Kyle "Tignan mo tuloy 'yang kamay mo, nagdudugo. Sa susunod, huwag mo nang gawin 'yon." Ang pangangaral ko kay Warren at natapos ko ng gamutin ang sugat niya. Hindi ito sumagot o nagsalita kaya naman tumingin ako sa mukha niya at laking gulat ko na nakatitig lamang ito sa akin. "Huy!" Ang gulat ko rito at napatigil siya sa pagtititig sa akin. Naiilang ako sa pagtitig niya. Once na napatitig ka sa mga mata nito ay talagang hindi mo na mabawi pa ang mga mata mo. Talagang may hipnotismo ang mga mata niya. "Kyle, bakit ba magkasama kayo ni Brian?" Nagulat naman ako ng magsalita ito at nagtanong. "Sa totoo lang, hindi namin inaasahan ni Brian na magkita kami kanina." Paliwanag ko sa kanya. "Please lang Kyle. 'Wag na wag kang lalapit kay Brian." Parang nagmamakaawang sabi ni Warren at hina

