Kyle "Izzy, nagkamali tayo sa suspetya na mayroong ibang babae si Keeyo. Nakakahiya na yung baby pala eh Baby-lynne pala ang pangalan." Sabi ni Kyle sa akin habang nakaharap kaming dalawa sa salamin at inaayusan ng mga babae. "Kaya nga, Kyle. Nahihiya ako sa kanilang dalawa lalo na kay Baby-lynne. Siguro next time kokomprontahin ko na talaga si Keeyo kung may gagawin siyang hindi ko magugustuhan para nang sa gayon wala ng ibang taong madadamay at para mabilis ding maayos ang gmagiging problema naming dalawa." Sabi ko habang hinahawi hawi ang buhok ko. Ngayong araw ay ang third monthsary namin ni Keeyo at kasabay no'n ay sine-celebrate ang kaarawan ni Baby-lynne na pinsan ni Keeyo. "Ang swerte mo, Izzy dahil mahal na mahal ka talaga ni Keeyo." Napatingin ako sa gawi ni Kyle at napansin

