"Anak! Anak! Congratulations! Nakapasok ka sa school ng papa mo noon, Im so proud of you." masayang-masayang ani ng aking ina habang kasunod nito ang aking ama at nangangaripas ito ng takbo papunta sa pwesto ko.
"Anak! Galingan mo doon ha! Gusto ko na maging isa kang matikas at lalaking-lalaking pulis in the future!" wika naman ng aking ama at nag-iimagine pa ito sa kanyang isipan kung paano ako magiging isang matagumpay na pulis sa panghinaharap.
Hays.
Ayoko na lang talaga magsalita dito sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nila sa buhay.
Humarap ako sa kanilang dalawa at nginitian ko ang mga ito. Saka ako tumayo sa upuan at nagmartsa habang kumekembot.
"Hoy! Kyle Angelo Dela Vega JUNIOR! Umayos ka nga ng lakad at itigil mo yang pa-kendeng kendeng mo d'yan na para bang isang bulate na inasinan!" saad ni papa sa akin na may seryosong tono ng boses.
"Papa! Kailan pa ho nagkaroon ng JUNIOR sa buong pangalan ko?! At saka Papa naman! ganito na po talaga ang lakad ko at may pa-kendeng kendeng na kasama! Para namang hindi ka na nasanay sa'kin, Pa!" sabi ko sa kanya at nakita ko siyang tumingin sa aking ina.
"Aba't talaga lang ha?! Ma, paki puno nga nung drum natin at may ilulunod ako." Sambit nito at saka niya ako tinignan.
ng masama.
"Papa naman, kahit ilang drum pa po 'yan na may kasamang tubig e hindi po ako malulunod. Kahit ihulog niyo din pa ako sa water falls, Pa! lulutang lamang ang kagandahan ko. " Pang-iinis kong sabi sa aking ama.
"Talaga lang ha?! oh sige tara at ngayon din ay pupunta tayo ng Pagsanjan falls para lunurin kita." inis nitong sabi sa akin at nakapamaywang ito habang masamang tumingin sa gawi ko.
"Hoy! Kayong mag-ama, itigil niyo na nga 'yang pinagtatalunan niyo! Tara na dito at kumain na tayo." Nakakunot noong sambit ni Mama sa amin at inaya kami upang makakain na.
"Ma, magaling na ba kami umarte ng anak mo?" Nakangiting tanong ni Papa kay Mama.
Ako naman ay natawa lamang dahil sa sinabi ng aking ama.
"Oo na! Magaling na kayo! Gusto niyo parehas ko kayong ingudngod sa lapag aber?!" Mataray na sabi ni Mama sa aming dalawa ni Papa.
Dahil sa sinabi ng aking ina ay nagtawanan kaming dalawa ni Papa kasabay noon ang pag-apir naming dalawa.
Sabay kaming tatlong nagtungo sa kusina para masimulan na namin ang aming pananghalian.
✳✳✳
"Anak! ikaw ang malapit sa telepono! Ikaw na ang sumagot sa tumatawag." Utos ni mama sa akin at ako naman ay itinigil ko ang aking kinakain, at dali-dali akong tumayo upang kausapin ko ang tumatawag sa kabilang linya.
'Pag hetong taong 'to eh walang kwenta yung sasabihin eh makakatikim ito sa akin ng hindi maganda! Sinasabi ko lang talaga
"Hello?" walang ganang tanong ko sa tumawag.
"You're the one who avail the slot? Remember?" napakunot ang aking noo ng hindi ko maintindihan yung sinasabi niyang slot-slot sa akin.
Sa Pagkakatanda ko eh wala naman akong natatandaang nagpa-reserve ako ng kung ano man?
Kahit naguguluhan ay minabuti kong sagutin ang nasa kabilang linya.
"Ahmm. Slot? maybe... Yes?" napilitan lamang na saad ko rito.
"Yes! You are. Congratulations Mr. Kyle Angelo Dela Vega. Welcome to ACADEMIA DE XAVIER ALL BOYS SCHOOL." Masiglang saad nito sa akin at nagulat na lamang ako dahil sa tinuran nito.
"Po? All Boys School po? As in puro lalaki po yung mga nag-aaral, gano'n?!" nagugulat kong ani sa aking kausap at tinitiyak kong mabuti ang mga pinagsasabi nito.
Seriously, all boys school talaga?
"Yes, Mister .. The school is exclusive for all the boys only.. like you... you are very lucky because you are qualified and you already passed the entrance exam. Congratulations, Mr. Dela Vega."
Parang gusto ko na lamang malagutan ng hininga nang dahil sa mga nalalaman ko ngayon.
"By the way Mr. Dela Vega, I just want to inform you that you need to come here tomorrow at exactly eight in the morning to give you your keys in your dormitory." paliwanag nito sa akin at parang nanghihina na talaga ako sa mga rebelasyong nalalaman ko ngayon.
