Kyle "Kyle?!' Sabi nito at gulat na gulat ng makita ako. Hindi rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Warren na boyfriend ko na halos ilang linggo kong hindi nakita ay makikita ko dito pa at may kasamang iba? "Warren." Halos pabulong kong sabi sa kanyang pangalan. Unti-unting nagpa-process sa utak ko ang mga kaganapan. "Wow huh?! Both of you know each other pala! By the way babe paano kayo nagkakilala?" Saad nito sabay harap kay Warren at ipinalupot ang kanyang kamay sa braso nito. Tumingin ako kay Warren at gano'n din siya. Sandaling tumahimik ang paligid na para bang walang ibang tao at walang okasyon na nagaganap. "Kaibigan ko siya." Maiking sabi ni Warren at umiwas ng tingin sa akin. Kaibigan? Ako? Warren, kaibigan mo lang ako? "Oh nice! Magkaibigan pala kayo! So Kyle pwede

