Izzy Nakakaloka! Nakakawindang! Nakakagulantang! "Get the Tire!" malakas na sigaw ni sir Hilario sa kapwa ko mag-aaral upang sagipin ang nalulunod na si Kyle. Jusko! Yung kaibigan ko! Nalulubod siya ngayon! "Tulungan niyo siya please! Parang awa niyo na nauubusan na siya ng hininga!" mariin kong sigaw sa mga lalaking naghahanda upang sagipin ang walang malay na ngayon na si Kyle. Nakakaloka! Kaya naman pala parang nag-aalinlangan itong kaibigan ko na si Kyle kanina kung papasok ba sa aming klase ngayon ay dahil hindi pala talaga siya marunong lumangoy. Jusmiyo! Kahit na sirena man ang kaibigan ko ay nalulunod pala ito?! "Tulungan niyo si Kyle! Hindi siya marunong lumangoy!" Muli kong sigaw sa mga taong sumasagip kay Kyle at nanginginig akong nanalangin sa poong maykapal. Jusko! Kit

