko diyan! Grabe! Pwede na ba akong mag-audition sa Starstruck? WAAH! Nakaka-excite!" tuwang tuwa na saad ni Mama at hindi magkamayaw na purihin ang kanyang sarili sa pinapanood niya. "Oo Mahal! Napakagaling mo. UNBELIEVABLE!" Masayang turan ng aking ama kay Mama na mas lalong ikinatuwa ng aking ina. "Spell unbelievable nga, Pa?!" Sabat ko sa kanila at tumingin ako sa kanilang dalawa. "Tigilan mo nga ako, Kyle Angelo! Oh sige.. Magaling na lang! Mahal, ang galing galing mo. " pumapalakpak na saad ni Papa kay Mama at matapos ay hinalikan niya ang pisngi ni Mama. Hays. Hindi ko alam kung anong nakain ng nanay at tatay ko. Hindi na lamang ako sumagot sa kanilang dalawa dahil panigurado naman na alam niyo na ang pinaggagawa ng aking mga magulang. Well, Ang nanay ko raw yung artista habang angaking ama naman ang Direktor s***h Video operator. "Anak, anong oras na? Anong petsa ka raw ba susunduin dito nak? Umalis ka na kaya? Pumunta ka na lang kaya doon sa school mo, anak?" Napairap na lamang ako sa tinuran ng aking ina. Sinasabi ko na nga ba eh! Kung alam niyo lang na puro kabaliktaran lahat ng sinasabi nito ni Mama kanina. Sa totoo lang, Mas excited pa nga siya na umalis na ako dito. Pero joke lang naman daw 'yon? Ang gulo ano? Sa totoo lang ay medyo malayu-layo ang papasukan kong university ngayon. At talagang Mamimiss ko ang mahal kong nanay at tatay dahil heto ang unang beses na mapapawalay ako sa kanilang dalawa. "Anak, mag-iingat ka doon ha?! Kumain ka ng marami para naman tumaba-taba ka na. Wala kami doon kaya 'wag na 'wag mong papabayaan ang sarili mo. Maligo ka araw-araw. Kapag pawis yung likod mo punasan mo kaagad. Huwag puro lalaki ang isipin ha? Mag-aral ka doon! Basta isipin mo na lang magkakasama pa rin tayo ng Papa mo. Tatawag kami palagi sayo, anak. I love you, mahal kong Kyle." Madamdaming sabi ni Mama sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit na siyang ginantihan ko naman. Bawat salitang sinambit ni Mama ay tumagos sa aking puso at tinandaan ko ito lahat dahil para sa akin naman ang mga ito. Hindi namin napigilan ang aming emosyon at napaiyak kaming tatlo habang magkakayakap. "Anak,mag-iingat ka doon ah. Magpakabait ka sa mga magiging professors mo. Tandaan mo, anak.. mahal ka namin ng mama mo." dagdag ni Papa sa akin at naramdaman kong humalik siya sa aking sentido. Napakalas kaming tatlo sa aming pagyayakapan ng biglang dumating ang school bus na nasa tapat na ng bahay namin. At ito na ang hudyat na malapit ko ng lisanin ang aming tahanan. Pinunasan ko ang aking mga luha bago harapin ang aking mga magulang at saka nagwika. "Huwag po kayong mag-alala Mama at Papa.. magpapakabait po ako do'n at gagalingan ko po para sa inyo. Lahat-lahat pp ng mga sinabi niyo ay tatandaan ko po iyon. I love you, mama and Papa." Huli kong sabi sa mga ito at muli kong niyakap silang dalawa. Matapos ang pagtatagpong iyon ay agad kong ipinasok ang mga gamit ko at nagtungo na sa school bus para baybayin ang bago kong papasukang unibersidad. Kumaway ako sa kanilang dalawa at ngumiti sa mga ito bago ko isinara ang pintuan ng school bus. Pinunasan ko na ang mga luha kong kanina pa pumapatak sa aking mukha. Paalam muna Mama at Papa, mamimiss ko po kayong dalawa. Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa aking mga magulang. Ngayon ay kailangan ko nang harapin ng mag-isa muna ang buhay. Kailangan ko ng maging independent. Kaya mo 'to, Kyle! Laban lang! "Nandito na po tayo." Aniya ng driver ng school bus sa akin dahilan para mapatango ako rito at saka lumabas ng sasakyan. Hay jusko! Bakit ba heto pang maleta na 'to ang dinala ko? Ang sakit naman sa kamay! Pumunta na ako sa gate at hatak- hatak ko itong napakabigat na maleta. Napansin ko na may mga nakaharang na naglalakihang limang gwardya. "Pakilabas ang I.D at waver tsaka pakibuksan yung bag mo." Seryosong sabi ng isang guard. Ang pangit naman nito ni Kuya! Akala mo kung sinong Pogi? Tss. Sinunod ko yung sinabi niya. "Pakibilisan buksan yung bag" maawtoridad nitong sabi sa akin. Sinunod ko naman ang gusto nito. "Welcome Sayo, Kyle Angelo Dela Vega dito sa Academia De Xavier All Boys School. Tigasan mo 'yang kilos mo, bawal mahina ang katawan dito at bawal ang babakla-bakla!" Sabi ng isang mukhang shomba na seryosong guard at ang mga loko-loko ay nagtawanan ang mga ito. Tumango na lang ako at hinatak na ang maleta ko. Mga Bwisit! Binigyan niya ako nang mapa ng school dahil napakalaki at napakalawak daw nito which is true naman. Harap pa lang ay napakaganda na at nararamdaman kong mas maganda pa ito sa loob. Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid. Isa lang ang masasabi ko. Three letters and one word WOW! Napakalinis naman dito nakakahiyang magkalat. ✳✳✳ "Here's your key Mr. Dela Vega." Sabi ng isang babae na nakasuot ng formal na damit at ibinigay sa akin ang susi. HAAY! Sa wakas at makakapagpahinga na rin ako. "Mr. Dela Vega, Sa Seventh floor po ang magiging room niyo." Sabi nito na nagpalaki ng dalawa kong mata. SEVENTH FLOOR?! SERYOSO?! "Ah . Eh . Nasaan po ang elevator?" Tanong ko at palinga-lingang hinanap ang elevator. "Sad to say Mr. Dela Vega, tomorrow pa po bubuksan iyon kasabay ng opening ng school." Nakangiti nitong sabi. Seryoso ate? Nakangiti ka pa talaga? Haist. Okay?! Sabi ko nga e! Maghahagdan na lang ako! Tss. ✳✳✳ "SEVENTH FLOOR!" Sigaw ko sabay buga ng hangin. Jusmeee! Di ako naorient na kada floor ay may twenty steps ang bilang! Nakakaloka! "MY GOSH!" Sigaw ko at napahawak sa bibig ko. SHEEEEET! "Yung Room ko nakalimutan ko!" Bulong ko sa aking sarili at muling bumaba papuntang desk. ANG MALAS MALAS KO NAMAN ! ✳✳✳ "ROOM 420" Basa ko sa nakasulat sa pinto. Sa wakas! Nandito na ako sa tapat ng room ko! "Tok Tok." Sabi ko at kumatok. CHAROTS! May susi ako dito! Gamit ang susi ay nabuksan ko na ang pinto. "WOW!" Hindi makapaniwalang bigkas ko. Ang ganda ng magiging room ko! Grabe! Worth it pala ang pagtaas-baba ko sa hagdanan kung ganito naman! Pero sa totoo lang sobra talagang nakakapagod ang araw na'to. At feeling ko sobrang napakamalas ko ngayon. Totoo siguro yung sabi nila na kapag nakakita ka ng itim na pusa ay mamalasin ka kasi kanina sa totoo lang, nakakita ako e tapos--- "Oh my goodness!" Ano 'tong nakikita ko?! Ano itong nasa harapan ko ngayon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD