Kyle "Hoy! Kyle Angelo Dela Vega! Bakit parang yang mukha mo e pinagsakluban ng langit at lupa aber?! Kay aga aga e?! Dapat laging happy ika nga ni Tinay!" Saad ng aking mahal na ina at nag-act pa na masayang masaya. Yung ngiting-ngiti! Akala mo naman bagay. Tsk. Bumuntong hininga muna ako bago ininom ang tinimpla kong kape. "Anak, may problema ba?" seryosong sabi ni Mama na lumapit sa lames kung saan ako naroroon. Tumingin ako sa kanya at umiling at binigyan siya ng isang mapait na ngiti. "Anak, alam mo bang hindi ako naniniwalang wala kang problema. Nanay mo ako kaya nararamdaman ko kung may itinatago ang aking anak sa akin o wala. Sa kalagayan mo ngayon, sigurado akong may problema ka. Nanay mo ko, Kyle anak. Kahit alam mo namang may pagkasabog paminsan minsan ang nanay mo e nagses

