Izzy "Ang mga walang kwentang lalaki hindi 'yan iniiyakan. Kaya itigil mo na 'yang pag-iyak mo dahil marami ka pang makikita diyan, tulad ko." Sabi ng isang matigas at lalaking lalaki ang boses. Gusto kong malaman kung sino ito kaya hinarap ko ito at tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang intsik o koreano dahil sa maliit ang mga mata. "Tignan mo, ang cute cute mo talaga kapag napapatitig ka sa akin ng ganyan e!" Mayabang na sabi nito. Hindi ko naiwasang magulat dahil sa mga sinabi niya. Ang yabang naman nitong lalaking 'to?! Sino ba siya?! "Sino ka ba?!" Ang tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Hindi mo na ako nakikilala? Ako yung naka-one night stand mo no'ng isang araw?! Remember?!" Ang sabi nito at kumindat sa akin sabay layo ang mu