"Po? tomorrow? As in bukas na? keys? dormitory? hindi ko po... hindi ko po maintindihan." Naguguluhan kong tanong rito dahil nawiwindang na ako dito sa kausap ko.
"Yes! Tomorrow, we will tour you to see your new school and of course your new dormitory. Please prepare all your stuffs before 6 am because we're gonna go there to fetch you in your house. Thank you Mr. Dela Vega. Godbless." magsasalita pa sana ako at magtatanong ako rito nang bigla na lamang naputol ang tawag.
Dismayado kong ibinaba ang telepono at parang robot akong naglakad papunta sa lamesa na kung saan naroroon ang aking mga magulang.
"Oh .. Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo, anak? Sino ba yung tumawag?" usiserong tanong sa akin ng aking ama.
Malungkot akong tumingin rito.
"Ma.. Pa.. may nakausap kasi ako sa telepono tapos ang sabi niya... nakapasa daw ako ng school kaya lang... doon sa all boys school? Nagtataka ako kung bakit..." napahinto ako sa aking sasabihin ng tignan ko ang aking mga magulang na ngayon ay umiiwas na tumingin sa akin.
Hmmm.. I smell something fishy huh?!
"Kyla, ano ba 'yon? Wala akong alam diyan." Ani ni Papa habang busy ito sa kinakain niya.
"Tigil tigilan mo ko Angelico! Ikaw ang may pakana no'n." - turan naman ng aking ina habang ito ay umiinom ng tubig.
"Anak!" sabay nilang tawag sa pangalan ko ngunit hindi ko sila nilingon at patuloy pa rin akong tumakbo saka ako nagtungo sa aking kwarto.
"Sinasabi ko na nga ba eh! Nakakainis!" inis kong bulong sa aking sarili at inihagis ang nadampot kong unan sa sahig.
Hindi ko maiwasang hindi mainis kina Mama at Papa! Bakit hindi man lang nila sinabing All boys School pala yung papasukan ko?! Na halos lahat ng mag-aaral doon ay puro lalaki? Jusko naman!
Nakakatampo naman silang dalawa dahil itinago nila ito sa akin. Sa akin pa talaga na anak nila.
Syempre, hindi niyo pa alam kung paano nangyari ang lahat di ba? So.. ikekwento ko ang nangyari.
Pinag-exam ako nila Mama and Papa thru online. So, nagtake nga ako ng exam. Tapos after two weeks, tinignan namin kung nakapasa at ayun.. pangatlo ako sa list nang nakapasa. Tuwang-tuwa ako dahil syempre nakapasa ba naman ako. Nagpakain pa nga sila Papa at Mama sa mga kapit-bahay eh! Masaya sila, syempre.. Masaya ako. Sobrang saya!
Kaya lang ayun nga.. may bigla na lang tumawag at nag-congratulations sa akin sabay sabing Welcome sa ALL BOYS SCHOOL?!
Hindi ba't nakakaloka iyon?!
"Anak?" rinig kong saad ni Mama at matapos ay kumatok ito sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok po!" saad ko na sakto lamang upang marinig nila. Hindi ko naman isinara ang pintuan ng aking kwarto kays agad nila itong mabubuksan.
"Anak. Pwede ka bang makausap?" tanong sa akin ni Mama ng makapasok ito sa aking kwarto.
Tumango lang ako bilang sagot at umupo ako ng maayos sa aking kama. Nakita kong lumapit si Mama sa akin at tumabi ito kung saan ako nakaupo. Kasunod niya si Papa na ngayon ay umupo naman sa gilid ko kaya ngayon ay pinapagitnaan nila akong dalawa.
"Anak. Pasensya ka na kung hindi namin kaagad nasabi ng mama mo na ipapasok ka namin sa All Boys School. Pasensya na talaga, anak. Sa totoo lang, lahat ng mga lalaki sa side ng papa mo pati ang mga kaninu-ninuan natin ay doon sa All boys school nag-aral ng college. At bago mawala ang lolo mo humiling siya sa amin ng Mama mo na kung magkakaanak daw kami ng lalaki ay kung maaari ay pag-aralin ko raw ito sa panlalaking eskwelahan. Anak, nangako ako sa lolo mo na pag-aaralin kita doon pero kung ayaw mo talaga.. kakausapin ko na lang ang puntod ng lolo mo at hihingi na lang ako ng tawad sa kanya." Madamdaming pahayag ng aking ama at tumayo na ito.
Papalakad na sana ito patungong labas ng pigilan ko ito at tawagin ko siya.
"Papa." sambit ko dahilan para mapatingin ito sa akin.
Kahit kailan talaga 'tong si Papa oh! Talagang kinonsensya pa talaga ako.
Napaisip akong mabuti.
Hindi ko pa rin alam kung tama ba ito o mali pero...
alang-alang sa mga kaninu- ninuan namin,
at para sa pangako ng mga magulang ko sa aking lolo...
"Sige po... pumapayag na po akong mag-aral sa all boys school."