Ang Kambal

1631 Words

Nakangiti na niyakap ni Fate si Amilah. Ilang buwan niyang hindi ito nakita pero pinipigilan niya sumigaw dahil tulog ang mga bata. "Bumalik na rin ang kaibigan ko na pasaway! Sa susunod ay huwag mo na iiwan ang mga inaanak kong cute at baka magsisi ka!" Ang dalaga ay natuwa rin makita ang kaibigan kaya ito ay niyakap rin at saka hinawakan ang kamay. "Alam ko naman maiintindihan mo ako at susuportahan palagi sa lahat ng aking desisyon," "Kaya hindi mo dapat balewalain ang kaibigan mong ito dahil malaki na ang utang mo sa akin ngayon!" ani Fate na nagtatampo sa kaibigan. "Para bang ako ay naglaro lang sa Pilipinas, ah! Kung hindi lamang sa trabaho hindi ko iiwan ang kambal sa iyo. Alam ko naman ang mga bata ang dahilan bakit hanggang ngayon ay wala ka pa rin asawa," turan pa ni Amilah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD