Kyle Wala sa sariling napatayo ako sa aking kama nang marinig kong tumunog ang aking alarm. Nagtungo kaagad ako sa banyo kung saan agad akong naligo at nagsipilyo ng aking mga ngipin. Hindi rin nagtagal ay natapos na ako sa mga pinaggagagawa ko at ngayon nga ay binubutones ko na ang aking unipormeng pampasok habang nakaharap sa malapad na salamin. "Let's go, Kyle! Pumasok na tayo!" ani ko sa aking sarili at matapos ay ngumiti sa replika ng salamin. Mabilis kong kinuha ang aking bag at isinukbit ito sa aking balikat. Hindi rin nagtagal ay lumabas na ako sa aking silid upang pumasok sa unang subject ko ngayong araw. ✳✳✳ Habang binabaybay ko ang aming eskwelahan na hindi naman talaga kalayuan sa aking dorm ay bigla ko na lamang naalala ang mga ikinwento at nabasa ko sa diary ni Izzy. G

