Ilang araw pa ang lumipas at si Cj ay na discharge na rin sa hospital. Si Erron ay hindi na pumunta pa o ang dumalaw man lamang kay Cj dahil ayaw niya pagsimulan ito na naman nang away ng kambal. Tumatawag naman si Erron kay Amilah at nagpapadala ng pagkain. Ang dalaga naman ay wala magawa sa dalawa niyang anak. Nailibing na rin si Fate pero hindi pumunta sila Amilah at Erron dahil masama pa rin ang loob ng nanay ni Fate. Isang umaga habang ang dalaga ay naghahanda ng kanilang agahan ay maaga rin nagising si Cj kaya ito ay nagkaroon nang pagkakataon makausap ang anak nang sarilinan. "Cj, bakit hindi mo kinakausap ang iyong kapatid, mayroon ba kayo problemang dalawa?" tanong niya na kun'wari wala siyang alam sa naging tampuhan ng dalawa. "Gusto kasi niya makasama si dad but I said I d

