Kyle Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon nga ay ang sembreak namin at ngayon rin ang uwi ko sa bahay! "Friend, hindi ka naman excited, huh?!" Sabi ni Izzy habang sinusubuan si Keeyo ng chips. Napatawa ako sa kanyang sinabi at tumingin naman sa nagdadrive na si Warren. "Finally, I'll met my mother and father, soon." Sabi ni Keeyo at tumingin sa direksyon ko sabay nagwink. Sa sinabi niyang ito ay nakita ko ang repleksyon ko sa side mirror ng kanyang kotse na namumula. Kinilig ako doon sa sinabi niya. Sana nga lang maaccept nila Mama at Papa ang relasyon naming dalawa. "O.. Bakit lumungkot ang prinsesa ni Warren?" Tanong ni Keeyo sa akin. Ngumiti ako ng pilit. Sobrang nararamdaman ko kasi ngayon ang kaba dahil baka hindi matanggap ng mga magulang ko kung ano ang relasyon naming dalawa

