Isang linggo buhat nang may nangyari sa kanila ni Erron, si Amilah ay kinausap ni Melba dahil si Erron ay ayaw paawat at pilit hinihingi ang basbas ng tiyahin para silang dalawa ni Amilah ay makasal. Dahil sa plano ni Erron kaya si Melba ay nagtapat kay Amilah kung bakit tutol na tutol ito sa relasyon nila ni Erron. Nang malaman ni Amilah na sila ni Erron ay totoo na magkapatid sa ama kaya nagpasiya ito na lumayo na lamang at mangibang bansa. Pumunta siya sa Germany at pagdating doon ay kaagad naghanap nang mauupahan si Amilah dahil sa ayaw niyang maubos ang dala niya na pera sa pagtira sa hotel. Nakakita siya ng dormitory na malapit sa isang eskuwelahan kaya 'yon ay kan'ya pinuntahan at doon niya nakilala si Fate na umuupa rin sa dormitory na 'yon. Nalaman niya na ito ay Filipino ri

