Kyle "Ikaw, ang pag-ibig na hinintay~ Puso ay nalumbay,~ Nang kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw, Ikaw~ Ang Pag-ibig na binigay~ Sa akin ng maykapal~ Biyaya ka sa puso ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.~" Ang kanta ni Keeyo para kay Izzy at ang dalawa ay nakatingin pa sa isa't isa. Kinanta nila ang Ikaw ni Yeng Constantino. Hindi ko maiwasang kiligin sa kanilang dalawa. Nagvivideoke kami ngayong apat sa bahay habang sila Mama at Papa naman ay naggogrocery. Ibinigay ko kasi yung natitira kong allowance na nakukuha ko sa school para panggastos din sa mga pangangailangan at kahit nung una ay tumatanggi kami sa pagbibigay ng pera ni Warren ay wala sila Mamang nagawa kundi tanggapin ito. Sinabi kong utang ko ito sa kanya at kapag nagkapera ay babayaran ko kaagad siya. "It's your tur

